LP #6 Mahal na INA
May 7, 2008 by admin
Filed under LP entries
” WALA NANG HIHIGIT PA SA PAG-IBIG NG ISANG INA. ”
Para sa akin, totoo ang mga salitang ito. Kahit paminsan minsan ay hindi kayo (o kami) nagkakaunawaan ng iyong (o ng aking) Ina, pero siya ay mananatiling numero unong tagapagtanggol sa lahat ng oras, mangungunang patahanin ang aking pag-iyak (iyakin pa rin kahit malaki ..ehem, matanda na pala) pagsisilbihan ako hanggang sa kanyang huling hininga (hindi ako tamad, pag nagkakasama lang kami, walang ginawa kundi magluto ng magluto at palakihin ang tyan ko.)
Pero ito ay hindi lamang totoo sa ating mga tao, maging sa mga hayop ay Ina ang laging nasa tabi ng kanyang anak, nag aaruga, nagpapakain, nagpapasaya, handang magtanggol sa lahat ng oras.
Mula sa aking kaban ang mga larawan na ito. Mga kuha nuon nakaraang taon. Itong baby seagull ay napansin kong panay ang ‘palahaw’ at nagtatawag sya. Hindi ko sya iniwan hangga’t biglang dumating ang tinatawag nya..ang kanyang Ina pala. Ang baby seagull ay itong mas darker ang balahibo.

Panay ang nganga ng baby seagull at ang Ina naman ay kasalukuyang ipinipilit ibalik sa kanyang leeg ang mga pagkain na inimbak upang ipakain sa kanyang anak….

Matapos mai-suka (regurgitate) ay maganang kumain ang anak. Matapos nito makakain at tumigil na sya sa kakaiyak.

Subalit matapos ang ilang sandali ay nagsimula na naman umiyak ang baby seagull…nakita kong papalayong lumundag lundag pawang nagkandirit si Ina papalayo sa kanya.
Minsan kasi ang Ina, nabibingi rin at nagsasawa marinig ang palahaw ng anak. O di ba, parang tao din?
Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!

