LP #3 "Apat na Kanto"

April 16, 2008 by  
Filed under LP entries

Bago ang lahat, nais po ng Litratong Pinoy na salubungin ng mainit na pagbati ang mga kababayan po nating nagsisali sa kauna-unahang pagkakataon sa nakaraang temang “Tatlo Ang Sulok Ko.” Isang tema na lang at alam nyo na ibig sabihin nuon! Kaya huwag po ninyong kakalimutang ipadala sa aming email ang mga impormasyon na hinihingi upang kayo ay ma-aprubahan at ganap na maging miembro ng L.P.

———————————————————————–

Kumusta na kayo lahat?! Huwebes na naman at oras na ulit ng kasiyahan dito sa Litratong Pinoy! Sana naman ay hindi kayo nahirapan humanap ng larawan para sa Huwebes na ito :-)

apatnasulok.png

Ito ang aking kontribusyon sa araw na ito. Ang Rubiks Cube. Inimbento ni Ernő Rubik (Budapest, Hungary) nuong 1974. Pero una ko syang nasilayan nuong taon 1983, kasalukuyan akong nasa ikalawang pamantasan. Isang araw ay nakita kong tahimik sa isang tabi ang isa kong kaklase na todo ang konsentrasyon at pinaiikot-ikot ang isang parisukat na maraming kulay. Sabog-sabog ang mga kulay at madaling makikita na sinusubukan ninyang ayusin ito at pagsama-samahin ang parehong kulay sa tig-isang bahagi ng parisukat. Unti-unti ay dumadami ang mga uzisera at uzisero sa kanyang ‘paglalaro’ ng parisukat pero saglit ay natapos niya ito agad! Namalikmata lahat kami kaya nag-request kami ng encore, muli nyang ginulo ang mga kulay at ipinakita sa amin ang husay nya at bilis sa pagbuo muli nito.

Ako? hanggang palamuti lang ito sa aking keychain. Ikaw, nasubukan mo bang laruin ito?

———————————————————————-

Mga kaibigan may nagtanong po sa amin kung kinakailangan bang ang akda ay isalin sa inglis. Nasa inyo po iyan kung isasalin ninyo sa Inglis dahil alam po namin na kailangan ito sa mga blogs na nagsusulat ng sponsored posts. Kung wala naman po kayong sponsored posts, sa tagalog lamang po ay sapat na. Importante ay mayroon po kayong tagalog na akda.. Salamat!

Comments

84 Responses to “LP #3 "Apat na Kanto"”
  1. Em Dy says:

    Naku, naaddict ako dyan nung bata pa ko. Ngayon, sikat na naman sya. Ang ganda ng kuha mo. Kakaiba. Maligayang Huwebes.

    Em Dy’s last blog post..Banig

  2. iRonnie says:

    waaa! pareho tayo! birds of the same feather makes a good feather duster naman talaga oo! lolz
    http://photos.ironnie.com/222-twist-to-be-square/

  3. Simplymuah says:

    ay ang ganda naman ng rubik cube mo.
    muli, kagaling na kuha! :happylol:

    ako ay wala pa naiisip na parisukat.

    Simplymuah’s last blog post..Litratong Pinoy : Tatlo ang sulok ko.

  4. ris says:

    isa lang ang masasabi ko sa litrato mo… nosebleed! hehe. ako yata unang nag-comment na may ayaw sa rubiks cube. pano kasi hindi ako marunong nyan at sa tingin ko wala akong tiyagang matutunan. :) pero maganda naman sa picture, kaya diyan ko lang siya gusto. hehe.

    eto na ang sakin!

    ris’s last blog post..Parisukat [litratong pinoy]

  5. Kaje says:

    naku pareho din ang nakuha kong subject!!! tatlo na tayo hahaha

    gandang huwebes! antay ko ang mga litrato ninyo!!! :)

  6. bluep says:

    nilalaro ko dati yan nung bata pa ako pero sa totoo lang di ko talaga makuha na mabuo yan. marahil talagang tamad ako. pero ang giunagawa ko, dinidistrungka ko isa isa ang mga butones tapos ikinakabit ko ulit para sabihihin sa aking mga kalaro na nagawa ko hahaha

    eto na po ang aking entrada para sa linggong ito

    http://bluepanjeet.net/963/kwatro-kantos/

    bluep’s last blog post..Kwatro Kantos

  7. vanidosa says:

    Kailangan bang parisukat o square? pano na ang entry ko? isang kariton at isang aklat parehong may apat na kanto?

    LP: kung may apat na kanto po ang aklat ninyo ay pasok na pasok sa tema! :)

  8. magaling ako dyan nung araw, kaya ayaw ko na subukan ulit na ngayon ay nauuso na naman. gusto kong maalala na kaya ko sya lutasin, pagsinubukan ko yan ngayon, malamang nakalipas na ang sandaang taon eh di ko pa din tapos paikutin yan

  9. julie says:

    Napakaganda ng larawan mo.

    Marunong ako niyan, isang kulay lang na bubuuin :D

    Heto ang aking entry na hindi muna mala-editoryal ang dating: Apat Ang Sulok

    Hangad ko ang maligayang linggo sa inyong lahat.

    julie’s last blog post..Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko

  10. Snagglepuss says:

    parang ang sarap maglaro ng rubik sa kuha mo! para tuloy gusto ko ngayon bumili ng rubik. hehehe

    ngayon ko lang ren lang po pala nai-post ang para sa tatsulok ko, paumanhin at sobra lang pong abala sa trabaho. pero para po makabawi, pinost ko na ren ang parisukat ko.

    Snagglepuss’s last blog post..Litratong Pinoy : Sandamakmak na sulok.

  11. cathy says:

    Maligayang Huwebes!

    Naku, ayoko rin sa rubiks kasi ayaw ng rubiks sa akin (o sa ibang salita, hindi ako marunong maglaro niyan). Pero naaliw talaga ako sa larong yan dahil may panahon na ang daming kong nakakasabay sa dyip/ FX/ bus, kadalasan ay lalaki, na naglalaro diyan. Nakakaaliw panoorin, pero nahihilo talaga ako! Hehe.

    cathy’s last blog post..A House is not a Home

  12. nina says:

    Ang ganda ng kuha mo. Naglaro din ako nito nung bata ako pero di ko pa nabuo ang anim na gilid nito ng sabay-sabay :) Ang ang lahok ko ay larawan ng gusali kung saan ang kanyang disenyo ay puro apat na sulok. Maligayang Huwebes :)

    nina’s last blog post..Join Doha Pinoy Shooters Group!

  13. Lizeth says:

    madaming magkakapareho! :)

    nice shot!!

    nakapost na din ako on time..sa wakas :) yay!

  14. ces says:

    ang bilis talaga ng panahon…kanina lang ay napadpad ako rito, pagbalik ko 15 na ang komento…kanya naman pala may lahok na si kapatid na iska! hahaha…nagkukuha ako ng litrato muntik pang mahuli sa pagsundo ng mga anak…at ngayon ko lang napag-alaman na hwebes na naman pala nga bukas dito!

  15. she says:

    Nahuli ako magpalista pero kanina pa up ang entry ko :D

    Rubiks cube din ang entry ng aking kapatid ngunit di pa niya na-upload hehe… Mayang konti na lang.

    Ganda ng pagkakakuha niyang litrato mo, Ms. Admin! Magandang araw ng Huwebes!

    she’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#3 – Apat na kanto

  16. Wow… ambisyon ko na makabuo ng isang rubik’s cube… lagi na nga lang akong sawi… isang kulay lang ang kaya kong makumpleto ngunit mayroon akong kaibigan na kayang gawin ang lahat sa ilang minuto lamang.

    Ang ganda ng litrato mo :)

    Clicking Away’s last blog post..LP003 – Apat na Kanto

  17. Pinky says:

    Buhay na buhay ang mga kulay ng kuha ng Rubiks Cube mo – ang ganda! :love:

    Isang kulay lang ang kaya ko gawin diyan at masuwerte na ako nang makabuo ng dalawang kulay na magkasabay (isang beses ko lang nagawa sa buong buhay ko!). “Up” na rin ang lahok ko para sa linggong ito.

    Happy Huwebes-(blog)hopping sa lahat! :lol:

    Pinky’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto

  18. Thesserie says:

    Kalaban kong mortal ang rubik’s cube dahil hindi ko kayang buo-in yan, magpakailanman :l:
    Nakakatuwa naman tayo, kahit Miyerkules pa lang sa lugar ng iba, nagpopost na talaga ha ha ha!

    hallush tita stelita, she, ces ronnie panget jep at sa inyong lahat syempre!!

    Thesserie’s last blog post..LP 4 na kanto

  19. komski kuno says:

    Wala, hindi yan kaya ng utak ko, hehehe. Kahit na may mga nabasa na akong tutorial para sa pagsosolve niyan. Hmmm, siguro sumubok na ako dati pero walang nangyari, hehehe. pero uso nga yan ngayon, hehehe. Kung magkakaroon man ako, keychain lang din, hehe:)

  20. adinille says:

    ang rubik’s cube ko nag iipon na lang ng alikabok ngayon… hehe
    Isang mapagpalang Huwebes sa lahat…
    wwooohhhooo!!! inaantabayanan ko din ang pagiging ganap na miyembro ko dito! :)

  21. ces says:

    oras na upang mag-ikot! nailathala ko na rin aking mga lahok!

  22. Ambo says:

    Isang magandang umaga po sa inyong lahat at ako’y isang pogi pa sa umaga naman ahahahaha. Yan ang laro ng mga mabibilis ang pag-iisip. Ng mga henyo hehehehe. Ang galing ng pagkakakuha ng iyong larawan.

    Ito po naman ang entry ko sa linggong ito.
    http://www.ambothology.com/transistor

    Mabuhay tayong lahat!

    AMBO

    Ambo’s last blog post..Transistor

  23. christine says:

    yahoo nakaabot din! :) paborito ng aking pamangkin sa pilipinas ang rubiks cube. ako naman ay hindi ko maalala kung nahilig ako dito, mukhang hindi. ha ha.

    magiikot na rin ako. :)

    christine’s last blog post..LP 3: Apat na Kanto (Four Corners)

  24. Linnor says:

    nakakabuo din ako nyan!

    kung tinatanggal ko isa-isa at ibabalik ulit sa ayos ang pira-piraso ng rubik’s cube. madaya no?

    meron na rin akong parisukat: http://linnor.marikit.net/2008/04/17/apat-na-kanto/

    Linnor’s last blog post..Apat na Kanto

  25. nona says:

    apat ang sulok…ang daming apat ang sulok! Kapag naumpisahan kong laruin iyan ay naku tulo pa laway ko hahaha!

  26. ettey says:

    cube din ang tema ng litrato ko :o ) pero nde rubiks hehehe!!

  27. zamejias says:

    O ayan na! Gustong-gusto namin maglaro niya…yong aswa ko lang nakakatapos…ako, trying har lang…yong anak ko, yong laro niya okey din- tinatapon nya. :-)

    Gandang umaga!

  28. zamejias says:

    O ayan na! Gustong-gusto namin maglaro niyan…yong asawa ko lang nakakatapos…ako, trying hard lang…yong anak ko, yong laro niya okey din- tinatapon nya. :-)

    Gandang umaga!

    (pinost ko uli yong comment kasi mali-mali knina..hehe.)

  29. lidie says:

    ito na yata kasi ang talagang simbolo ng isang parisukat kaya’t marami tayong magkakapareho! ang ganda ng iyong pag-kuha!
    magandang huwebes sa’yo!

  30. lino says:

    dati kaya kong buuin lahat in 1 minute and 36 seconds, inoorasan ko pa talaga yan dati… ngayon hanggang middle layer na lang kaya kong buuin, kinalawang na ko… hehehe. :lol:
    may bahagi na rin ako para sa linggong ito… check it out… :happylol:

    lino’s last blog post..apat na kanto (four corners)…

  31. ~* EDS*~ says:

    Ang ganda naman ng pagkakuha sa rubic cube na ito! Sana makahabol pa ko- eto ang aking lahok – http://edsnanquil.com/?p=603

  32. Ambo says:

    Isang magandang umaga po sa inyong lahat at ako’y isang pogi pa sa umaga naman ahahahaha. Yan ang laro ng mga mabibilis ang pag-iisip. Ng mga henyo hehehehe. Ang galing ng pagkakakuha ng iyong larawan.

    Ito po naman ang entry ko sa linggong ito.
    http://www.ambothology.com/transistor

    Mabuhay tayong lahat!

    AMBO

    Ambo’s last blog post..Transistor

  33. Ambo says:

    nyay bakit ako in moderation?

    Ambo’s last blog post..Transistor

  34. Ambo says:

    Hehehe hayan pala kasi me link akong nilagay. ulitin ko na lang po msg ko.

    Isang magandang umaga po sa inyong lahat at ako’y isang pogi pa sa umaga naman ahahahaha. Yan ang laro ng mga mabibilis ang pag-iisip. Ng mga henyo hehehehe. Ang galing ng pagkakakuha ng iyong larawan.

    Mabuhay tayong lahat!

    Ambo’s last blog post..Transistor

  35. ~* EDS*~ says:

    Ganun pla un! Magandang Huwebes ulit mga litratista! Maganda ang pagkakuha mo sa rubic cube na ito.. ang aking lahok ngayon ay kakaiba, pilipinong pilipino..

  36. EDS says:

    Hmm bakit hindi ko nakikita ang aking pangalan at comment dito? hay sige uulitan ku nalang.
    Magadang Huwebes po sa inyong lahat! Ang aking lahok ngayon ay apat na sulok na pinoy na pinoy!

  37. maver says:

    Ang Rubiks Cube ay sagisag ng aking kabataan (at katamaran).
    Binubuwag ko ang mga parisukat, at muling binubuo–tunay na kadayaan! :)

    Isang maligayang Huwebes!

    maver
    http://maver.wifespeaks.com/2008/04/lp-3-apat-na-kanto.html

  38. Fickleminded says:

    Magandang araw ng huwebes po mga kababayan,nakapaskil na rin po ang larawan ko para sa araw na ito,ngunit mukhang marami akong katulad na nagpost ng Rubik’s cubes.
    dito po makikita ang aking larawan.

    http://pixelminded.wordpress.com/2008/04/17/litratong-pinoy-apat-na-kanto-four-corners/

    Fickleminded’s last blog post..Litratong Pinoy – Apat Na Kanto (Four Corners)

  39. naisip ko na din na kuhanan ang bagay na ito upang makasali sa linggong ito kaso naisip ko baka meron ng may ganun at tama ako… lagi kasi nilalaro ng mga pinsan ko ang bagay na ito…lagi nilang nabubuo kaso ako hindi ko mabuo sabi nila maypattern daw ng pag buo dito kaso di ko na pinagkaabalhan na malaman eh…hehehe

    ang ganda ng andito kumpara sa magagawa ko… inggit talaga ko…hehehe
    meron naman akong nakuhanan parang sa tema ngayong linggong ito…

    eto ang aking mga nakuha

    http://shamainereyes.blogspot.com/2008/04/lp-3-apat-na-kanto.html

    emoterang nurse’s last blog post..LP #3 “Apat na Kanto”

  40. Dyes says:

    keychain lang pala sya! akala ko naman ay malaking rubik’s cube. at nahilig din po kami dyan nung high school.

    maligayang hwebes!

    Dyes’s last blog post..LP # 3 – Apat na Sulok

  41. Kaye says:

    ang ganda naman ng kuha mo! Very nice shot. very crisp…

    hindi ko man lang yan nahiligan laruin. hehehehe! kakasakit sa ulo! Magandang huwebes!

    http://photography-and-me.blogspot.com/2008/04/lp-3-apat-na-kanto.html

    Kaye’s last blog post..LP # 3: “Apat na Kanto”

  42. haze says:

    nakalahok na sa ikalawang beses. :)

    mahusay ang kuha mo. ako rin nalulong sa bisyo ng paglalaro ng rubiks cube, ngunit ni minsan ay hindi ko pa rin ito nabubuo. pareho kami ni maver, dinadaan na lang sa daya. haha!

    isang masayang huwebes sa inyo!

    *singit lang: maari na ba akong magpadala ng email sa inyo na nagpapahiwatig ng aking interes para maging ganap na miyembro ng grupong ito?

    haze’s last blog post..LP# 3 Apat na Kanto

  43. ZJ says:

    Magandang tanghali!
    Naalala ko noon nung bata pa ako (bata pa rin naman ako ngayon) umiiyak ako sa sobrang frustration (at hiya) kasi hindi ako makabuo-buo neto… talo pa ako ng mga nakababatang kapatid ko.
    Hwebes na naman at hindi pa naka-up ang entry ko. Konting pasensya lang at maya-maya’y ipo-post ko na po ito.

  44. rose says:

    uy ang ganda.. ang kulay kulay.. na addict din ako dyan.. hehe hanggang ngayon. :)

    kahit wednesday pa lang dito.. nag post na ako.. hehe excited eh
    eto ang sa akin
    http://revolutionmotion.com/?p=864

    sorry po medyo busy.. :(

  45. Kotsengkuba says:

    meron din ako dating rubiks cube at nabili ko together with the instruction manual. meron palang iba’t-ibang case and each case may ibang way para i-arrange ang mga kulay. merong isang case dati na di ko talaga ma-perfect pero ngayon, nawala na si rubiks cube at nalimot ko narin lahat ng cases and ways to solving each. hahaha.

    nice shot, nice macro. at gustong-gusto ko yung pagkakadimlight dun sa middle and rear squares. sino kaya ang nag-picture ng “celebrity squares?” ;-)

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0816 | Apat na kanto

  46. nahilig yata ako dyan…pero hanggang dun lang! hahaha! :P maligayang huwebes sa lahat! up na po ang aking entries. ;)

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge