LP #6 Mahal na INA
May 7, 2008 by admin
Filed under LP entries
” WALA NANG HIHIGIT PA SA PAG-IBIG NG ISANG INA. ”
Para sa akin, totoo ang mga salitang ito. Kahit paminsan minsan ay hindi kayo (o kami) nagkakaunawaan ng iyong (o ng aking) Ina, pero siya ay mananatiling numero unong tagapagtanggol sa lahat ng oras, mangungunang patahanin ang aking pag-iyak (iyakin pa rin kahit malaki ..ehem, matanda na pala) pagsisilbihan ako hanggang sa kanyang huling hininga (hindi ako tamad, pag nagkakasama lang kami, walang ginawa kundi magluto ng magluto at palakihin ang tyan ko.)
Pero ito ay hindi lamang totoo sa ating mga tao, maging sa mga hayop ay Ina ang laging nasa tabi ng kanyang anak, nag aaruga, nagpapakain, nagpapasaya, handang magtanggol sa lahat ng oras.
Mula sa aking kaban ang mga larawan na ito. Mga kuha nuon nakaraang taon. Itong baby seagull ay napansin kong panay ang ‘palahaw’ at nagtatawag sya. Hindi ko sya iniwan hangga’t biglang dumating ang tinatawag nya..ang kanyang Ina pala. Ang baby seagull ay itong mas darker ang balahibo.

Panay ang nganga ng baby seagull at ang Ina naman ay kasalukuyang ipinipilit ibalik sa kanyang leeg ang mga pagkain na inimbak upang ipakain sa kanyang anak….

Matapos mai-suka (regurgitate) ay maganang kumain ang anak. Matapos nito makakain at tumigil na sya sa kakaiyak.

Subalit matapos ang ilang sandali ay nagsimula na naman umiyak ang baby seagull…nakita kong papalayong lumundag lundag pawang nagkandirit si Ina papalayo sa kanya.
Minsan kasi ang Ina, nabibingi rin at nagsasawa marinig ang palahaw ng anak. O di ba, parang tao din?
Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!


Naku ang ina at inakay!
Em Dy’s last blog post..Nagmamatyag
Ambelesss… meron na din ako http://jeprocksdworld.com/lp-mahal-na-ina/
Mabuhay ang mga inang Ibon!
Napakagandang larawan ng nagpapakita ng pagmamahal ng isang ina :happylol:
Ang akin entry ay naka post na rin po.
Gandang Huwebes sa lahat.
Jeanny’s last blog post..LP#6 Mahal na Ina
Mapahayop o tao, dakila ang mga ina….
Linnor’s last blog post..Mahal na Ina
heheh natuturete din pala ang mga inang ibon
nakakamangha din ang paraan nila ng pagpapakain ano?
may lahok na po ako http://kajesalvador.com/?p=127
wow! good timing ang mga shot!
napaaga ang aking mader day’s special…
maligayang lp sa lahat!
mousey’s last blog post..LP- Mahal na ina
Naalala ka yung pusa namin, may kanya-kanya silang kainan.. ung anak, minsan sumisingit sa kainan ng nanay niya. Hinahayaan lang ng nanay ung anak niya pag ganun. Kapag tapos na kumain yung kuting, tsaka babalikan nung nanay para kumain.
Sa ngayon… hindi pa naman nag-aaway yung mga-ina. Problema nga lang, hindi na sila nagpapansinan.. hehe.
Maligayang Huwebes!
cathy’s last blog post..Pasasalamat
wahahahah natawa ako… magkasunod si moussy saka si cathyy… di kaya magkahabulan dito?
Jeprocks’s last blog post..LP : Mahal na Ina
tunay.. wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina…
ngayon pa lang nais ko nang bumati:
maligayang araw ng mga ina
Napakagandang mga larawan. Tama ka, kahit ina, dapat me oras para sa sarili. Hindi ito pagdadamot ngunit ito ay para din sa katahimikan ng isip at para sa pagkakataong makasama ang “sarili” bago naging ina at asawa.
Mahaba ang aking sinulat sa aking tema, ngunit ito ay isinalin ko lang sa ating wika mula sa iang isinulat na akda noong isang taon. Pagod ang isip at pagod ang katawan, isa yan sa mga dahilan bakit walang orihinal na akda.
Maligayang araw ng Huwebes.
Isang paunang pagbati ng Maligayang Araw ng Ina sa mga inang kasapi sa LP at sa kanilang mga ina din.
julie’s last blog post..Mahal na Ina
aliw ako sa komposisyon nang iyong mga litrato, bb. LP! may kuwento talaga ang bawat galaw nang seagull at nang inahin nito.
ang akin pong mga lahok ay maaari na ring bisitahin nang ating mga kasapi. maraming salamat at maligayang huwebes sa ating lahat!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #6: Mahal na Ina
Maagang Pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ina para sa nalalapit na Mother’s Day sa lahat ng mga ina na kasapi dito sa LP!
Ito po ang link ng aking entry… Matingkad din ang aking pagmamahal sa ating Inang Bayan, lalo pa at ako’y nangingibang bayan…
Aling pag-ibig pa,
dalisay,
dakila…
wala na nga wala !
http://twurl.nl/xyq8im
ang galing naman talaga at na-capture ang pagmamahalan ng mag-inang seagull!
ay tunay na tunay…at ang ganda ganda ng larawan na ito pati ang kwento mo! hindi maikakaila ang pagmamahalan ng mag-inang ibon…
ay hahaha! parang pareho ang comment natin sister iska!
interesting pic, i was trying to take a photo ng seagull na kasama ng kanyang anak but never saw them together.
Ang ganda naman ng mga litrato mo, ms admin. Totoong kahit sa mga hayop din ay pareho ang ginagampanang parte ng mga ina.
By the way, ang laki naman ng baby seagull na iyan… para siyang baby damulag
Clicking Away’s last blog post..LP006 – Mahal na Ina
Naku, “guilty as charged” ako doon sa bahaging nagbibingi-bingihan paminsan-minsan – hehehe
Sa lahat ng mga ina – mabuhay tayo! At sa mga “inakay”…may araw din kayo (na kayo naman ang magiging mga ina o ama)! Bwahaha!
Pinky’s last blog post..LP #6: Mahal na Ina
Ang ganda ng iyong kuha!
Magandang Huwebes!
Mine’s up…
http://photography-and-me.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html
Kaye’s last blog post..LP # 6: Mahal Na Ina
napakagandang pagmasdan ng iyong mga larawan… very touching ika nga
maligayang huwebes sa inyong lahat! pati na rin sa aking ina
ettey’s last blog post..[LP: Mahal na Ina]
ang ganda ng litrato… inggit ako
betchay’s last blog post..Wordless Wednesday
ina…
sya’ng laging sandalan,
sa kalungkutan man o kaligayahan…
magandang huwebes sa inyo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html
kahit sa mga hayop, iba ang ginagampanang “role” ng ina.
http://strawberrygurl.com/2008/05/08/lp-6-mahal-kong-ina/
christine’s last blog post..LP 6: Mahal Na Ina (My Beloved Mom)
kahit sa mga hayop, iba ang ginagampanang “role” ng ina.
http://strawberrygurl.com/2008/05/08/lp-6-mahal-kong-ina/
christine’s last blog post..LP 6: Mahal Na Ina (My Beloved Mom)
Magandang huwebes!
Natutuwa ako sa larawan mo, isang paglalarawan sa pagiging ina…tao man o hayop ang damdaming ina’y nasa puso.
Magandang huwebes sa inyong lahat
PinayInTheUS’s last blog post..LP #6 Mahal na INA
@ jeprocks
haha! magmula noong isang linggo, friends na kami ni ms mousey kaya hindi ko na kami maghahabulan! =)
cathy’s last blog post..Pasasalamat
ang galing ng timing para maukha ang pagkakataon na pinapakain ng ina ang kanyang supling. nakakatuwa ano, pag naging ina ka na, kahit sa iyo na ang pagkain o gamit, ibibigay mo pa rin sa iba para lang matuwa sila. pag ina ka na, lahat ng sakripisyo gagawin mo para lamang sa mga anak at pamilya mo.
ang ganda ang tema ngayon.
happy mother’s day sa mga ina dito sa LP at sa inyong mga mahal na ina.
hahabol na lang po ako sa aking lahok. paumanhin po.
haze’s last blog post..go speedracer go!
Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina., parang nanay ko:D hehe.
Haynaku.
kung iisipin, ang hayop ay may damdamin din at pag iisip.. lalong lalo na kung ang pag uusapan ay ang anak,. kahit hayop,. ganong kadakila ang pagmamahal ng ina sa isang anak. tao pa kaya?
magandang huwebes sa inyo at eto ang sa akin..
http://revolutionmotion.com/?p=934
happy mothers day sa mga nanay
kung ang mga hayop ay minamahal ang kanilang mga anak, tayong mga nilalang na may pag-iisip pa kaya? maaaring iba-iba lang ang pagpapahiwatig ng pag-ibig ng ating mga magulang sa atin, pero ako ay naniniwala na minamahal pa rin nila tayo
maligayang araw sa mga ina! … at mga anak na rin.
Dyes’s last blog post..LP # 6 – Mahal Na Ina
http://tanawko.blogspot.com/2008/05/lp-mahal-kong-ina.html
ako po si vera.. 21 anyos, taga maynila. sana makasali na ako ng permanente.
bisita po kayo sa photoblog ko. bago pa lamang ito. salamat!
at sa aking mahal na ina: linggo mo ito mami. mahal kita!
Vera’s last blog post..buhok mo’y green
magandang huwebes po!
abby’s last blog post..Litratong Pinoy #6: Mahal na Ina
Maligayan Araw ng Mga Ina sa lahat ng mga mabuting Ina
Cookie’s last blog post..Has It Been A Year?!?
Sorry ha pero naka-post na entry ko. Salamat :happylol:
Cookie’s last blog post..Has It Been A Year?!?
tama ka sa iyong mga sinabi.. magaling at nakunan mo ang ganitong eksena. maligayang Huwebes na lahat !!!
http://jennys-corner.com/2008/05/litratong-pinoy-6-mahal-na-ina.html
basta pagiging ina ang paguusapan,walang pinag iba ang tao at hayop.
Willa’s last blog post..Litratong Pinoy#6-Ina (Mother)
marahil ang ama ang kamukha ng batang ibon.
up na po ang aking LP. maligayang Huwebes sa lahat!
http://munchkinmommy.wordpress.com/2008/05/08/lp-6-ina/
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #6: Ina
magandang huwebes po! narito ang isang di pangkaraniwang larawan ng aking ina…
http://photos.cafemunchkin.com/2008/05/08/lp-6-beloved-mother-mahal-na-ina/.
kitakits! sa umaga na po ako maglilibot gawa oras na po ng tulog dito sa aking kinalalagyan.
Mapped Memories’s last blog post..LP #6: Beloved Mother (Mahal na Ina)
nakaka-antig ng puso ang larawan ng mag-inang ibon!
pasensya na po dahil ang aking litrato ay tungkol sa manika!
maligayang huebes!
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy3-mahal-na-ina.html
fortuitous faery’s last blog post..cheeseburger suitcase
Kahanga-hanga ang iyong mga larawan! Tunay na nagpapahiwatig ng pagmamahal ng isang seagull sa kanyang anak. Magandang Huwebes po sa inyong lahat!
jules’s last blog post..Litratong Pinoy #003: Mahal na INA
happy mom’s day to all the wonderful moms!
http://alphadf.com/2008/05/08/lp-mahal-na-ina/
alpha’s last blog post..Questions of the Week 17.
mabuhay ang lahat ng ina sa mundo… tao man o hayop, ang isang ina’y laging maaruga :love:
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina
Happy Mother’s Day to all mothers. Kala ko hindi ako makasali sa linggong ito …peros salamat naman nagka-break ako…
http://www.zamejias.blogspot.com
Happy Mother’s day to all mothers… Kala ko hindi ako makasali sa linggong ito, pero slamat naman at nagka break ako…
http://www.zamejias.blogspot.com
Mother and Love is the universal language of all creatures…
pasesnya na po huli po ang aking entrada. Dalkawang linggo po akong di nakapagpost kaya eto po sabay sabay ang tatlo na magkakasunod na post.
http://bluepanjeet.net/1057/ang-mahal-na-ina/
http://bluepanjeet.net/1055/malungkot-di-mas-shadow/
http://bluepanjeet.net/1054/gumuhit-sa-langit/
bluep’s last blog post..Malungkot? Di mas-shadow
Binabati ko mga mothers nating lahat, sana maging puno ng kasiyahan ang kanilang Mother’s Day :love:
Handa na ang aking share sa linggong ito…pagkabalik ko galing sa vet ay dadalawin jk na po kayong lahat, pasensha na po sa hindi ko nadalaw last week…nagkulang ang oras ko talaga…babawi na lang ako, salamat!!
LP#6 Christa…mahal na ina
Ang Ina ang pinakadila sa lahat…pati buhay handang ibigay para sa kanilang anak. Kaya Happy mother’s day sa lahat ng mommy.
Ang ganda ng kuha, mahirap tiyempuhan ang ganyang scene.
eto naman ang aking lahok…medyo late na…
http://shamainereyes.blogspot.com/2008/05/lp-6-beloved-mother.html
emoterang nurse’s last blog post..LP #6 BELOVED MOTHER
Magandang umaga po sa inyung lahat, kakagising lamang, muntik ko na pong makalimutang mag lahok, medyo busy. Sige, I am going to go look at the others entry now. Have a nice week you guys.
Chrys Webster’s last blog post..LP#6 Mahal Na Ina
Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina! Maligayang Huwebes sa inyong lahat
Pasok na rin ang aking lahok na larawan ngayong linggo…