Apr-2-2008

L.P. #1: Ako Ay BILOG

MAINIT AT PUNO NG PAGMAMAHAL NA PAGSALUBONG PO MULA SA LITRATONG PINOY PARA SA INYONG LAHAT! MABUHAY AT WELCOME! ALAS DOSE NA NG UMAGA SA PILIPINAS, HUWEBES NA KAYA ETO NA!!
Sa totoo lang po ay hindi ko akalain na aabot ng 50+ ang ating miembro sa araw na ito pero malugod ko pong ibinabalita sa inyo na mayroon na po tayong 51 litratista na nagsisali…ang saya! Maraming salamat sa inyong pagsali, pag-iimbita ng inyong mga kaibigan, paglalagay ng L.P. link button sa inyong blogs at higit sa lahat, sa mga nakakatuwang emails na ipinadala po sa akin, talagang wow!
Hindi ko na pahahabain pa, simulan na natin!

” 4 na taon ang nakakaraan ng makita ko ang mga bilog na ito samantalang namamasyal kaming mag-asawa sa Austria. Natuwa ako sa magandang pintura nila na pula at dilaw kaya bumili ako ng limang piraso.

bilog
marbles5.png

Ang limang ito ay naka-display sa aming maliit na fish pond sa likod bahay. Paborito ko silang kunan ng larawan lalo na kapag sumisikat ang araw. Gustong gusto ko rin silang titigan dahil litaw na litaw ang kulay nila kapag nakapatong sa mga bato na ito. Nuong una akala ng aso ko ay pwede nyang paglaruan, mabuti na lang at matitigas ang mga ito at agad nyang iniwan ng hindi nya makagat. Kaya matapos ang 4 na taon, 5 pa rin sila.

4 years ago my husband and I were on vacation in Austria. While walking around I saw these marbles which I immediately bought, I really liked the nice paint of red and yellow. These five are on display on our small fish pond at the back of our house. I like using them as subjects too especially when the sun shines, I love photographing them. In the beginning our dog thought that they were meant for him but quickly lost his interest because they’re tough and couldn’t play with them.

After 4 year, I still have them all 5.

Posted under L.P.

  1. she Said,

    Una ba ako? Hahaha… Happy Thursday! Ang ganda naman niyan! Up na po ang aking entry para sa Huwebes na ito :)
    she’s last blog post..Iyakin ako


  2. Bahchi Said,

    Up na rin ang aking entry para sa unang Litratong Pinoy! Marbles pala yan. Ang akala ko bolang maliliit :)
    Bahchi’s last blog post..LP: Circle


  3. Kotsengkuba Said,

    “Perlas na bilog, wag tutulog-tulog. Sabihin agad sakin ang sagot. ba.. bebi.. bobu!”

    yeehee! sabay tayong nagpost ;-)

    tulog muna ko tapos mat-yag-matyag ulit bukas ;-)
    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0814 | Ako ay bilog


  4. Pillow Said,

    Ang ingat mo naman sa mga gamit mo. Ako man ganyan eh. In fact, pati yung mga candy wrappers that meant something to me, nasa akin pa rin.

    Up na rin ang entry ko! :)
    Pillow’s last blog post..WW #1


  5. Adie Said,

    Ang aking entry naman ay ginagamit ko sa araw-araw… May koleksyon ako dati ng mga marbles. Kaso di ko na malaman kung saan ko nailagay hehehe.

    Happy Thursday!

    Adie’s last blog post..Litratong Pinoy - Circle


  6. Kotsengkuba Said,

    yan po ba ay holen (jolens?) o mas malaki kaysa holen ;-) imposibleng hindi mawala kung sinlaki lang ng holen. siguro billiard balls yan. hehehe

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0814 | Ako ay bilog


  7. Em Dy Said,

    Ang galing ng contrast ng rough na bato at almost smooth na bilog! Nakapost na din ang entry ko.

    Em Dy’s last blog post..Sari-Saring Bilog


  8. HiPnCooLMoMMa Said,

    maryosep kala ko ako una, bwaaaaahhh, kasi naman sa sobrang excitement mali-mali tuloy, ang hirap pa magsulat, woman of few words ako eh, sa tagalog, pede naman taglish please.

    eto entry ko.


  9. HiPnCooLMoMMa Said,

    putek nakalimutan ko mag-comment tungkol sa pikchur mo…ganda…lalo yung limang nakahelera, galeng ng shot!


  10. iRonnie Said,

    iFlash: Ako Ay Bilog.


  11. manilenya Said,

    ang aga naman alas dos ng hapon pa lang ng april 2 dito lol maya pa ko makakapag [post nyan nagtatrabaho pa ko waaaaaaaaaa

    manilenya’s last blog post..Angel tag for my karma


  12. mousey Said,

    nakahanda na ang Bilog!

    aba! ang ganda ng holen heheh…

    congrats po sa pagbubukas ng LP!

    mousey’s last blog post..LP 1


  13. Kaje Said,

    ang ganda ng mga holen mo :)

    tapos ko nang i-post ang sa akin :) bibisitahin ko ang ibang mamaya, pagkagising ko heheh tulog muna. :)

    http://kajesalvador.com/?p=80


  14. Grey Said,

    Ang galing-galing ng piktyur! BILOG nga! :) Kakasali ko lang po at sabik na rin ako mag-post ng litrato! Salamat sa LitratongPinoy! :)


  15. fotorista Said,

    Makapasok pa kaya ako sa ofc nito? 5.38am na. (Nagpuyat para mag-submit lang. Kasalanan mo ‘to Meeya. Pakigising ako ng 7am. Seryoso ako) Btw, kaya ako nagpuyat, na-challenge ako sa mga litrato ninyo! Ang gaganda :)


  16. Julie Said,

    Unang-una, Congratulations sa ating lahat sa pagsama sa pagpapahayag ng ating mga damdamin sa pamamagitan ng mga larawang ating nakunan. Mabuhay tayong lahat.

    Ang ganda ng picture ng holen :)

    Ang tema ng aking larawan ay may kaugnayan sa krisis sa bigas sa ating bansa. Ito ay matatagpuan dito:
    AKo ay Bilog

    Magandang araw sa inyo mga kababayan.

    Julie’s last blog post..Litratong Pinoy: Ako ay Bilog


  17. lino Said,

    mga kabayan, magandang umaga sa inyo mula dito sa pinas. nakapag post na po ako ng aking entry… ayan na ako at pasugod na sa mga blog niyo…. :lol:

    http://linophotography.com/bilog/

    lino’s last blog post..bilog…


  18. nona Said,

    Magandang huwebes ng umaga, wow…makulay na bilog! May bilog na rin ako…baka gusto niyong masilayan dalaw lang sa lungga ko. Mabuhay! :)


  19. Lizeth Said,

    yay! nakapag-post na din ako :) grabe!! mas mahirap pala i-tagalog noh? :D

    sis!! naman!! ang ganda ng mga larawan mo!! :) and gusto ko din ang red and yellow combination ng mga bilog na yan :)

    ang saya!! enjoy ako!! thanks sa pag-isip mo sa LP :)


  20. Linnor Said,

    Ang hirap pala sumulat sa Tagalog! Hahaha…. Nag-post na rin ako ng bilog. Sana pasado :D
    Linnor’s last blog post..Bilog


  21. incoherent Said,

    naka-post na rin po ang bilog ko. :-)


  22. rose Said,

    huwaaaaat .. wednesday pa lang dito haha.. pero sige, mag popost na ako.. exciting ito..
    ganda ng pagkakamarble .. marble na ang bola.. marble pa ang bato . hehe.. :P


  23. Angela Said,

    nakakatuwa at ang gaganda ng litrato :)
    eto ang aking kontribusyon:
    http://fotorista.eyefetch.com/blog.aspx?post=53058


  24. Ambo Said,

    Sarap makita ang mga Pinoy na mahilig sa Photography. Ito po ang aking entry http://www.ambothology.com/ako-ay-bilog

    Just message me for ex-links. Thanks.

    Cheers to Litratong Pinoy and to all of us!

    Ambo


  25. shalimar Said,

    mine up….


  26. rose Said,

    hello LP… nakagawa na ako ng entry ko!! :)


  27. FickleMinded Said,

    mine’s up as well although I don’t feel really confident with it but I’m having fun and that’s what it’s all about.

    FickleMinded’s last blog post..Hello world!


  28. star Said,

    magandang araw, mga kababayan :) may bilog na rin sa site ko, sana makadaan kayo.
    LP, ang galing ng DOF sa nakahilera mong mga holen. mahusay!


  29. munchkin mommy Said,

    napakagaganda naman pong mga holen niyan. :) parang mga binalatang keso de bolang nagkalat sa batuhan. :lol:

    gawa na po ang aking mga entries. dalawa pa! :D mamaya na po ako papasyal sa mga entries ng mga sumali dahil 12mn na po dito sa amin…umpisa pa lang ng Huwebes. :lol:

    magandang araw sa lahat!

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    munchkin mommy’s last blog post..LP #1: Bilog


  30. Dyes Said,

    ang galing naman ng pagkakakuha mo :)

    up na rin yung sa akin :)
    Dyes’s last blog post..LP # 1 - Bilog


  31. ris Said,

    mukhang ako nalang yata nahuli sa pagpost ah :) ako rin meron ng bilog sa blog!

    siya nga pala, hindi ba tayo magkakaron ng parang automatic na pwede mong iadd yung entry url mo para nakadisplay agad sa front page ng site? para makita natin lahat ng posts :)
    ris’s last blog post..Bilog [litratong pinoy]


  32. Thesserie Said,

    Hello sa inyong lahat! Huwebes na sa Holland kaya ito na ang aking ‘bilog’.
    Nabisita ko na ang iba sa inyo, ang gagaling ng mga kuha ninyo! :love:

    Thesserie’s last blog post..Litratong Pinoy # 1 - Bilog


  33. ZJ Said,

    Hello LP
    Ako na yata ang pinaka-huli dito… Ipagpaumanhin niyo po ang late na pag-post ko, ngayon pa naman ang first day. Paano ay meron lang emergency ang inyong lingkod… sabi nga ng mga pilosopo sa atin, huli man at magaling ay huli pa rin! :(
    Nakapost na rin ang aking bilog.


  34. sunshine Said,

    maganda ang kulay ng mga holens na yan. :) masayan akong sumali sa meme na ito ngayon na araw kaya ang una kung entry ay nandito na:
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2008/04/april-3-2008-bilog-round.html

    salamat sa pagbisita. :) comment na iyong iiwan ay lubos kung igagalak.

    sunshine’s last blog post..April 3, 2008 - BILOG (ROUND)


  35. Pinky Said,

    Ka-ganda naman ng mga kuha! :beh: Congrats!

    Pasensya na at medyo nahuli ang sa akin - limang oras kasi kaming huli dito mula sa oras ng Pinas e. :l:

    Mukhang nakahanap na talaga ako ng aking bagong “weekly addiction” - salamat LP!

    Pinky’s last blog post..LP #1: Ako ay Bilog…


  36. Jacq Said,

    Ito po ang aking entry sa linggong ito: http://purplecolourz.com/?p=1152 Sana po ay bisitahin ninyo…


  37. Kotsengkuba Said,

    grabe, lungad ako sa dami ng sumali. kaso yung mga marikit blogs at wordpress blogs blocked ng great firewall of china ngayon kaya di ko makita. pero hindi kinaya ng powers ng china ang mga nagsisali, nabuksan ang blogger blogs sa wakas ;-)

    can’t wait for the next theme. hahaha, adik!


  38. Thesserie Said,

    Oo nga ginoong KotsengKuba, bagsak yata mga marikit na blogs sa ngayon, hindi ko din madalaw …susubukan ko ulit mamaya…..

    at totoo, masaya nga LP….pero meron ka na talagang litrato for the upcoming themes? ha ha, hindi nga adik! :)

    Thesserie’s last blog post..Litratong Pinoy # 1 - Bilog


  39. nina Said,

    Gaano talaga siya kalaki? Ako ay hindi naman talaga litratista kaya hindi ako makapagbibigay ng mga teknikal na komento nagunit masasabi kong maganda ang litratro mo.

    Mayroon na rin akong lahok na larawan para sa temang BILOG. Huli man daw ay naihahabol din. Pinag-isipan ko pa kasi ng maigi kung ako ay sasali dahil halos wala na talaga akong sobrang oras. Nagunit labis akong nabighani sa memeng ito sapagkat siya ay nasa wikang Filipino. Bukod sa paglinang ng talento sa pagkuha ng magagandang larawan, ang meme na ito ay isang paraan upang magamit at mapaunlad ang salitang Filipino. Kaya heto, kahit nasa opisina ako ginawa ko ang aking lahok :)

    Sana ay bisitahin nyo rin ang larawang kinunan ko.

    http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-ako-ay-bilog.html

    nina’s last blog post..What Do You See?


  40. komski Said,

    Meron ding holen na parte ng aking nakaraan, hehe. Binigay ito nung crush ko nung elementary, isa lang, yung clear, na may kulay dilaw sa loob, yung pa-curve. Kaya lang naiwala ko na siya nung bandang hayskul, hehehe. Napaglaruan ata ng pamangkin ko. Anyways, para naman sa entry ko, kaya bakit bumibilog ang tiyan.

    Talagang 10am yung huling entry? Grabe, anung oras na, hehehe. Pato ba naman dito late pa rin ako, hehe. Basta:D Agahan ko na sa susunod.


  41. Ambo Said,

    excited na ako next week! pero iniisip ko ung Italy na topic ahahahahaha


  42. stel Said,

    yung aking mga bilog bilog, puwedeng kainin
    bilog bilog

    ang gagaling ng mga kuha niyo, salamat LP for this clever photo/partyblog,
    nakakaaliw!


  43. Dragon Lady Said,

    makulay na mga bilog! nakatutuwa naman at sila’y nagmula pa sa bansang Austria. :-)

    narito po ang munti kong kontribusyon… ‘ang aking mga bilog’ ay matatagpuan sa http://jacababes.blogspot.com/2008/04/lp-1-ako-ay-bilog.html

    sana’y mabisita ninyo ito. maraming salamat at mabuhay ang L.P.!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #1: Ako ay Bilog


  44. jeanny Said,

    gandang gabi Pilipinas. :happylol:
    Huling huli na ko. Ipagpaumanhin po. hehehe

    Salamat sa LP. Ako’y sobrang na aliw sa mga entries :l:

    jeanny’s last blog post..Ako ay bilog (at sepia)


  45. Meeya's Memes Said,

    kumusta mga katoto sa LP? kakagising ko lang, ngayon pa lang huwebes sa amin, hehe.

    Para naman sa Unang Ginang ng LP, napakaganda naman po ng mga litrato niyo! Ganda ng contrast at ng DOF. Paglaki ko, sana maging kasing galing mo ako. *muah*

    Maligayang Huwebes, mga kaibigan! :)

    Meeya’s last blog post..LP01: Bilog


  46. alpha Said,

    huli man daw at magaling, huli pa rin :D

    http://alphadf.com/2008/04/03/lp-ako-ay-bilog/

    alpha’s last blog post..Questions of the Week 13.


  47. Kotsengkuba Said,

    ~ ambo

    honga, mukhang duduguin ang ilong ko sa Italy. hahaha, pero yakang-yaka yan. sige hahanap na ko ng para jan :D
    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0814 | Ako ay bilog


  48. Studio Juan Said,

    Halos nagkanda bilug-bilog ang ulo ko sa paglathala ng aking kwento ng kabilugan! Sana po kagiliwan nyo :-)

    Sya nga pala, sa unang banat ng mga retratista ng Litratong Pinoy, da bes talaga kayo! (–,)


  49. jeanny Said,

    gaganda ng mga entries ninyo. happy LP sa lahat

    jeanny’s last blog post..Ako ay bilog (at sepia)


  50. Simplymuah Said,

    Ito ang aking unang entry para sa Litratong Pinoy.

    Huli man daw at magaling, huli pa ren!

    pasensya na po at medyo kinapos ako sa oras… busy po kasi sa opis!

    Simplymuah’s last blog post..Litratong Pinoy - Bilog ang Mundo


  51. Snagglepuss Said,

    Eto ang aking unang sabak sa litratong pinoy .

    Sana tama. =)

    Snagglepuss’s last blog post..Litratong Pinoy - NaBILOG ang ulo ko sayo.


  52. abby Said,

    huli na din ang entry ko, pero dahil huwebes pa din dito sa amin, pasok pa! happy huwebes LP! :)
    abby’s last blog post..Litratong Pinoy #1: Bilog


  53. Meeya's Finds Said,

    eto po ang ikalawa kong lahok sa LP. salamat! :D


  54. Grey Said,

    Ang galing! Bilog nga! :D Kakasali ko lang po. Maglalagay na din ako ng litrato ko, yey! Kagabi ko pa sinusubukan mag-komento dito pero ayaw malagay e.. :( ano kaya problema?


  55. Grey Said,

    Yehey!!! Nakapag-post na din ako ng una kong litrato: AKO AY BILOG! :) :) Masarap. Malamig. Masaya. Sa Araw ng Tag-init. SORBETESSSSSSS! :D –> http://grey24.multiply.com/journal/item/116/Ako_ay_BILOG


  56. sardonic nell Said,

    hello LP. alam mo bang muntik ko ng makalimutan, akala ko kasi eh bukas pa eto. palibhasa eh delayed ang utak ko ng isang araw. hahaha! at ang ganda ng kuha mo hah, akala ko nong una eh bola ng jackstone. naaalala mo pa bang laruin yon? hehehe :blah:

    at eto naman po ang aking larawan para sa litratong pinoy:

    http://sardonicnell.wordpress.com/2008/04/03/litratong-pinoy-1-ako-ay-bilog/

    maraming salamat, mwaaah :beh:

    sardonic nell’s last blog post..christine Said,

    Nakakahiya pero ako ang pinakahuli. :( Pilitin kong maging maaga sa susunod na pagkakataon! :)

    Sana ay mapadalaw kayo: :)

    http://strawberrygurl.com/2008/04/04/lp-1-ako-ay-bilog/

    christine’s last blog post..LP 1: Ako Ay Bilog


  57. bluep Said,

    Gandang araw po sensya na po at delayed ang entry ko. ipopost ko po sya mamaya gabi tapos maglilibot din ako sa lahat ng LP members. kagagaling ko lang po kagabi sa bakasyon eh medyo sobra po ako napagod sa byahe kaya di ko naihabol kagabi. mamaya po gabi ipopost ko na yung sa akin

    bluep’s last blog post..A new way in looking for an online date


  58. MARU Said,

    bagong salta lang po ako sa grupo. maraming salamat sa pagtanggap sa akin. biyernes pa lang naman ngayon kaya siguro…eksyus ang mahuli ng isang araw. :D

    eto po ang entry ko: http://www.maruism.com/2008/04/04/litratong-pinoy-1-bilog/

    MARU’s last blog post..Litratong-Pinoy #1 - Ako Ay Bilog


  59. jennyL Said,

    Kakasali ko lang kanina pero nag post na rin ako ng entry ko kahit sobrang huli na, d bale diba…Pakitingin na lang ng kuha ko sana magustuhan nyo. Nga pala maganda ang pagkahuha mo sa huling litrato…salamat


  60. geisha Said,

    ang cute! makasali nga :D
    geisha’s last blog post..tribute to my baby angel


  61. bluep Said,

    gandang gabi. at last, my entry is up for LP

    bluep’s last blog post..Bilog ang Mundo


  62. Lynn Said,

    Kaba-blog hop ko nakita ko ang site na ito. Mahilig talaga akong kumuha ng litrato kaya sasali ako rito sa isangg linggo. Mahilig akong sumali sa photo hunts. Mukang masaya rin ‘to. Pinoy Power! Grab ko na yung buttons para dito.

    Lynn’s last blog post..Glass


  63. jeprocks Said,

    Perlas na bilog wag tutulog tulog, LP me bilog na ako… sabi mo kasi bilog e http://jeprocksdworld.com/lp-entry-bilog/


  64. manilenya Said,

    sa wakas nakapagpost din ng asaynment lol!

    manilenya’s last blog post..Bilog


  65. ces Said,

    ako rin ako rin! kakasali ko lang! ang saya!

    Ces’ BILOG


  66. master Said,

    Maari po bang sumali, mayroon na akong isang lahok para sa kategoryang bilog at nailagay ko na rin ang link sa aking blog.

    master’s last blog post..Bilog

    L.P.: MAARI PONG SUMALI AT MA-APRUBAHAN BASTA LAMANG PO SUNDIN NINYO ANG NASASAAD SA PAHINANG: IMPORMASYON ATBP. Salamat.


  67. manilenya Said,

    lol! nag paalam pa si MB sige sali lang ng sali wala namang taya e lol!

    manilenya’s last blog post..Bilog


  68. Aggie Said,

    Late ako, pero meron na ako litrato, sinama ko sa Week 2 :)
    http://www.aggietha.com/2008/04/09/litratong-pinoy-2/


  69. maver Said,

    Ito po ang aking unang akda para sa LP:

    http://maver.wifespeaks.com/2008/04/bilog.html

Mag-iwan ng Komento

Paalala: Hindi po kailangan na ulit-ulitin ang pag-iwan ng komento. Salamat po.

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word