PILIPINAS LITRATONG PINOY EB?

May 26, 2008 by  
Filed under General

Napakagandang mungkahi po ito ni G. Pete Rahon:

Siyanga po pala baka naman gusto ninyong mag-get-together ng June 12 mga LP members na nasa Pinas. I would be glad to meet you folks. Kodakan tayo para sa Kalayaan!

Bakit po hindi natin gawin? Mag-iwan po kayo ng komento KUNG INTERESADO kayo para mapag-usapan at mapag planuhan ng maayos. Ang mga sumusunod po ang ating kakailanganin na maiayos:

  1. LUGAR
  2. PETSA
  3. ORAS
  4. ATBP.

Iwan nyo lamang ang inyong mga ideya …MUKHANG MASAYA ITO! :happylol:

Added: MAYO 28

Binasa ko po mga reaksyon ng mga interesado kaya naisip ko lang po na magbigay ng suhestyon para magkaroon tayo ng ideya.

Suhestyon lang po ang mga ito, bibigyan ko lang po kayo ng ehemplo

Pang isang-buong araw, kasama na introduction, photo ops. lunch, picnic at crash tutorials sa mag-mamagandang loob na mga propersyonal na miyembro:

HUNYO 7 (Sabado) o HUNYO 9 (Lunes, Holiday)

  • 10am or earlier: Meeting Place : Makati or somewhere else – introduction, photo op (akyatin mga buildings, bahala na kayo humanap ng oportunidad)
  • 11am – 12nn: Lunch (the shorter the better, diet muna)
  • 12:30- 1: 30 pm: suggest kayo ng 2nd place to visit/photo op
  • 2: 30pm – 3:00 pm: byahe, malapit lang ang lilipatan
  • 3:00 pm – 5:00 pm: Intramuros? photo op
  • 5:00pm – ? – byahe ulit
  • 6:00 Roxas Blvd. Luneta – picnic, sunset shooting, etc.
  • uwian na, bayarang ang tsuper ng jeep!

* Iba pang suhestyon ko ay: mag hire ng pampasaherong jeep para sa kalahating araw? Mas mahaba ang jeep mas maganda, para madami makasama. Isang dahilan din ay para hindi na mahirapan pa sa paghihintay ng masasakyan at magkaubusan ng oras. Para may pagsasabitan din tayo ng banner ni G. Pete Rahon, ha ha! Ang galing di ba?

Ambag – ambag na lang po ng pambayad sa jeep sa mga sasali. Or yung mga mababait nating miyembro na kahit hindi sasama sa EB ay …ehem…baka po pwede kayo tumulong sa ambag? isang sponsored post worth na ambag lang po. Kung pwede lang po naman. :love:

* Kung mayroon may oras (at budget na rin) ang ilan sa sasama, mag prepara ng pang picnic. Ex. Adobo, hindi nasisira yan abutin man ng ilang oras. Kung may cooler kayo sa bahay, bitibitin na rin at iwan na lang sa dyip.

Inuulit ko po, ehemplo lamang ito. Ilang araw na lang ay Hunyo na kaya sana ay magkasundo agad para sa ating EB!

Mga Interesado:

  1. Pete Rahon (Nasa Pilipinas mula May 29-June13)
  2. Nona (Nasa Pilipinas mula end of May- June 8)
  3. Dragon Lady
  4. Carol Bustos Santiago
  5. Lino
  6. Buge
  7. Teys
  8. Ambo
  9. Ako din po (o ang aking representative)
  10. Ironnie (tentative)
  11. Jeprocks (tentative)
  12. JOIN KA NA!!

Flash!! Magandang balita po sa mga sasama sa EB. Mayroon po tayong posibleng maging panauhing pandangal na isang Propesyonal na Potograpo. Kung magkakasundo po tayo sa petsa at tumama sa kaniyang schedule, makakasama po ninyo siya at makikipag jamming po sya sa inyo ukol sa potograpiya.

Ang kanyang career po ay nagsimula nuong 1990, sa Amerika. Naging Ramp photographer po sya, Magazine photographer at ngayon po ay concentrated sa wedding photography.

Added: May0 29 

SA MGA MAY INTERES NA SUMAMA, MAARI PO BANG MAG-IWAN KAYO NG MGA SUHESTYON NINYO? GAYA NG LUGAR NA NAIS NYO PUNTAHAN, ORAS ATBP. SA GANITONG PARAAN PO AY MARIRINIG ANG TINIG NG LAHAT AT MAKAKAKUHA TAYO NG IDEYA, UPANG MAKAGAWA TAYO NG KONKRETONG PLANO.

Salamat ng marami – admin