Pahabol na Pagbati atbp.
Taos pusong pahabol na Pagbati sa inyong KAARAWAN, Bb. Nina at Bb. Scarty ! Hinihingi po ang inyong paumanhin at hindi po kayo nabati sa tamang araw ng inyong mga kaarawan, ganunpaman, nawa’y naging punong-puno ng saya ang inyong pagdiriwang!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Panawagan po sa mga miembro na nagnanais maisakatuparan ang EB nitong darating na Hunyo, wala pa rin po kayong konkretong plano kaya kung maari lang ay mag-iwan kayo ng inyong mga suhestyon. Ang EB po na ito ay suhestyon ni G. Pete R. na taga Korea na kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas. Nais po niya kayong makilala.
Ang suhestyon po ni G. Pete Rahon :
petsa: June 9, 2008 (petsa ng holiday)
oras: 8:00 AM
lugar: Intramuros (sakayan malapit sa gate ng PLM – biyaheng Quiapo-Pier – tama ba?)
paano magkakaalaman – ilabas ang taktak LP – isabit sa leeg ang mga camera parang turista (ingat lang po), magsuot ng red o blue o yellow…
Suhestyon naman po ni G. Joel ay sa Unibersidad ng Pilipinas.
Kahit ano pa man pong reaksyon gaya ng pagtutol : “napakaaga o malayo sa pangagalingan ninyo” o “gahol na sa panahon” o “gawin na lang natin sa ibang pagkakataon” or iba pang suhestyon, importante po ay ipaalam ninyo ang inyong ideya. Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Bukas pa rin po ang temang IHIP NG HANGIN kaya’t kung magiiwan kayo ng link ng inyong akda, paki scroll lamang ninyo sa ibaba.


Maraming Salamat sa pagbati!
nina’s last blog post..Rice is Now a Luxury!
Maligayang kaarawan sa inyo Nina at Scarty. Pagpapala po ng ating Diyos ang aking dalangin para sa inyo. Happy Birthday!
Reflexes’s last blog post..Hail Storm
Happy Birthday, Nina and Scarty! Penge ng cake ha?
Pinky’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin
Happy Birthday, Nina and Scarty! Ang thoughtful talaga ni Bb. LP.
christine’s last blog post..TMA 20: Other than blogging
Maligayang pagbati sa iyo Ninna at Scarty.
Clicking Away’s last blog post..LP009 – Ihip ng Hangin
Happy birthday po sa inyo, Nina at Scarty.
Re EB: sana makasama ako. Sana kasama ang UP
Maganda dito sa umaga, tsaka malapit ako, hehehe.O kaya sa Tagaytay! Yun lang maraming tao siguro dunkasi holiday na hindi pa naman dapat.
julie’s last blog post..Weekly Question 2
happy birthday nina and scarty! sana ay maging (o naging?) masaya kayo sa inyong kaarawan!
tungkol sa EB, mukhang di ako makakasama dito. enjoy sa mga matutuloy.
iris’s last blog post..Rawr!
Maligayang Kaarawan sa inyo!
Kainggit naman ang EB na ‘yan…
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy – Ihip ng Hangin
happy birthday sa inyo nina and scarty! nawa’y humaba pa ang inyong matagumpay na buhay!
maligayang bati!
Maligayang bati Nina at Scarty!!!
Buge’s last blog post..Yen’s Questions of the Week 19
MALIGAYANG KAARAWAN NINA AND SCARTY!!!
Paumanhin po at ako ay late sa pagbati
Sana ay naging masaya ang inyong pagdiriwang!!!
Nakaka-engganyo naman un planong EB! Sana lang kung anjan din ako sa Pinas para naman pede din ako makigulo sa kasiyahan na makita ang mga ka-LP ko!
Mag-share kau ng mga litrato nyo ha pag natuloy!
awwww maraming salamat sa pagbati mahal na admin hehehe ako din hihingi ng paumanhin sa hindi paggawa ng paksa nong nakaraang huwebes wala akong mahanap na subject at photo huhuhu.
happy birthday din pala kay Bb. Nina
scart’s last blog post..My top 10 E Droppers…
ay maraming salamat din pala sa lahat ng ka LP ko. salamat sa bati nyo
may god bless you all!
scart’s last blog post..My top 10 E Droppers…
happy birthday belated kay nina and scarty! i hope you enjoyed your day.
about the EB, i suggest siguro kahit mag simple meet up na lang yung available that day. parang mahirap kasi magplano ng malaking event kasi gahol na sa panahon plus it is a long weekend so malamang may mga mag out of town. kahit mag over coffee na lang siguro kayo.
maligayang kaarawan sa inyo Nina at Scarty!
teys’s last blog post..A Perfect Father’s Day Gift
Happy birthday Nina and Scarty! Wish you both all the best! Regarding sa Eb maganda nga siguro sa Intramuros. Maganda yung lugar at maraming pwedeng puntahan malapit dun.
Happy belated birthday Ninna and Scarty! Huli man daw at magaling, naihahabol din!
Wala akong masabi tungkol sa EB.
incoherent’s last blog post..Just a bunch of random stuff
Belated Happy birthday Bb. Nina at Bb. Scarty!!
- – -
Sobrang sayang naman ng EB, malapit lang ito sa tinutuluyan ko.. pamilyar pa ako sa lugar… ang problema kailangan kong umuwi ng probinsiya dahil may salu-salo ang aming pamilya. Hai. Kung sakali pa naman, unang beses akong lalalahok sa isang EB, hindi pa ako papalarin.
Mabuhay ang mga LPs! =)
cathy’s last blog post..Napakalamig ng ihip ng hangin.
Maligayang araw ng kapanganakan kina Nina at Scarty!!!
Huli man bahala na!
Tere’s last blog post..June 2008 Philippine Nursing Board Exams
kahit san UP or Intramuros, game ako!