LP# 9 : Ihip ng Hangin
May 28, 2008 by admin
Filed under LP entries
Bago po muna ang lahat, INTERESADO KA BA SUMAMA SA UNANG LITRATONG PINOY EB?
———————————————————————-
Magandang araw po sa inyong lahat, Huwebes na naman kaya’t atin ng simulan ang kasiyahan sa pamamagitan ng ating mga interpretasyon sa: Ihip ng Hangin
Medyo nahirapan akong maghanap ng mga larawan ngayong Huwebes dahil na rin sa aking kakulangan sa oras (dahil sa trabaho) kaya’t sana naman ay maibigan ninyo ang mga sumusunod.
Tatlong buwan na ang nakakaraan habang nakasakay sa aming kotse, napansin ko sa parte kung saan nakaupo ang aking kabiyak na nagmamaneho – ang mga makukulay na animo’y saranggola sa langit na mga ito. Panay ang pagbabawal ng aking kabiyak sa pagkuha ng larawan (akala kasi niya ay gagamitan ko ng flash) salamat na lang at matigas ang ulo ko at hindi ko sya pinakinggan, kung hindi ay wala akong akda, naku!

Ihip ng hangin na lubos na ikinatutuwa ng mga taong ito.

Ang mga sumusunod naman (paragliding) ay kuha din ng aking lumang Point & Shoot na matanda pa kay Lapu-lapu (Canon powershot 2MP), 8 taon na ang tatlong larawan na ito.
Paano na kung walang hangin?

Posible bang lumutang ng ganito?

At gaya ng ibon, sumayaw sa ihip ng hangin?

Nasubukan nyo na ba ang mga ito?


Up na po ang aking entry
sasha’s last blog post..Time is important
Eto na ang sa akin!
Di ko kaya yan. Takot ako. Palipad na lang ako ng eroplanong papel.
Em Dy’s last blog post..Ang Tao at ang Kalikasan
Ang ganda naman nung pangatlong litrato. Gusto kong subukan yan
sasha’s last blog post..Time is important
Hindi ko pa nasusubukan yan. Pero gusto ko yan exciting…. :l:
ang ganda ng pikturs…makulay. Pinaka gusto ko yung ikalawang piktur….parang nakabitin sa era. Galeng bb. admin
Isang masayang LP sa lahat
Jeanny’s last blog post..LP#9 Ihip ng hangin
Naka-post na ang aking lahok. Maligayang Huwebes mga ka-LP!
parang ang sarpa nyan pero a-takot ako! haha! maski point and shoot na 2mp lang ang camerang gamit mo, maganda pa rin at malinaw!
sarap pala! sowi!
ang saraaaap naman nyan, gusto ko ding gawin yan balang araw paglaki ko hehe.
gandang hwebes!! mga ka-LP!
Eto naman ang aking pangalawang lahok para sa Litratong Pinoy.
http://etcetera-atbp.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-ihip-ng-hangin.html
Magandang Huwebes sa inyong lahat!
parang kay sarap ilipad ng hangin…ngunit parang nakakatakot din
.
akin pong lahok: http://manillapaper.com/2008/05/lp9-blowing-wind-ihip-ng-hangin/
magandang araw ng Huwebes sa lahat!
Reflexes’s last blog post..Coffee for Kids?
Nacoo takot po ako sa heights pero gusto ko din subukan yan, pati na din ang skydiving!
Eto po ang aking lahok ngayong linggong ito
http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ihip-ng-hangin.html
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin
Masayang pakiramdam ang makita ang kalikasan mula sa itaas habang iniihip ng hangin! Nakasakay ka din ba nung kinuha mo ang mga 3-5 litrato?
Masaya din ang Eb…titingnan ko na lamang ang mga litrato pagkatapos
Gandang Huwebes!
http://mirageasusual.blogspot.com/
Gusto ko subukan lahat yan
May lahok na rin ako para sa temang mahangin. Ako rin ay nahirapan. Magandang Huwebes sa iyo
nina’s last blog post..LP – Tubig
parang ang sarap sarap naman nyan… pero hindi ko yata kaya gawin
Ito ang link:
http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/05/lp-mahangin.html
nina’s last blog post..LP – Tubig
alas! ‘up’ na rin po pati ang pahabol kong mga lahok sa tema noong nakaraang linggo… hehe.
sana’y magkaroon ako nang pagkakataong makapag-paragliding o kaya’y makapag-parachute din sa hinaharap… iba siguro ang pakiramdam na kita mo ang kapaligiran mula sa itaas o ‘kalawakan’! isama pa rito ang lakas nang ihip ng hangin na magdadala sa iyo sa kung saan-saan.
happy huwebes sa lahat! sa ngayon ay parehong ayos sa akin ang hunyo 7 o 9 para sa ating salo-salo.
nakakatuwa rin ang ideya nang pagsakay sa jeep! kewl!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #9: Ihip ng Hangin
may nabibiling saranggolang hugis ng paraglider – masarap itong gamitin kaysa sa ordinaryong saranggola dahil mas kuntrolado mo ang anyang lipad.
Wow, ang ganda naman ng mga lahok mo. Paragliding pala ang tawag sa mga iyan. Nakita ko yan noong huli naming bakasyon ngunit hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila… akala ko din ay mga sarangola ito mula sa malayo.
Parang ang saya din ng mag hang gliding… yung view ng bundok ay napaka ganda…paano mo ito kinunan ng litrato? Naku, hindi ko ata kayang gawin iyan… takot ako sa matataas na lugar eh.
Maligayang LP!
Clicking Away’s last blog post..LP009 – Ihip ng Hangin
Ang ganda ng mga kuha mo pero di ko talaga kakayanin ang mga “extreme sport” na gaya ng “paragliding” – duwag talaga ako e!
Kung “walking” pa siguro o di kaya “swimming” baka pwede pa…hehehe
Gandang LP sa lahat!
Pinky’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin
Palagay ko, susubukan ko ang paragliding ..pero kailangan i-sedate nyo muna ako :blah:
Happy Huwebes sa inyong lahat!
Ito naman ang aking lahok
Ang hirap humanap ng litratong magpapakita ng hangin. Bilib ako sa galing ng timing mo para makuha ang mga naunang litrato
Linnor’s last blog post..Hangin
sama ako sa Litratong Pinoy EB! Sumali na kayo – Pilipinas!
nakaka-enganyo ang mga larawan. Tunay nga na maraming sports related sa hangin/himpapawid, sarap din sigurong tumalon at magparachute o kaya naman sumakay at maglakbay sa air-baloon…
ito po ang aking link:
http://peterahon.blogspot.com/2008/05/ihip-ng-hangin-saranggola-ni-pepe.html
sa mga kasama na nagkokomento sa aking entry – check po ninyo ang pangalan at naka-link na kayo sa aking blog, sa ialalim ng logo ng LP na nasa sidebar (gaya-gaya, puto-maya sa halimbawa ni thesserie.com). Paumanhin po kung hindi ako agad makakabisita at makakkomento sa inyong mga blog dahil palipad po ako sa ihip ng hangin (hindi po sa walis tingting) ngayong gabi at kasing haba ng bus trip ang lipad patungong Manila.
Kaya Litratong Pinoy EB sa Pilipinas – Kodakan na para sa Kalayaan !
napakagandang mga larawan. Naka post n din po un sa akin.
ettey’s last blog post..LP: IHIP NG HANGIN
Ang galing naman. Kahit may nahanginan ay maayos pa rin ang mga larawan. Pag ako kumuha gamit ang point-and-shoot na camera ko ay kitang-kita ang hangin
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy – Ihip ng Hangin
magandang huwebes!
nasubukan ko na ring mag-parasail! ang saya!
ang galing nito, unang lahok sa unang pagkakataon para sa litratistang pinoy.
happy huwebes everybody… ayan na ako, pasugod na sa mga blog nyo…
lino’s last blog post..ihip ng hangin…
napakaganda naman ng larawan. lam mo pangarap ko din yan mag gaganyan. pag ako yumaman araw araw ako mag-gagliding.
eto nga pala ang aking triple entry para sa linggong ito. sensya na medyo BC talaga sa in between para sa ka pepe
http://bluepanjeet.net/1124/nag-aapoy-na-tubig-at-hangin/
bluep’s last blog post..The early death of Pinoy Idol (Ep. 8, 9 & 10)
hehe mukhang ban na ako dito ah at di lumabas yung aking kowment LOL
bluep’s last blog post..The early death of Pinoy Idol (Ep. 8, 9 & 10)
Hindi ko pa nasubukan at siguro’y hindi ko susubukan dahil hindi ko masusubukan! Dahil ako ay isang duwag sa matataas. haha.
Sobrang ganda ng mga larawan! Wala akong masabi
Sana nga masubukan ko rin yan sa hinaharap:D Grabe, masaya panigurado, hehehe.
takot ako subukan yan.
pero sabi ng mga kaibigan kong nakasubok, talagang kakaibang thrill daw talaga.
magandang huwebes sa inyong lahat! ito naman ang aking lahok:
http://strawberrygurl.com/2008/05/29/lp-9-hangin-wind/
christine’s last blog post..LP 9: Hangin (Wind)
napakagagandang litrato!
ang aking LP ay nakapost na rin po — http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-ihip-ng-hangin.html
Jenn’s last blog post..LP – Ihip ng Hangin
Magandang hapon! Pangarap kong mag hang/para gliding balang araw–ang saya ng mga litrato na ito.
Ito ang unang pagkakataon kong makilahok sa Litratong Pinoy:
http://www.mysurfergirl.info/2008/05/litratong-pinoy-1-ihip-ng-hangin.html
Ito ang aking unang paglahok sa Litratong Pinoy. Sana ay maibigan ninyo ang aking lahok dahil ako ay lubusang nasiyahan noong ito ay aking ginawa . . .
ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin
nakakainggit naman. parang ang sarap ng ginagawa nila!
eto nga pala ang aking lahok: http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp-9-ihip-ng-hangin.html
maligayang huwebes sa inyo!
carol bustos-santiago’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin
ang ganda naman! sana ay magawa ko yan kahit isang beses
happy hwebes! up na rin po yung sa akin
wow exciting ito kaya lang hindi ko kayang subukan ito dahil may takot ako sa matataas na lugar at mahina ang aking loob sa mga ganito, pero nakakaaliw panoorin ang mga ganito…
eto akin: medyo mahirap ang tema natin sa linggong ito eh:
http://jennysaidso.com/2008/05/lp-9-ihip-ng-hangin-windwindy.html
i wanna try it but I don’t know if I can.
meron na rin po akong lathala :happylol:
happy thursday everyone!!
Pixelminded’s last blog post..Litratong Pinoy#8-Ihip Ng Hangin
parang ang sarap mag-paragliding!
magandang araw!
kaye’s last blog post..LP: Ihip ng Hangin
heto po ang aking lahok para sa linggong ito.
Happy huwebes sa lahat!
Leah’s last blog post..LP: Ihip ng Hangin
ang ganda ng mga larawan! Me saranggola din ako pero maliit lang
Magandang araw ng Huwebes sa inyo.
julie’s last blog post..Ihip ng Hangin
kahit mas matanda pa kay lapu lapu ang camera mo, aba ganda naman ng kuha.
Magandang Huwebes sa lahat! Ang sarap lumipad sa hangin. Naisip ko nga kahapon habang nakatingin ako sa langit at nag iisip kung ano kaya pwede ko kunan para ilahok ngayon.
Eto po ang lahok ko para sa linggong ito at sana’y madalaw nyo:
http://www.chartherct.com/2008/05/29/litratong-pinoy9-ihip-ng-hangin/
Tere’s last blog post..Pinoy Idol
ang husay ng kuha! yun nga lang takot ako sa matataas na lugar kaya hanggang pangarap na lang ang mga ganyan sa akin.
nakalahok na po at sa wakas ay hindi nakulelat.
maligayang LP!
haze’s last blog post..LP#9: Ihip ng Hangin
hindi ko pa yan nasubukan pero gusto ko nyan!
maligayang huwebes sa inyong lahat!
star’s last blog post..Litratong Pinoy #9: Ihip ng Hangin
Mahusay!
Balik Buri na naman si Maver
http://maver.wifespeaks.com/2008/05/lp-09-hangin.html
parang mga tutubing walang sawang lumilipad sa alapaap…nasubukan na ng asawa ko yan, ako di ko kaya…
paumanhin sa aking lahok. http://www.stripeatyellow.com/2008/05/litratong-pinoy-2-ihip-ng-hangin.html kinapalan ko na ang aking mukha kesa naman wala akong maisamang larawan
:blah: