LP# 9 : Ihip ng Hangin

May 28, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Bago po muna ang lahat, INTERESADO KA BA SUMAMA SA UNANG LITRATONG PINOY EB?

———————————————————————-

Magandang araw po sa inyong lahat, Huwebes na naman kaya’t atin ng simulan ang kasiyahan sa pamamagitan ng ating mga interpretasyon sa: Ihip ng Hangin
Medyo nahirapan akong maghanap ng mga larawan ngayong Huwebes dahil na rin sa aking kakulangan sa oras (dahil sa trabaho) kaya’t sana naman ay maibigan ninyo ang mga sumusunod.

Tatlong buwan na ang nakakaraan habang nakasakay sa aming kotse, napansin ko sa parte kung saan nakaupo ang aking kabiyak na nagmamaneho – ang mga makukulay na animo’y saranggola sa langit na mga ito. Panay ang pagbabawal ng aking kabiyak sa pagkuha ng larawan (akala kasi niya ay gagamitan ko ng flash) salamat na lang at matigas ang ulo ko at hindi ko sya pinakinggan, kung hindi ay wala akong akda, naku!

hangin2.jpg

Ihip ng hangin na lubos na ikinatutuwa ng mga taong ito.
hangin1.jpg

Ang mga sumusunod naman (paragliding) ay kuha din ng aking lumang Point & Shoot na matanda pa kay Lapu-lapu (Canon powershot 2MP), 8 taon na ang tatlong larawan na ito.

Paano na kung walang hangin?

hangin4.jpg

Posible bang lumutang ng ganito?

hanging5.jpg

At gaya ng ibon, sumayaw sa ihip ng hangin?

hangin3.jpg

Nasubukan nyo na ba ang mga ito?

Comments

99 Responses to “LP# 9 : Ihip ng Hangin”
  1. ZJ says:

    Magandang Huwebes sa lahat ng kaibigan natin sa LP.
    Ang sarap sigurong mag-ganyan, ano? Gusto kong subukan kaya lang meron akong fear of heights!
    Naka-post na rin ang aking lahok ngayong Huwebes, kitakits!

  2. Kotsengkuba says:

    May mga bird’s eye view na kuha, ibig sabihin ba nyan e sumakay ka rin jan o nag-cable car lang? ;-)

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0822 | Ihip ng hangin

    LP: ‘Nakalutang din ako’ sana ang isasagot ko para medyo cool ang dating ha ha..pero ang katotohanan ay ZOOM ng camera ang may likha nyan :)

  3. Lizeth says:

    meron na akong entry :)

    nag-parasailing kami sa benoa in bali!! it was super fun :)

  4. Sweetagring says:

    Ang gaganda naman ng mga view. Hindi ko pa nasubukan yan!
    My Ihip ng Hangin is up!!!
    http://sweetagring.com

  5. Toni says:

    Narito na po ang aking lahok! Hindi ba’t buti nalang may nag-imbento ng bentilador?

    http://wifelysteps.com/2008/05/29/sa-may-bentilador/

    Toni’s last blog post..Sa May Bentilador

  6. Cookie says:

    Ang ganda naman ng mga kuhang iyan. Nakasakay ka rin ba ng glider habang kinukunan mo yung ibang mga gliders? :?:
    Sorry, late ako…eto entry ko :wink:
    http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-sa-ihip-ng-hangin.html

    Cookie’s last blog post..Weekend Snapshot : Macopa

  7. ~* EDS*~ says:

    eto po ang aking lahok sa linggong ito! sana magustuhan ninyo :)

    http://edsnanquil.com/?p=763

  8. JO says:

    Gusto ko din subukan yan kung magkaroon ng pagkakataon.

    Ito ang aking lahok — http://www.joarduo.com/2008/05/litratong-pinoy-ihip-ng-hangin.html

  9. ako’y malululain. hindi ko yata kaya yan. pero kung mala isang-milyong dolyar ang katapat parang sa amazing race, baka puwede pa. :D

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin

  10. nakakatuwa ang mga larawan…”blue sea” ang background ng dalawang nauna at “sea of green landscape” naman ang mga sumunod.

    Mapped Memories’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin (Wind / Wind Blow)

  11. Maan says:

    unang beses ko sumali dito! dito po matatagpuan ang nilahok ko: http://mysilverchair.blogspot.com

  12. architect says:

    naway inyong masulyapan !! And aking lahok…”Mahangin ba sa labas?”

  13. kerslyn says:

    Isang napakagandang araw. Kasing-ganda ng ating tema para ngayong linggo. Ngunit wala akong ibang mahanap na litrato na akma para sa temang IHIP ng HANGIN kondi ito… http://www.acelynnierva.com/litratong-pinoy/litratong-pinoy-hangin.html. Nawa’y dalhin kayo ng ihip ng hangin sa aking bahay.

    kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

  14. kerslyn says:

    Magandang araw! Narito ang aking unang lahok sa aking pangalawang bahay… http://kerslynscomfortzone.com/2008/05/litratong-pinoy-hangin/. Nawa’y dalhin kayo ng ihip ng hangin patungo sa aking bahay at kayo’y malugod ko pong tatanggapin bilang bisita.

    kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

  15. tque95-ISL says:

    mgandang gabi. eto po ang lahok k ngayong linggo….

    http://islfamily.com/?p=52

  16. C.A. says:

    napakagandang kuha… sa palagay ko masarap tlga mag-paragliding. sana masubukan k rin ito balang-araw :)

    narito po ang aking lirato para sa tema na “ihip ng hangin”.

    magandang araw sa inyong lahat!

  17. ako ay takot sa “heights” kahit marami akung mga pag kakataong sumubok mag para gliding ay wala talaga . . . ha ha ha . . . siguro if it is a matter of life and death. Eto na po ang aking lahok.

    Chrys Webster’s last blog post..“Ihip ng Hangin”

  18. Meeya says:

    Type kong subukan yan minsan hehe. Hihintayin ko na muna siguro lumaki ng konti ang anak ko para may sasama sa akin dahil panigurado hindi ako sasamahan ng aking kabiyak na malulain. :D

    Ang galing ng pictures! Akala ko pati ang potograper nakasakay din sa praglider, hehe.

    Happy LP sa lahat! :)

    Meeya’s last blog post..LP09: Hangin

  19. iris says:

    gaya ng marami dito, takot din ako sa heights, pero handa akong ipagpalit yon, maranasan ko lang ang windsurfing at paragliding :) galing ng mga kuha mo. :)

    grabe late nanaman ako. pero eto na! magandang huwebes sa inyong lahat!

    iris’s last blog post..Wave bye-bye

  20. adinille says:

    hhuuwwwweeeee!!!! Lilipad tayo!!!!!! Ang saya siguro jan sa taas!!!!

  21. ang ganda mg mga litrato! maligayang huwebes sa lahat! :D

  22. colby says:

    hu-waw ang galing! pano mo nakunan yung paragliding? zoom lens ito? galing talaga!!

    maligayang huwebes!

    colby’s last blog post..LP #3 Ihip ng Hangin

  23. mikaella says:

    ito naman ang aking LP# 9 : Ihip ng Hangin – ang bula!!(bow)
    salamat!!

  24. kathycot says:

    mahirap pero masaya! :) pangalawang lahok ko na ito… salamat at liliham na ako! yahu!

    http://www.kathycot.com/2008/05/lp-ihip-ng-hangin.html

    maligayng huwebes!!!

  25. stel says:

    saling pusa na lang ako…http://www.babyrambutan.net/2008/05/29/lp-8-hanging-malumanay-gentle-wind/
    na-miss ko kasi ang kasiyahan dito eh…salamat Bossing!

    stel’s last blog post..LP 8: hanging malumanay (gentle wind)

  26. farah says:

    huli na po ako per humabol pa din!!! maligayang biyernes na sa inyong lahat!!! :)

    http://www.wifeynibangis.com/2008/05/lp-7-blowin-in-wind-delayed-entry.html

  27. Junnie says:

    nakaligtaan ko at akmang-akma ang tema ngayong linggo at ang Pinas ay may ibang klaseng pabugso bugsong malakas na hangin at napansin kong mas malinis (dahil kaya sa pagtaas ng presyo ng langis?)

    Heto nga pala ang akin: http://pic.blogspot.com/2008/05/hangin.html

  28. ang galing naman ng mga nagliliparang tao!

    narito po ang aking larawan na may simbolo ng “hangin”:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-6-ihip-ng-hangin.html

    maligayang huwebes po! :)

    fortuitous faery’s last blog post..i’m too sexy for this skirt

  29. rose says:

    narito ang sa akin
    http://revolutionmotion.com/?p=1024

    masarap sigurong mag para gliding.. :)

    happy weekend sa inyo.. friday na kasi dito

  30. jher says:

    naku hindi ko agad nai post ang aking comment. Happy weekend sa inyng lahat. Heto po ang aking lahok.

    http://jher.wordpress.com/2008/05/29/ihip-pa/

    jher’s last blog post..A Zen for your Man to add some Zest in your life

  31. Marites says:

    Ay naku! nalito ako sa araw kaya tuloy, medyo huli ang aking pagpasa rito..eto na ang mga litrato ko!

    http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy2-ihip-ng-hangin.html

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#2 Ihip ng Hangin

  32. Marites says:

    Wow ganda naman ng pagkakuha ng mga larawan kahit pa sinasabing lumang kamera ang ginamit. Gusto kong subukan ang magpalipad gaya ng paragliding. Hanggang saranggola lang kasi ang alam kong paliparin at lagi pang semplang.

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#2 Ihip ng Hangin

  33. Ambo says:

    Paumanhin po at ako’y nahuli na naman dahil nakalimutan ko na huwebes pala kahapon hehehe. Ito po ang aking entry.

    Ambo’s last blog post..Bangui Windmills

  34. kayganda naman ang mga larawang ito. Eto naman po ang hangin ko:
    http://silentprincess.philanime.com/?p=89

  35. korky says:

    wow! double wow! ang gaganda ng kuha. sana makakita din ako ng mga ganyang pangitain sa totoong buhay at di lang sa litrato at telebisyon.

    eto naman po ang lahok ko para sa temang ngayon http://www.passengertales.com/2008/05/30/lp-9-hangin/

    magandang LP!

    korky’s last blog post..LP #9 Hangin

  36. zamejias says:

    I missed few weeks of LP but I’m joining now despite the lateness of my posting. :-)

    Ganda naman ng kuha mo -and to thin P&S na cam lang ang ginamit. Nde ko pa na try yan pero sarap siguro nung feeling kung nasa itaas ka. :-)

  37. vera says:

    pasensya na po kayo at wala akong naipakita sa inyo nitong nakaraang huwebes. napakarami lang po tlagang mga kabusy-han sa mundo ko. babawi po ako. kakalurka

    vera’s last blog post..LP: Tubig

  38. kathycot says:

    eto ang unang paglahok ng aking buhaymisis.com site! salamat!

    http://www.buhaymisis.com/2008/05/lp-ihip-ng-hangin.html

    kathycot’s last blog post..love to read

  39. magandang gabi sa inyong lahat! ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong makilahok at makasali. Naririto ang aking unang-unang paglahok sa LP:

    http://aborrowedlife.wordpress.com/2008/05/31/lp-9-ihip-ng-hangin/

    jerome aka bridget jones’s last blog post..LP # 9: Ihip ng Hangin

  40. ate sienna says:

    Una ko pang lahok sa litratong pinoy.

    eto po ang tutuong URL: http://www.manilena.com/photography/litratong-pinoy-9-ihip-ng-hangin/

    (pasensya na po… pwede po bang paki-tanggal ung una kong comment, kung pwede…)

    ate sienna’s last blog post..Blogger Templates, Part 1

  41. MommyBa says:

    Tapos ko na dalawin ang lahat ng merong entry. Sana eh wala akong namiss na entry ngayong linggo. Pagpaumanhin po ninyo ang di ko pagdalaw last week, wala lang talaga akong magawa sa mga tiga-PLDT tungkol sa palpak nilang serbisyo.

    Me lahok po ako para sa linggong ito. Maraming, maraming salamat sa mga nakadalaw na at nakita ang aking litrato.

    Happy weekend po sa lahat! :)

  42. Dr Emer says:

    Ipagpaumanhin po ninyo kung nahuli ako ngayong linggo na ito. Ito po ang aking gustong ilahok sa ihip ng hangin —

    http://siteseer.blogspot.com/2008/06/proud-and-flying.html

    Dr Emer’s last blog post..Proud and Flying

  43. watson says:

    Magandang araw po! Sali rin po ako sa round na ito! :-)

    watson’s last blog post..Litratong Pinoy #9: Ihip ng Hangin

  44. waltz says:

    gusto ko ring mag-paraglide at handglide!
    Lahok ko sa temang ito: http://waltzco.multiply.com/journal/item/11/Litratong_Pinoy_9_Ihip_ng_Hangin

  45. cathy says:

    Pasensiya na po. Ako ay hahabol para sa “ihip ng hangin”, at muling mahuhuli sa paglahok ngayong linggo.

    Ang sarap maging ibon, pero hindi ako handang lumipad ng tulad ng ganyan. Ibang klaseng paglipad nalang =)

    cathy’s last blog post..Napakalamig ng ihip ng hangin.

  46. Derek Long says:

    In general, the small sensors and optics in all ultra-compact digital cameras lead to some optical quirks (such as barrelling), chromatic aberrations, over/under-exposure in bright sunlight/shade, and underpowered flashes. That’s intrinsic to the size of camera, and vendors try to correct these effects in their on-board processing. My opinion is that Canon does a good job of correcting for these issues and the Elphs including the SD1200 take very good photos for their size.

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] akong pumili ng lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy para sa temang “hangin”. Paano mo nga ba makukuhanan ang isang bagay na di mo naman [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled