LP# 9 : Ihip ng Hangin

May 28, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Bago po muna ang lahat, INTERESADO KA BA SUMAMA SA UNANG LITRATONG PINOY EB?

———————————————————————-

Magandang araw po sa inyong lahat, Huwebes na naman kaya’t atin ng simulan ang kasiyahan sa pamamagitan ng ating mga interpretasyon sa: Ihip ng Hangin
Medyo nahirapan akong maghanap ng mga larawan ngayong Huwebes dahil na rin sa aking kakulangan sa oras (dahil sa trabaho) kaya’t sana naman ay maibigan ninyo ang mga sumusunod.

Tatlong buwan na ang nakakaraan habang nakasakay sa aming kotse, napansin ko sa parte kung saan nakaupo ang aking kabiyak na nagmamaneho – ang mga makukulay na animo’y saranggola sa langit na mga ito. Panay ang pagbabawal ng aking kabiyak sa pagkuha ng larawan (akala kasi niya ay gagamitan ko ng flash) salamat na lang at matigas ang ulo ko at hindi ko sya pinakinggan, kung hindi ay wala akong akda, naku!

hangin2.jpg

Ihip ng hangin na lubos na ikinatutuwa ng mga taong ito.
hangin1.jpg

Ang mga sumusunod naman (paragliding) ay kuha din ng aking lumang Point & Shoot na matanda pa kay Lapu-lapu (Canon powershot 2MP), 8 taon na ang tatlong larawan na ito.

Paano na kung walang hangin?

hangin4.jpg

Posible bang lumutang ng ganito?

hanging5.jpg

At gaya ng ibon, sumayaw sa ihip ng hangin?

hangin3.jpg

Nasubukan nyo na ba ang mga ito?