LP #6 Mahal na INA
May 7, 2008 by admin
Filed under LP entries
” WALA NANG HIHIGIT PA SA PAG-IBIG NG ISANG INA. ”
Para sa akin, totoo ang mga salitang ito. Kahit paminsan minsan ay hindi kayo (o kami) nagkakaunawaan ng iyong (o ng aking) Ina, pero siya ay mananatiling numero unong tagapagtanggol sa lahat ng oras, mangungunang patahanin ang aking pag-iyak (iyakin pa rin kahit malaki ..ehem, matanda na pala) pagsisilbihan ako hanggang sa kanyang huling hininga (hindi ako tamad, pag nagkakasama lang kami, walang ginawa kundi magluto ng magluto at palakihin ang tyan ko.)
Pero ito ay hindi lamang totoo sa ating mga tao, maging sa mga hayop ay Ina ang laging nasa tabi ng kanyang anak, nag aaruga, nagpapakain, nagpapasaya, handang magtanggol sa lahat ng oras.
Mula sa aking kaban ang mga larawan na ito. Mga kuha nuon nakaraang taon. Itong baby seagull ay napansin kong panay ang ‘palahaw’ at nagtatawag sya. Hindi ko sya iniwan hangga’t biglang dumating ang tinatawag nya..ang kanyang Ina pala. Ang baby seagull ay itong mas darker ang balahibo.

Panay ang nganga ng baby seagull at ang Ina naman ay kasalukuyang ipinipilit ibalik sa kanyang leeg ang mga pagkain na inimbak upang ipakain sa kanyang anak….

Matapos mai-suka (regurgitate) ay maganang kumain ang anak. Matapos nito makakain at tumigil na sya sa kakaiyak.

Subalit matapos ang ilang sandali ay nagsimula na naman umiyak ang baby seagull…nakita kong papalayong lumundag lundag pawang nagkandirit si Ina papalayo sa kanya.
Minsan kasi ang Ina, nabibingi rin at nagsasawa marinig ang palahaw ng anak. O di ba, parang tao din?
Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!



ako ay nagbalik!
Bb. LP, kala ko ito ang nanay mo. Hehehe! Ayos ka, ang anak mo pug tapos nanay mo pato.
Joke lang! Peace tayo! *mwah mwah*
Ang aking litrato para sa linggong ngayon ay naka-post na.
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-mahal-na-ina.html
Jenn’s last blog post..LP – Mahal na Ina
magandang huwebes sa inyong lahat!
korky’s last blog post..LP #6 Mahal Na INA
napaka-angkop na kwento sa iyong litrato, parang napanood ko sa pelikulang Happy Feet.
Baka magkakilala sila
he he
maligayang LP sa iyo!
mayron na rin akong lahok sa blog ko
teys’s last blog post..LP#6 – Mahal na Ina
Ang galing, napangiti ako nang makita ko ang larawan mo. Huling huli ang pagmamahal ng inang ibon sa kanyang inakay. Ibang klase talaga maglambing ang mga Ina, ibon man o tao.
Happy Mother’s Day sa lahat!
colby’s last blog post..LP #6 Mahal na Ina
ang galing naman, nahuli mo sila sa ganitong posing hehe.
eto na po ang aking mga lahok for this week. salamat!
Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina
Meeya’s last blog post..LP06: Mga Mahal Na Ina
sya nga pala, happy mother’s day sa mga ina, at sa lahat ng inyong mga mahal na nanay as well.
Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina
Meeya’s last blog post..LP06: Mahal Na Ina
Ang Ina ang Ilaw ng Tahanan, ang matiyagang nag-alaga at naghubog sa atin. Maswerte tayong may mga Ina pa na parati pa rin nating natatakbuhan sa anumang oras at problema. Kaya mahalin natin ang ating ina! Mabuhay ang lahat ng mga Ina! Ang ganda ng litrato mo
nina’s last blog post..LP – Malungkot
Here’s my link para madali puntahan
http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/05/lp-mahal-na-ina.html
nina’s last blog post..LP – Malungkot
Ang galing naman at nakuhanan ang eksenang ito! Mahusay talaga!
Andito naman ang aking lahok sa linggong ito – http://yayaba.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-mahal-na-ina-loving-mom.html
Happy weekend!
nakakatuwa!
captured moment ika nga!
eto naman ang aking lahok…
http://maver.wifespeaks.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html
maligayang huwebes!
maver
hello! Am 1 day late but i was trying to find the right picture.
anyway, my entry is up and i wish all moms here in LP a happy mom’s day! I like the theme this week.
sunshine’s last blog post..LP – Mahal Na Ina
thank you po sa mga bumisita sa aking puto-graphy blog. ahehehe.
salamat sa mainit na pagtanggap kahit na hindi pa talaga aprubado.
Vera’s last blog post..buhok mo’y green
Hello sa lahat, ito nga pala ang entry ko para sa paksang ito http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=46. unang entry ko palang ito at umaasang ma-aprubahan din ako tulad ng iba
Sana ay i-welcome nyo rin ako… maraming salamat.
Pwede po bang humabol? Eto po ang aking lahok
http://vanidosa.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-mahal-na-ina.html
vanidosa’s last blog post..Litratong Pinoy – Mahal na Ina
galing ah! hanep sa timing =)
eto na ang aking lahok. pasensya na at nahuli.
http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html
carol bustos-santiago’s last blog post..LP #6 Mahal Na Ina
Eto pa po ang isa
http://www.mariegvergara.com/?p=379
mga friends, passed muna ko dito, wala akong makitang pics eh, hehehe, tsaka medyo busy… next week ulet…
lino’s last blog post..aliwan 2008…2
pasensha na at late na ang pagbisita ko dito. ang galing ng kuha mo bb. admin.
kakapanood ko lang ng animal planet at madami ng mother’s day specials ngayon. hehe.
kaya naman hindi ako nakapag-post agad ay dahil sang ayon sa tema ngayong linggo, naging mahal na ina ako sa aking anak na na-hospital simula noong tuesday. ngayon lang kami nakalabas. ang hirap talaga maging ina. pero anyway naka-schedule naman yung entry ko so ayan na po.
happy mother’s day din sa lahat ng mommies dito! at sa mga mommies din ninyong lahat.
iris’s last blog post..Aking Ina [litratong pinoy]
huli man daw at magaling (sana) ay naihahabol pa rin…
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Mahal na Ina
paumanhin po at huli nanaman ako sa pag lahok. natambakan ng trabaho at mga meeting kaya heto at ngayon lang naipasa.
may mga utang pa akong pag bisita sa mga blog nyo. sa lunes na lamang po.
happy LP! =)
haze’s last blog post..LP#6: Mahal na Ina
napakagandang larawan ng mag inang ibon na nagmamahalan. pasensya na at medyo nahuli ako sa pagsumite ng aking lahok. medyo maaming ginawa lang. :huh:
http://www.wifeynibangis.com/2008/05/lp-6-dear-mother-super-late-entry.html
eto po aking lahok sa aking pananaw! sorry po at late, byernes na!
http://dangcharlie.blogspot.com/2008/05/lp-entry-2-mahal-na-ina.html
dang’s last blog post..LP Entry # 2 – Mahal na Ina
nakalimutan kong banggitin na maganda po ang larawan ng mga seagull..at maganda rin ang inyong mensahe tungkol sa mga ina!
maligayang araw sa inyong lahat!
dang’s last blog post..LP Entry # 2 – Mahal na Ina
hello, LP!
i want to join, and i just read the instructions. di ako masyado fluent sa filipino but from what i understand, kailangan mga kuha mismo ng mga participants ang mga LP nila. i was browsing through the pages of the other ppl who joined at napansin kong may mga litrato sila na hindi sila ang kumuha, esp for the “mahal na ina” entry. they have pictures of themselves with their mothers when they were kids, or pictures of themselves with their kids. pwede ba yun?
salamat.
addie
————————————————
Hello Addie,
“Isali ang mga larawang IKAW ang nagma-may-ari. Hindi po maaaring isali ang mga larawan o mga dibuho (sketches) na kinuha lamang sa internet.”
Hindi pinagbabawalan ng Litratong Pinoy na isali ang mga larawan na ang kumuha ay ang tatay, nanay, kapatid, pamangkin, lolo, lola o sino mang kamag-anak at kaibigan ng miyembro ng L.P. Ang mahigpit na ipinagbabawal ay ang nabanggit sa pahinang ‘PAANO SUMALI” – yang nababasa mo sa itaas. Sana ay naliwanagan ka. – L.P.
patunay lamang na maging sa mga hayop, walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina.
eto naman ang larawang maiibahagi ko:
http://www.neilmaranan.com/2008/05/10/lp-6-mahal-na-ina/
Neil’s last blog post..LP #5: MALUNGKOT
Huli man daw at magaling… ay… wel… huli pa rin! Hehehe.. Pasensya na mga ka-LP at talaga naman napaka-busy ko nitong buong linggo. Nagkaron kami ng event at wala akong naging bakanteng oras para isumite ang aking litrato
sa katunayan sumingit lang ako ngaun para ma-post na ang aking entry. Marami akong nakalinyang deadline kaya pasensiya na at matatagalan ang pagbisita ko sa bawat miyembro.
Napakaganda ng litrato na kuha ni Bb. Admin. Kahit sa mga ibon o hayop ay makikita mo ang walang katumbas na pag aaruga ng isang ina sa kanyang anak. Ang galing nga at na-capture agad un moment na yan!
Ito naman po ang aking lahok, kung hindi kau busy tulad ko ay welcome po ang mga komento! Salamat!
http://grey24.multiply.com/journal/item/127/L.P._6_Mahal_na_INA
Sa kauna-unahan pong pagkakataon, ako ay lalahok dito sa LP. May kuha po ako sa http://manillapaper.com/2008/05/lp6-mahal-na-ina-beloved-mom/ na nagpapatungkol sa ina. Sang-ayon ako sa ibang komento dito… na kakaiba talaga ang pagmamahal ng mga ina.
photos@reflexes’s last blog post..LP6: Mahal na INA (Beloved Mom)
mabuhay ang mga ina! nahuli ako ng ilang araw kasi naglipat bahay. paki update na lang po ang aking photoblog link to http://roniverse.com. happy weekend!
lahok: http://roniverse.com/photo/225-remembrance/
iRonnie’s last blog post..225. Remembrance
Ito ang aking pangalawang lahok. Late post po. Sana inyong magustohan.
http://asecretplace.wordpress.com/2008/05/11/lp-mahal-kong-ina/
leah’s last blog post..LP: Mahal Kong INA
Pasensya na, eto na ang tamang URL ng aking entry. Ano ba nagpalit ng server ang aking host kaya nawala ang dati kong sinulat at pinalitan nila na kanilang pinakahuling “backup”.
http://www.neilmaranan.com/2008/05/12/lp-6-mahal-na-ina/
Neil’s last blog post..LP #6: Mahal na Ina
Tunay ngang sa mga Ina lamang natin makukuha ang walang wagas na pagmamahal.
Eto naman po ang aking Mahal na Ina: http://silentprincess.philanime.com/?p=80
Tunay ngang sa ating mga ina lang natin mararamdaman ang walang wagas na pagmamahal.
Eto naman ang ang aking mahal na Ina: http://silentprincess.philanime.com/?p=80
instinct ng isang ina ang kumalinga sa kanyang mga anak…. tao man o hayop.
eto ang lahok ko sa linggong ito: http://waltzco.multiply.com/journal/item/8/Litratong_Pinoy_6_Mahal_na_Ina
huhu. ambabait naman ng mga blogistang putographer dito sa LP!
salamat ng madami, at sa mga hindi ko pa nabibisita. sisimulan ko na! NOW na! lol
Vera’s last blog post..LP: Umaapoy
hahabol ako!!!!
sino ba ang hindi nakakakilala sa natatanging ina na ito:
http://gimikerangpotograper.blogspirit.com/archive/2008/05/12/to-my-bestfriend-and-her-angel.html
pasensya na po, huli na ang aking akda para sa linggong ito…
kaye’s last blog post..PR
maraming salamat sa pagsali sa akin sa listahan ng mga bagong kasapi ng mga litratista dito sa LP.
Bilang pasasalamat at paggunita sa kapanakan ni Buddha (kahapon 12 May) ito po ang blog link ng larawan ng aking pasasalamat: http://twurl.nl/lgex12
Salamat po!
Sana’y naging masaya ang inyong pagdiriwang ng araw ng mga ina… ako may huli sa pagsali sa linggong ito, pasalamat na rin ako at nakahabol at naging abala lang sa ibang gawain pero masaya naman ako sa pagiging ina.
Magandang araw!
Tere’s last blog post..WW: Comfy Atmosphere at Kangaroo
Mapa-ibon o mapa-tao, iba talaga ang pag-alaga ng mga nanay!
Huli man daw po at magaling.. .huli pa din!
Eto ang para sa nanay ng aking mga anak…. :love:
http://flomagcalas.blogspot.com/2007/05/happy-mothers-day.html
Snagglepuss’s last blog post..Litratong Pinoy : Mahal na Ina
Ang hirap na maging isang ina. Pero mas mahirap pala maging inang ibon. Kailangan durugin ang pagkain at iimbak sa lalamunan. :blah:
L.P.
Nabasa ko ang iyong sulat para kay adie. Ako po ay nagdalawang isip.
Pero mukang tama naman ang aking pagkaka-intindi. :happylol:
Paki-check na lamang po ang aking entry
http://clickandstick.blogspot.com/2007/07/you-who-i-cradled-in-my-arms-little.html
Simplymuah’s last blog post..Litratong Pinoy : Mahal na Ina
belated happy mother’s day sa lahat ng mga mothers! *hugs*
ngayon lang ako nakapost ng LP#6 ko…mahabang istorya…ikwento ko sa mga susunod na araw.
magandang hapon!!