Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko
Bago ang lahat, SA MGA HINDI PO NAKABASA NG MAHALAGANG ANUNSIYO, PAKI KLIK LAMANG PO ITO.
————————————————————-
Kumusta ulit kayong lahat? Huwebes na naman, oras na naman ng kasiyahan sa Litratong Pinoy! Alam kong iba sa atin ay excited na talaga (to borrow your own word) kaya simulan na natin!
Unang larawan, ito ang tatsulok ng aking tripod. Fresh na fresh pa kasi kani- kanina ko lang kinunan ng larawan. [First photo is the 3 corners of my tripod, just photographed it a while back.]

Ito naman po ang silya namin sa kusina na hindi naman nagagamit ng husto dahil mataas sya (hanggang bewang ko) bar stool kasi sya. Kanina ko lang din ito kinunan ng larawan at medyo nahirapan dahil mataas nga at kinailangan ko pa tumuntong sa aming hagdan. Sayang at hindi ko maitago yuong itim na mga paa sa anggulo. [While this is our bar stool in the kitchen which isn't often used because it's quite high just about waisthigh. Shame that I wasn't able to hide the black legs. I used the stairs to capture it.]

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!
Posted under L.P.

Naisip ko ding kuhanan ang tripod mula sa ilalim. Maganda ang concept ng mga larawan mo, Maligayang Huwebes.
Em Dy’s last blog post..Detalye
my tatlo ang sulok reporting…
gusto ko ang kulay mala keso.
maligayang huwebes po sa lahat!
mousey’s last blog post..LP- Tatlo ang sulok ko
Ay ang galing nung barstool! Sa akin naman bubong ang larawang napili ko para sa Huwebes na ito
she’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#2 - Tatlo ang sulok ko
Hindi ko naisip yang tripod. Ok! Up na ang aking entry
Bahchi’s last blog post..LP: Tatlo ang sulok ko
Nakapost na ang aking tatlong sulok na larawan!
Adie’s last blog post..Coming from a large family
Andun na ang aking entry… Magandang Huwebes ng umaga!
Pillow’s last blog post..Litratong Pinoy - Circle
napakaganda ng ng salumpwet :happylol:
gandang huwebes sa lahat. bago ako matulog i-popost ko na ang aking lahok para sa linggong ito. http://jeannycdj.com/2008/04/10/lp2-tatlo-ang-sulok-ko/
tulog na muna ko…bukas na lang ulit.
Jeanny’s last blog post..LP#2: tatlo ang sulok ko
Napakagandang mga larawan!
An g aking tatsulok ay kakaiba, bukod sa mahabang kwento, walang tahasang tatlusok ang makikita
Tatsulok
Bukas ng hapon ako dadalaw sa mga blag. Maraming salamat po.
julie’s last blog post..Sulyap sa Tatsulok sa Pilipinas
ay oo masakit nga yan sa wetpu…pero ayos ang design, pag ako bibilhin ko din, not for comfort but for the style, haha. ngek parang kakahiya naman ang tatsulok ko, huhuhu :blah:
Meron akong litrato ngaung linggo
http://www.aggietha.com/2008/04/09/litratong-pinoy-2/
Hindi ko alam kung tama ang aking pinaggagawa. Pagpaumanmahin ninyo.
Eto ang tatlong sulok na aking nasulyapan sa tuktok ng bundok:
http://fotorista.eyefetch.com/blog.aspx?post=53343
Maganda yong upuan. Meron na rin akong talong sulok. Bibisitahin ko ang inyong mga larawan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga (oras dito, GMT+3). Biyernes kasi ang araw ng pahinga dito.
http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-tatlo-ang-sulok-ko.html
nina’s last blog post..What Do You See?
Buhay na buhay ang dilaw na “background” ng tripod - ang ganda ng pagkakakuha! Gusto ko rin ang ideya ng mga upuang tatsulok na ipinagdikit-dikit upang makabuo ng isang bilog.
“Cinderella Hour” na dito sa kaharian - ibig sabihin ay nai-post ko na rin sa wakas ang entry ko ngayong linggo– yehey! Dadalaw na rin ako sa mga katotong LP - ang saya!
Magandang Huwebes sa lahat!
Pinky’s last blog post..LP #2: Tatlo ang Sulok Ko
Isang ma-”kodak” na umaga sa lahat!
Lubos akong nagagalak at ako’y tinanggap na rin bilang “probationary” na miyembro ng LP - nawa’y tanggapin niyo ang aking mga “munting alay” sa susunod na dalawang linggo upang ma-permanent naman ako…
Ms Admin, napakamalikhain naman ang pagkakakuha ng iyong mga larawan. Napagandang bungad sa aking opisyal na linggong paglahok sa LP.
Clicking Away’s last blog post..LP001 - Tatlo Ang Sulok Ko
mukhang mahirap nga upuan ang stool na yan dahil mataas. gusto ko yung concept sa tripod.
magandang thursday!! 
christine’s last blog post..LP 2: Tatlong Sulok
ayos, mainit init pa, kakapost ko pa lang para sa tema ngayon… :happylol: .
ganda ng kulay ng shot sa tripod, ayos din ang grain ng wood sa barstool…
lino’s last blog post..tatlo and sulok ko…
Ayos naman ang shot ng tripod…Kaka-post ko lang ng unang entry ko.
ang ganda ng iyong pagkakuha ng mga litrato, lalo na ng upuan… halo-halong mga hugis ngunit nangingibabaw ang apat na may tatlong sulok!
magandang huwebes sa inyong lahat!♥
lidie’s last blog post..LP #2 :: Tatlo ang Sulok Ko
ang ganda naman ng pagkakuha, ang mga simpleng bagay ay nagiging sopistikado sa galing ng iyong paglitrato. Ang aking tatsulok ay handa na…tama huwebes na naman at tuloy ang ligaya. Magandang araw ng kasiyahang LP!
Sa mga hindi ko po nabisita ng nakaraang linggo pasensiya na po at medyo may kahigpitan ang browser dito sa bansang aking kinalalagyan lalo na po kayMEEYA, PINKY at iba pa. paumanhin
nona
http://myfreehand.info
syempre hindi na ko nagulat na ang galing ng entry mo!!
i always look forward to your photos! galing!!
nakapag-post na ako
huwebes na ulit! sarap tingnan ng mga kakaibang interpretasyon ng tatsulok…. meron na rin akong entry: http://linnor.marikit.net/2008/04/10/tatlo-ang-sulok-ko/
Linnor’s last blog post..Tatlo ang Sulok Ko
wow..super linaw ng pagkakakuha ng tripod..
mala retro ang upuan..
eto po ang sa akin..
di ako sigurado kung makikita ang tatsulok, pero sana..
http://revolutionmotion.com/?p=832
Wow ang galing ng pagkakakuha both. Ganda ng blending ng mga kulay. Magandang araw po! Ito po si Ambo reporting para sa Litratong Pinoy ngayong linggo! hehehe.
Maaari din po kayong bumisita sa aking bahay.
Nota: Sa mga nagnanais na dumalo sa Blogging Summit ngayong Sabado sa UP, kasama po ang Photo Blogging sa mga itatalakay.
Mabuhay tayong lahat!
Ambolicious
Ambo’s last blog post..Litratong Pinoy Week#2 : Tatlo Ang Sulok Ko
magandang araw! sasali pa lang po ako. sana tama itong ginawa ko.
halika! bisita ka sa aking blog para makita mo na rin ang aking tatsulog entry
bb. admin, ano’ng tabing/background ang ginamit mo sa tripod? ang lamig sa mata ng kulay eh. galing!
LP: DILAW NA KARTOLINA LAMANG PO =)
Magandang huwebes sa inyong lahat!
Ito ang aking unang lahok, sana ay mkasali at makasama kyo lagi sa aking mga likha!
Eto ang aking tatlong sulok:
http://edsnanquil.com/?p=559
mabuhay! maganda na naman po siyempre ang mga larawan dito sa website ng litratong pinoy. magtataka naman ako kung hindi maganda.
naipost ko na po ang aking mga lahok para sa linggong ito. halos 1:30am na ngayon dito sa texas. matutulog muna ako at magiipon ng lakas para sa matinding pagbabloghop mamaya. tulog muna po ako.
maligayang huwebes sa lahat!
Munchkin Mommy
Mapped Memories
munchkin mommy’s last blog post..LP #2: Tatsulok
Maganda Huwebes sa inyong lahat! Uy ha, may mga bagong kasali, masaya na naman ito! :love:
Eto na ang aking tatlong sulok na akda, sana madalaw nyo….at dadalawin ko kayong lahat umabot man ng buong isang linggo, peksman! :beh: ang dami na kasi natin eh ha ha!
Thesserie’s last blog post..LP 2: Tatsulok
Unang beses ko pong sumali dito.
http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-tatlo-ang-sulok-ko.html
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Tatlo Ang Sulok Ko
ang aking tatsulok..
http://alphadf.com/2008/04/10/lp-tatlo-ang-sulok-ko/
alpha’s last blog post..Win $200 and more this August!
Ayy oo nga, ang tripod - bakit kaya di pumasok sa isip ko yun? heheeh.
Ang gara naman ng bar stool mo!
Naka-post na rin pala ang tatsulok ko
sorry po,late na yata ako,but it’s better to late than never.
dito na po ang post ko.
http://pixelminded.wordpress.com/2008/04/10/litratong-pinoy-tatlo-ang-sulok-ko-i-have-three-corners/
ang ganda ng upuan, parang galing IKEA hehehehe.
kaka-post ko lang ng tatsulok ko. gandang huwebes sa lahat!!
four times a triangle equals pyramid
kainggit tuloy lalo. hahaha
Inggiterongkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0815 | Tatlo ang sulok ko
naalala ko ang paborito kong pagkain, ang Pizza Pie hehe.
Mine is up mga kapatid!
bluep’s last blog post..Presenting the OTWOMD custom t-shirt merchandise
oops mali ata ang ang comment luv hehe
eto nalang po ang url
http://bluepanjeet.net/944/tatlo-ang-sulok-ko-iisang-bangka-tayo/
bluep’s last blog post..Presenting the OTWOMD custom t-shirt merchandise
Magandang Huwebes sa inyong lahat! Nai-post ko na din po ang entry ko para sa linggong ito.
Huwebes na rin dito! kami ba ang huli???
di bale nakahabol rin
tatsulok
stel’s last blog post..tatsulok (triangle)
ako’y uupo… tapos na po http://jeprocksdworld.com/lp-entry-3sulok/
jeprocks’s last blog post..LP entry : 3sulok
ang galing naman! ganda ng bar stool ha?
ito po ang aking lahok ngayong linggo humabol din ako para sa nakaraang linggo :l:
http://wifeynibangis.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy.html
magandang huwebes po!
bb lp, kung hindi mo sinabing dilaw na cartolina lang yan, tatanungin sana kita kung may studio ka sa loob ng iyong bahay.
as usual, pangmalakasan na naman ang iyong mga litrato.
ang aking mga lahok naman sa LP ay naka-paskil na rin po. salamat!
MyMemes: Tatsulok
MyFinds: Tatsulok
Meeya’s last blog post..LP02: Tatsulok
ay sorry po, mali ang link ng isa kong lahok, hehe.
eto na po ang tama: MyFinds. chalamat!
Meeya’s last blog post..LP02: Tatsulok
Gusto ko yang bar stool mo. Nag-blend ang kulay o finishing sa sahig.
Lynn’s last blog post..Tatsulok
maligayang bati po sa lahat. may isang oras pa, muntik na naman ako mahuli hehe
Nakupo. Muntik ko na ring kumuha ng larawan ng tripod. Buti na lang at sumilip muna ako dito sa LP para matingnan kung nagsimula na yung iba. Nahirapan ako dito sa paghanap at buni na lang hinalungkat ko yung lahat ng larawan sa aking kompyuter.
Eto po yung una kong lahok. Isa pa at sana’y makasama na sa opisyal na miyembro ng LP.
http://lifeisjunk.eyefetch.com
hello po! sabi nga “it’s better late than never” am catching up guys. sana mabisita nyo ang entry ko this week. mahirap hanapin ang tatlong sulok ha! hehehe
sunshine’s last blog post..LP # 2 - Tatlo ang Sulok Ko (3 Corners)
isang magandang madaling-araw sa iyo, Bb. LP, at sa lahat nang ating mga katoto! ipagpaumanhin po na nahuli nang mahigit isang oras ang aking lahok para sa linggong ito… ito po’y inyong mabibisita sa http://jacababes.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html
pasenya na po at ginanahan akong maglagay nang kaakibat na kwento (nobela?) sa aking “mga” tatsulok!
at para naman sa iyong mga larawan, ang ganda at tingkad nang kulay sa background ng iyong tripod! wagi at kakaiba rin ang iyong konsepto nang tatsulok ~ lalo pa dun sa bar stool ninyo, hehehe. at syempre pa, kay gagaling nang pagkakuha mo nang iyong mga litrato.
matutulog po muna ako at pagka-online ko ulit mamayang hapon o gabi ay siguradong tuloy ang pagba-bloghop ko sa ating mga ka-LP. mabuhay tayong lahat!!!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #2: Tatlo ang sulok ko
Unang beses kong sumali pero nag post ako ng para sa linggong ito pati na nung isang linggo. Mukhang masaya ito. Salamat!
Joy’s last blog post..Litratong Pinoy:Ako ay Bilog/Tatlo ang Sulok Ko
i love the photos, lalo na yong yellow ang background — paborito kong kulay yan! and yong silya, i wonder kong mag-mamarkang “x” yan sa aking behind kong upuan ko sya. heheheh :blah:
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo Ang Sulok Ko
will try tomorrow dear. am here in abacos bahamas… too many beautiful scenery to take photos of..
but at night i have only darkness and the sound of the atlantic sea …..
pagpaumanhin nyo po at napakabagal ng koneksyon ng aking internet sa bahay dahil andami namin naka-konek! hanubayan.. ;( ngaun pa lang ako makakapag post ;(
ako po ay isang baguhan sa paglahok dito kaya ipagpaumanhin nyo po kung ako’y nangangapa… naengganyo ako sa pagsali kasi naaaliw po ako sa kakaibang diskarte ninyo.
nahuli po ako pero hinabol ko din po yung tema nung nakaraang linggo… puede nyo pong tunghayan ang aking mga larawan dito :
http://littlekitestudios.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-ang-pinagmulan.html
Salamat!
Yeheeeeey! Na-post ko na din LP#2 ko! *napa-tumbling sa tuwa* hehehehe! Ang ganda nun konsepto nun tripod! Tatlong sulok nga di ba! Ang ganda pa ng anggulo ng pagkakakuha sa litrato.
Bisitahin nyo din un litrato ko kahit nakakalungkot na hindi makapag comment ang iba dahil nga Multiply ang gamit ko ;( waaah..
http://grey24.multiply.com/journal/item/118/L.P._2_Tatlo_ang_Sulok_Ko.
Nakaka-adik ang Litratong Pinoy!!!
Galing natin!
ang ganda ng mga photos
ang akala ko sa mga upuan ay mesa hehehe
up na po ang aking entry. kahapon pa, kaya lang hindi ako nakapag-libot-libot sa mga ibang miyembro dahil may emergency ako kahapon
Dyes’s last blog post..LP # 2 - Tatlo Ang Sulok Ko
sa next week na ako makakasali dahil di ako nakaabot nung huwebes..
nais ko rin pong sumali sa LP. narito po ang aking akda http://sakura-tattoo.blogspot.com/2008/04/lp-1-bilog-at-tatsulok.html .
pagpasensyahan ang litrato sa aking unang akda. kuha lamang ito sa aking cellfone camera at may katagalan na ang litrato. sana sa susunod na tema makakuha ng litrato sa aming iba pang stock photos.
maraming salamat!
kaye’s last blog post..LP #1&2: Bilog at Tatsulok
sayang di ako naka-abot …sa susunod na huwebes na lamang… :happylol:
dview’s last blog post..Dining out!
gusto ko yung shot ng bar stool. nag isip ako agad kung paano mo nakunan eh ang taas ng bangko na yan. kala ko nga umakyat ka pa ng kisame. joke! hirap nun ha!
halatang ang gaganda ng mga camera ninyo, mga kapatid. ako hanggang ngayon ay nakikihiram pa rin sa kapitbahay.
eto naman ang hirit ko sa linggong ‘to.
http://www.maruism.com/2008/04/11/litratong-pinoy-2-tatlo-ang-sulok-ko/#comment-4534
MARU’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo Ang Sulok Ko
astig yung kuha mo ng silya. at yung tripod din
sana pumasa ang kuha ko ng tatlong sulok.
ris’s last blog post..Pating [Litratong Pinoy]
ang sarap sa mata ng kulay na dilaw. kakaiba din ang upuan. mas type ko syang pagmasdan kesa upuan.
Waaah, tripod, hehe:D Gusto ko kasi bumili ng Gorillapod kaya lang ala akong pera. Tas yung silaya namam, parang xmen emblem, hehe. Gusto ko yung mga silyang matataas:)
Late nga pala ako sa entry ko, sensya.
tunay na tunay na napakasaya nito ginang admin! sa katunayan ay nagimbita pa ako ng kaibigan na lumahok sa susunod…
ito na po ang aking lahok…
spiCes
salamat!
Kaygandang isipin at nakagagalak ang ganitong klaseng blog, lalo na at ito ay likha nang isang Filipino… Sa tingin ko ay isa itong paraan upang makilala ang ating talento sa larangan nang potograpiya… Isa itong oportunidad sa ating mga Filipino na ipagmalaki at ibahagi ang ating sariling komposisyon at emahinasyon sa paglikha nang isang masasabing sining na ang paraan ay ang pag gamit nang ating sariling kamera…
Naway maging ganap narin akong miyembro nito at para sa mga naka-isip at lumikha nito… Mabuhay kayo at mas lalong maging matagumpay ang blog na ito…
Gumagalang,
Ang gandang kombinasyon ng itim at dilaw na kulay tulad noong sa tri-pod at pati na sa ikalawang litrato na maging ang background at subject ay parehong gawa sa kahoy… Sadyang kay galing-galing…
Gayunpaman, ito po ang aking unang lahok sa kasayahang ito…
http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-2-tatlo-ang-sulok-ko.html
Hanggang sa muli po…
napakaganda at lubos na nakakaaliw ang adhikain ng Litratong Pinoy. Nasa pahina ko na ang unang lahok ko. Nawa’y bumilis ang takbo ng panahon (tulad ng sabi ng ating administrador) upang maging isang ganap na miyembro na ako.
Magandang araw! Bago pa lamang akong natututong kumuha ng litrato. Nais ko pong lumahok dito upang matuto mula sa mga miyembro at makakuha rin ng mga ideya sa pagkuha.
Tulad nito, hindi ko agad naisip na ang mismong tripod ay maaaring kunan. Ang ganda pa ng komposisyon at ng kinalabasang kulay.
Ito po ang aking unang ilalahok. Sana makasali ako sa grupong ito. Salamat!
http://anakathy.wordpress.com/2008/04/13/loving-cheesecake/
Ang ganda ng tripod mo.
Ngayon lang ako nag-post. Salamat. Pinagsama ko na sa isang post ang dalawang tema (bilog at tatsulok)
Salamat
Kaye’s last blog post..Litratong Pinoy 1 & 2: Bilog & Tatsulok
mahusay ang iyong naisip na larawan para sa paksa ngayong linggo.
narito naman ang lahok ko:
http://waltzco.multiply.com/journal/item/3/Litratong_Pinoy_2_Tatlo_ang_sulok_ko
maganda ang mga kuha ninyo, naku naisip ko tuloy bumuli ng sarili kong tripod pag uwi ko para d magalaw ang mga kuha ko. Sensya na po huli na yata ang lahok ko di bale sa susunod na linggo sisikapin kong d mahuli..
eto po entry ko http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-2-tatlo-ang-sulok-ko.html
maari po bang matanong kung anong lighting ang ginamit dun sa tripod?
-LP: NATURAL NA SINAG NG ARAW LANG PO, KONTROLADO NG BLINDS NA NAKATABING SA BINTANA.
to all - pasensya na po at di ko pa napupuntahan ang karamihan ng mga entries. medyo masyado lang pong busy sa ngayon. pangako po ako ay dadaan sa mga susunod na araw.
eto na po ang aking entry sa lingong ito.
simplymuah’s last blog post..Litratong Pinoy : Tatlo ang sulok ko.
LP:
eto po ang una kong entry at gusto kong sumali sa grupong ito. gusto kong subukan ang aking kakayahan sa pagkuha ng mga larawan.
eto po ang link: http://haze-unplugged.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html
salamat!
haze’s last blog post..LP # 2 Tatlo ang sulok ko
ate!!! homaygad. ipagpatawad mo po ang aking, uh, lapse. sa totoo lang, hindi po talaga siya lapse. may rason po kung bakit inabot ng isang siglo ang aking post. (baka kutusan mo ako kasi walang kwenta ang rason ko. wag po!!)
hindi na po mauulit (sana). panata ko yan sa iyo, at tutuparin ko sa lubos ng aking makakaya.
LP: ha ha ha! tita, wala namang late-late..habol lang! NAKAKATUWA NGA ANG MGA HUMAHABOL PA….BOW ANG L.P. SA INYONG LAHAT!
kumusta po sa lahat. gusto ko po sana sumali sa grupong ito, isa po sa mga paborito kong gawin ang kumuha ng larawan. eto po ang una kong lahok. salamat at maligayang araw sa lahat!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html
yvelle’s last blog post..LP #2 Tatlo ang sulok ko
pwede pa akong sumali? first time ko eh! hehe!
http://etteysnaps.eyefetch.com/blog.aspx?post=53607
i like the backgrd color, goes well with black.
eto naman po ang tatsulok ko - http://kiwipinoy.blogspot.com/2008/04/pasintabi-lang-po.html
[...] ideya sa mga pinagsasasabi ko ngayon-ngayon lang. Pero dahil sa kategorya para sa linggong ito ng Litratong Pinoy ay binuklat kong muli, este, binuklat ko na sa wakas ang aking libro sa [...]
Mag-iwan ng Komento
Paalala: Hindi po kailangan na ulit-ulitin ang pag-iwan ng komento. Salamat po.