LP# 8 TUBIG
May 21, 2008 by admin
Filed under LP entries

Tubig. Paano na ang magandang bulaklak na ito kung walang tubig na maididilig sa kanyang halaman?
IKAW AT AKO, PAANO NA TAYO KUNG WALANG TUBIG?
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya:
Ang tubig ay isang walang lasa, walang amoy, at walang kulay na sustansya sa kanyang dalisay na anyo, at mahalaga para sa lahat ng mga kilalang anyo ng buhay. Ito rina ng ang pinaka-unibersal na panunaw o solvent). Sagana ang daigdig sa tubig at matatagpuan sa lahat ng lugar at makikita sa iba’t ibang anyo nito: ang yelo (buong anyo), singaw (water vapor), at likido (ang anyong dumadaloy). Karamihan ng tubig ay matatagpuan sa mga karagatan at mga polar ice cap, ngunit ito’y matatagpuan kahit sa mga alapaap, tubig ulan, at ilog. Sa katawan ng tao, may 7 libra ng tubig sa bawat 10 librang bigat ng katawan.
Mahalin natin ang bawat patak ng tubig, huwag natin syang aksayahin.
Magandang Huwebes sa inyong lahat!!


