LP #7: Umaapoy

May 14, 2008 by  
Filed under LP entries

umaapoy.jpg

Kumusta na kayo, mga kasama? Mainit na ba panahon sa inyong kinalalagyan? Atin pang painitin sa Huwebes na ito, sa pamamagitan ng paksa natin…UMAAPOY.

Pahintulutan sana ninyo na ang sumusunod ay hinango sa Tagalog Wikipedia

Ang apoy, isang uri ng kombustyon, ay isang reaksyong kimikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit pa na mga kimikalmolekula sa bawat isa upang makabuo ng karadagang mga kimikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Hindi katayuan ng materya ang apoy: sa halip, ito ang proseso ng eksotermikong oksidasyon na kung saan binibigay ang enerhiya ng init at liwanag. Nagsisimula ang apoy kapag ang panggatong na may sapat na panustos ng oksihena o ibang oksidiser ay nagkaroon ng sapat na init, at napapanatili sa proseso ng patuloy na pagpapalabas ng enerhiya ng init, gayon din ang patuloy na panustos ng oksihena at panggatong na may kombustyon. Kadalasang pinasisimulan ang isang apoy ng isang palito ng posporo o layter na pinapalaganap ang ibang mga bagay na may kombustyon dahil dinisenyo ang mga palito ng posporo at mga layter na may mga materyal na may mababang puntos ng pagkasunog. Napapatay ang apoy kapag natanggal ang isa o higit na mga elemento ng init, oksidiser, o panggatong; ginagamit ang konsepto na ito sa tatsulok ng apoy. Tinatawag na abo ang mga natirang hindi nasusunog na solido.kung saan handang magkaroon ng reaksyon ang mga Hinahatid ang isang dila ng apoy o ningas ang kuryente, habang ginawang may iono ang isang maliit na bahagi ng kahit anong apoy. Namasid ito sa isang laboratoryo at gayon din sa malalaking mga sunog o wildfire na nagaganap sa tabi ng mga linya ng kuryente. Bahagiang nauukol sa katangiang plasma nito ang kakayahan maghatid ng kuryunte ang isang ningas.

Saan nagsimula?
Hindi natin alam kung kailan nadiskubre ang apoy. Maraming mga teoriya na nagsasabing sa kidlat ito unang nakita.

Nagbabasa ba kayo ng Discovery Magazine (online)? Ito naman ang kanyang tugon ukol sa pinagmulan ng Apoy:

Q: Was fire discovered, or did God show it to Adam and Eve?

A: The Bible really doesn’t say whether God gave people fire, or if they discovered it on their own. The first mention of fire is in Genesis 15:17, which refers to sort of a torch that Abraham used for light. But, there are indications that fire was used much earlier. Tubal-Cain, one of Cain’s descendants, made all kinds of tools out of bronze and iron. Fire most likely was used to heat these metals so that they could be formed into the different tools.

Those who do not believe in God think that, as people evolved, they grew in intelligence. Eventually, they accidentally discovered fire, which allowed them to make metal tools. But the Bible teaches that people were intelligent from the beginning of creation. Because of this, they were able to accomplish things, like making metal tools, early on.

ISANG NAGBABAGANG HUWEBES INYONG LAHAT!

Comments

80 Responses to “LP #7: Umaapoy”
  1. Jeanny says:

    Nararamdaman ko ang init ng larawang iyan. As usual, mahusay na entry ulit. :l:

    Salamat sa pag share ng mga inpormasyon ito tungkol sa apoy. Me natutunan ako, natutulog kasi ako dati ng itinuturo ito ng aking propesor sa science, hehehe

    Isang Mainit at maganda araw ng Huwebes sa lahat. :happylol:

    Jeanny’s last blog post..LP#7 Umaapoy

  2. cathy says:

    Nag-init lalo ako ng basahin ko ang impormasyong ibinahagi mo. Oksihena? Oksidiser? Hay.. ang hirap pala pag Filipino ang gamit sa mga siyentipikong (tama ba?) termino!

    Isang nagbabagang rin Huwebes po!

    cathy’s last blog post..Damdamin

  3. Em Dy says:

    Uy apoy na nga! Sa lahok ko, nagsisimula pa lang. Magandang Huwebes!

    Em Dy’s last blog post..Balik sa Dati! Bilis!

  4. teys says:

    ang galing! may kaunting kasaysayan pang kasama…dagdag kaalaman at palaisipan. busog na sa mata at sa diwa, ayos!

    gandang LP sa lahat!

  5. Kaje says:

    gandang huwebes! ayus! ay eksplanasyon pa! :)

    may lahok na ako :)
    http://kajesalvador.com/?p=140

  6. Dragon Lady says:

    uyy, nakakaaliw naman at isa pala ako sa mga unang nakapagsumite nang aking mga lahok ngayong huwebes na ito! :)

    ang ganda nang iyong kuha, bb. LP… tunay na nag-aalab ang apoy na iyan! saan mo kinunan ang litratong ito? mula ba sa isang fireplace?

    at syempre pa, kumpleto pa sa paliwanag patungkol sa apoy! pang-dagdag-kaalaman po talaga!

    maligayang LP sa inyong lahat, mga kaibigan. :D

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #7: Umaapoy

    LP: HINDI PO ITO KUHA SA FIREPLACE KUNDI SA PUGON (BBQ)

  7. Naku, nasunog ata ako sa entry mo, Ms Admin. Napakainit ng bagang iyan. Ang sarap… sigurado ko ng huling taglamig kinunan ang litratong iyan, no? Hay, pangarap ko ang umupo sa tabi ng “fireplace” habang malamig ang panahon.

    Sandali, hindi ba ang mga sinaunang tao (caveman) ang nag imbento ng apoy… parang nakita ko sa mga cartoon yon ha… sa Flinstones :)

    Clicking Away’s last blog post..LP007 – Umaapoy

    LP: KINUNAN PO ITO NUONG NAKARAANG LINGGO LAMANG, NAG-BBQ PO KAMI :)

  8. Pinky says:

    Aruy! Tunay na nakapapaso naman ang iyong lahok ngayong linggo, Ms LP! :lol:

    Isang sumisilab na pagbati mula sa mainit na disyerto ng Saudi Arabia!

    Eto po ang aking lahok: http://chinois972.wordpress.com/2008/05/14/lp-7-umaapoy/

    Pinky’s last blog post..LP #7: Umaapoy

  9. nina says:

    Nakakatuwa naman ang Tagalog wikipedia. Namangha ako sa pagkakasalin sa Tagalog ng paliwanag tungkol sa apoy. Maganda ang iyong kuha :)

    Maligayang Huwebes!

    nina’s last blog post..LP – Umaapoy

  10. kiwipino says:

    sarap naman ng apoy lalo na kapag ganitong malapit na ang winter.

  11. jules says:

    Maraming Salamat sa impormasyon! Heto naman ang mainit kong entry sa linggong ito. Maligayang Araw ng Huwebes sa inyong lahat! :-)

    jules’s last blog post..Litratong Pinoy #004: Umaapoy

  12. ces says:

    ang ganda naman ng kuhang ito talaga! nagbabagang apoy!

  13. dang says:

    kumusta po sa lahat! mula dito sa sunshine state, tunay na mainit at maligayang huwebes sa lahat ng lp members!
    eto po ang aking lahok! pinilit kong maging maagap sa araw na ito..
    http://dangcharlie.blogspot.com/2008/05/lp-entry-3-umaapoy.html
    muli, maganda ang impormasyong ibinigay ninyo, lp, dagdag na kaalaman nga po kasama ang mahusay na kuha, ayos na ayos ang huwebes!

    dang’s last blog post..LP Entry #3-Umaapoy

  14. iska says:

    tamang tama ang apoy mo admin… medyo malamig na sa kinalalagyan ko ngayon pero hindi freezing at mabuti naman.
    ang ganda ng kuha ng nagbabagang apoy mo :-)

  15. peterahon says:

    pag-alabin at
    pagtibayin ang pananampalataya…
    siya nawa.

    link ng aking nagbabagang entry…

    http://peterahon.blogspot.com/2008/05/umaapoy-nagliliyab-nagliwanag.html

    maalab na pagbati sa lahat!
    pete

  16. G_mirage says:

    Magandang Huwebes sa lahat ng kalahok sa lahat ng dako!

    Gusto ko ang nakalahad tungkol sa pasimula ng apoy. Salamat.

    Idadagdag ko lang na bago pa man ng panahon ni Abraham, noong pinalayas sa Hardin ng Eden sina Adan at Eba ay ginwardyahan iyon ng 2 anghel at ng isang umaapoy na espada (tama ba ang ‘sword’ ay espada?)- Gen 3:24. At totoong alam na alam iyon ng dalawa dahil sila ay perpektong tao pa bago pinalayas. At gaya ng nabanggit si Tubal-cain “was a forger of tools of copper and iron, a job calling for intense heat, since it requires more than 2,800 degrees Fahrenheit (c. 1,500 degrees Celsius) to melt iron.” —Gen. 4:22.

    Kitang kita ang init ng umaapoy na baga sa litrato mo, ang pagsayaw ng mga dila ay hindi naman nakakatakot kundi nakakaenganyo, gusto ko!!!

    Isang malumanay na apoy ang aking lahok ngayon…http://mirageasusual.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html

  17. Thesserie says:

    Nahirapan din akong intindihin ang tagalog ng wikipedia tungkol sa apoy.
    Sa larawang ito, parang naririnig ko si Tina Turner na kumakanta ng ‘Burn, baby Burn’ :lol:

    Magandang Huwebes sa inyong lahat..kitakits bukas (gabi na dito)…nunayt! :zzz:

    Thesserie’s last blog post..LP#7 UMAAPOY

  18. Linnor says:

    Nagbabaga! Ramdam ang init sa litratong yan.

    Linnor’s last blog post..Umaapoy

  19. matt says:

    Maganda at mainit na Huwebes po sa lahat… Tila yata lahat ay nag-aalab ang mga blogs, dahilan sa isang umaapoy na tema dulot nang Litratong Pinoy…

    Ito po ang aking mga nag-aapoy na lahok sa ngayon…

    http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html

  20. matt says:

    Tila hinsi po yata pumapasok ang aking komento sa ngayon? o dili kaya nikakailangan pang aprobahan ng Admin bago ko makita ang aking inilahok ngayon… Gayun pa man ay, ito po ulit ang aking lahok…

    http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html

    Paumanhin po kung sakaling magiging paulit-ulit ang lalabas na komento ko… Wag po sanang mag-alab at uminit ang inyong ulo… :happylol:

  21. lidie says:

    huling-huli ang init ng apoy!
    magandang huwebes sa inyo!

    http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html

  22. christine says:

    naisip ko rin ang kantang, “burn, baby, burn” sa larawan mo ngayong araw na ito. gusto ko naman ang pagkalinaw ng kuha. ramdam ko ang init!

    http://strawberrygurl.com/2008/05/15/lp-7-umaapoy-on-fire/

    magandang araw sa inyong lahat! :)

    christine’s last blog post..LP 7: Umaapoy (On Fire)

  23. nona says:

    waw naman! talagang muntik na akong mapaso wuhoo! :D
    Salamat sa dagdag kaalaman tungkol sa apoy. Mabuhay ka! Ke-ganda ng iyong larawan. ;)

  24. Vera says:

    opisyal na akong miyembro!! yehey!

    naalala ko nung klase namin sa kimika nung high school. ako lang ang nakasagot kung bakit namamatay ang apoy sa bunsen burner pag sinara ang vent nito.

    haha!! kasi walang hangin!!! wow. yun pala ang filipino ng oxygen. andaming matututunan.

    medyo malungkot ang lahok ko. pagbigyan nyo na. :P

    Vera’s last blog post..LP: Umaapoy

  25. julie says:

    Napakaganda ng iyong lahok, LP! Maaari na itong leksyon sa asignaturang Agham, bravo! :)

    Ang aking lahok ay hindi literal na apoy,ito ay isang umaapoy na damdamin. Hindi lang dahil ako ay isang ina ngunit dahil talaga namang hindi yata katanggap-tanggap ang ganitong sistema.

    Narito:

    Umaapoy na Damdamin

    julie’s last blog post..Umaapoy na Damdamin ng Isang Ina

  26. umaapoy talaga ang kuhang ito…ang bawat litrato dito ay laging akong pinapahanga sa bawat huwebes na dumaan…ang galing talaga…:)

    sana ay hindi pa huli ang aking lahok sa linggong ito: http://shamainereyes.blogspot.com/2008/05/lp-7-burning.html

    emoterang nurse’s last blog post..LP # 7 BURNING

  27. Maganda ang pag ka kuha ng litrato sa itaas. The image is strong and fire “pops” out. Ito po ang aking lahok sa huwebes na ito. Salamat. Magandang Huwebes sa lahat.

    Chrys Webster’s last blog post..LP #& Umaapoy

  28. betchay says:

    medyo nahirapan ako sa konsepto ng umaapoy pero nakaya naman :)

    http://www.pinaysakorea.com/2008/05/14/litratong-pinoy-umaapoy

    betchay’s last blog post..Wordless Wednesday – Free but not wild

  29. Cookie says:

    Magandang “umaapoy” na umaga sa inyong lahat!!

    Ito ang lahok ko sa linggong ito..http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-umaapoy.html

  30. Dyes says:

    wow, dami kong natutunan tungkol sa apoy ah!

    up na rin po ang entry ko :)

    happy “hottie” huwebes!

    Dyes’s last blog post..LP # 7: Umaaapoy

  31. Jenn says:

    Tunay na nagbabagang litrato!

    Ang aking LP ay nai-post na:
    http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-umaapoy.html

    Salamat!

    Jenn’s last blog post..LP – Umaapoy

  32. Buge says:

    Magandang mainit na Huwebes!

    Napaganda naman ng apoy na yan! At madami akong natutunan sa iyong post. Salamat! Eto naman po ang aking nagbabagang apoy

    http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Ummapoy

  33. jennyL says:

    sadya ngang nakakamangha ang apoy.maganda huwebes sa lahat.

    eto lahok ko:
    http://jennys-corner.com/2008/05/lp-7-umaapoy_15.html

  34. betchay says:

    pangalawang lahok ko… medyo nahirapan pero nakahanap pa rin :)

    http://www.pinaysakorea.com/2008/05/15/litratong-pinoy-umaapoy/

    betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Umaapoy

  35. iris says:

    hanep ang ganda ng apoy :) ang init na dito! hehe.

    maligayang LP!

    iris’s last blog post..Bawal… [litratong pinoy]

  36. carol says:

    ganda ng kuha. wala akong masabi :)

    maaga ako ngayon: http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html

    hanggang sa susunod na huwebes!

    carol’s last blog post..LP # 7: Umaapoy

  37. ettey says:

    ang ganda naman ng larawan nyo!! talagang nag aapoy!

    maligayang hwebes po!

    ettey’s last blog post..[LP: Umaapoy]

  38. ZJ says:

    Angganda ng kulay – ang tingkad-tingkad! Tinitingnan mo pa lang, parang naiinitan ka na.
    Bisitahan niyo rin po ako at meron din akong nagbabagang litrato. Utang na muna ang explanation at di ako makagawa dahil dami ko pang work :D

  39. Masarap magpainit sa tabi ng apoy na iyan kung panahon ng winter. :)

    Magandang araw ng Huwebes sa lahat! Narito po ang aking lahok: http://munchkinmommy.wordpress.com/2008/05/15/lp-7-umaapoy/

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #7: Umaapoy

  40. Willa says:

    Yung larawan ko din po ay nag-aapoy na,sana ay makita nyo bago pa ito maging abo. :)

    http://pixelminded.wordpress.com/2008/05/15/litratongpinoy7-apoyfire/

    Willa’s last blog post..LitratongPinoy#7 – Apoy(Fire). . .

  41. ~* EDS*~ says:

    Ako’y nagbalik! at sana makasama ko kyong lahat sa aking lahok ngayon linggong ito!

    Magandang Huwebes!

    http://edsnanquil.com/?p=701

  42. Masasayang umaapoy po ang aking lahok dito: http://photos.cafemunchkin.com/2008/05/15/lp-7-umaapoy-burning-flame/

    Ang ganda po ng larawan ng LP, tulad ng dati.

    Salamat po at magandang Huwebes sa lahat. :)

    Mapped Memories’s last blog post..LP #7: Umaapoy (Burning Flame)

  43. jeprocks says:

    bago pa maabo ang lahat… eto ang sa akin http://jeprocksdworld.com/lp-umaapoy-slight/

  44. Tere says:

    Magandang hapon sa lahat! Mabuti at hindi na umaapoy sa init dito sa amin dahil umulan na. Maganda ang pagkakuha ng iyong apoy! Ang aking lahok ay parang ganito rin. Dito po matatagpuan:

    http://www.chartherct.com/2008/05/15/lp7-umaapoy/

    Tere’s last blog post..LP#7: Umaapoy

  45. sunshine says:

    huwebes na naman and i guess am a bit ontime. hehehehe. umaapoy ang entry natin this week. :) luckily merong aikong isang picture na nakuha na merong apoy.

    sunshine’s last blog post..LP – Apoy

  46. haze says:

    sa wakas at nakahabol din! at on time pa!

    ramdam ko ang init ng kuha mo! hehe yung lahok ko, more on figurative pero nasa tema naman. hehe

    happy LP sa lahat!

    haze’s last blog post..LP #7: Umaapoy

  47. architect says:

    naway magustuhan ninyo ang kakaiba kong lahok ng “umaapoy” sa pamamagitan ng litrato ng aking anak…

  48. isang naglalagablab na huwebes sa inyong lahat! :)

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy4-umaapoy.html

    fortuitous faery’s last blog post..isn’t it IRONic?

  49. lino says:

    huli man daw at magaling, eh nakakahabol pa rin… hehehe. sensya na, eto mainit init pa… tingnan nyo na… :lol:

    lino’s last blog post..umaapoy…(on fire)

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Kung nais mo pang makakita ng mga “Umaapoy” na litratong Pinoy… bisitahin ang pahinang ito. [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge