LP #4 Hugis ay Pahaba

April 23, 2008 by  
Filed under LP entries

Mabuhay kayong lahat! Huwebes na naman at syempre pa, araw na naman ng katuwaan sa Litratong Pinoy! Mukhang talagang ‘dibdiban’ ang mga lahok na larawan tuwing Huwebes ah. Napansin nyo bang kay gaganda at lalong humuhusay ang mga lahok na larawan ng bawat isa?! Camera phone o digital compact o dslr man ang gamit sa pagkuha ng mga larawan ay talagang nag-gagandahan ang mga lahok. Hindi lang iyun, maging ang mga akda ay pinaghuhusay at talaga namang naeensayo natin ang pagsasalita ng ating wika, napakasarap na pakiramdam, hindi po ba?

Nais naman po salubungin ng maiinit na pagtanggap ng Litratong Pinoy ang ating mga bagong opisyal na miembro, kilala nyo na po ba silang lahat? :happylol:

Umpisahan na natin!

POSTE NG ILAW ANG AKING LAHOK SA TEMANG ITO.

poste21.png

Ang mga posteng pinaglalambitinan ng mga bata sa umaga at sa gabi naman ay humahawak sa mga ilaw na ating nagiging gabay upang makita ang ating patutunguhan pati na rin ang pinaggalingan at para makita na rin kung walang maapakan na uu ni bantay.

Ito pong una ay kinunan ko isang gabi habang naglalakad sa lansangan. Ang ilaw po sa ibabaw ay hindi sumindi (malamang kailangan na palitan ang bumbilya) ginamitan ko po ito ng flash.

ang pangalawang larawan naman ay kinunan ko habang ang gabi ay mas lumalalim. Kulay itim naman ang kulay ng posteng ito samantalang ang sa unang larawan ay berde. Hindi ko ginamitan ng flash.

poste1.png

MALIGAYANG HUWEBES SA INYONG LAHAT!

« Previous PageNext Page »