LP #5 : MALUNGKOT

April 30, 2008 by admin  
Filed under LP entries

SA MGA NAG-AABANG PO NG LP#5…..MAAGA PONG NATAPOS ANG MAINTENANCE NG ATING WEBHOST AT MAAYOS NAMAN ANG LAHAT KAYA NAPAGPASYAHAN PO NG L.P. NA UMPISAHAN NA ANG KATUWAAN SA HUWEBES NA ITO. SA DAHILANG NAG-IWAN ANG IBANG MIEMBRO NG LINKS SA NAKARAANG AKDA AY BAKA HINDI NINYO MAKITA . AT UPANG MAIWASAN NA MAKALIGTAAN ANG MGA ITO -SIMULAN NA NATIN!

SA MGA NAG-IWAN NA NG KANILANG MGA ‘ENTRY LINKS’ , IWAN SANA NINYONG MULI ITO SA TAMANG COMMENT BOX PARA MADALAW KAYO NG IBANG MIEMBRO.

Pasensya na po sa mga hindi nakabalik ulit matapos ang unang anunsiyo ukol sa maintenance, ipagpaumanhim po ninyo.

- admin

—————————————————————————-

malungkot.jpg

Ikaw ay pirmihang nakatira sa labas ng Pilipinas, hindi maiiwasan na sa iyong muling pag-uwi sa bansang sinilangan ay ganitong lugar ang iyong pupuntahan.

Ina, ama, kapatid, lolo, lola, anak o sino mang mahal sa buhay na kinuha ng Poong May Kapal habang ikaw ay nasa malayong lugar, tanging bato na kung saan nakasulat ang kanilang pangalan ang iyo na lamang matutunghayan.

Masakit sa kalooban? Payapa ba o ligalig ang nararamdaman?

Kalungkutan…ah, malungkot na katotohanan.

Comments

87 Responses to “LP #5 : MALUNGKOT”
  1. farah says:

    sementeryo? sadyang malungkot dun. pero sa kabila ng lungkoy ay kapayapaan…

    eto ang lahok ko sa linggong ito:

    http://www.wifeynibangis.com/2008/05/lp-5-sadness.html

  2. ako’y biglang nalungkot sa iyong larawan. bigla kong naalala ang aking mga mahal sa buhay na yumao na. guess, that means you’re photo serves it’s purpose, dba? great photo ;)

    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot

  3. kaye says:

    magandang araw ng hwebes mga kaibigan.
    medyo nahirapan ako sa paksa ngayon.
    parang ang tanda na din ng puntod na iyong nakunan amin.

    kaye’s last blog post..LP: Malungkot

  4. korky says:

    nakakalungkot nga sa sementeryo kasi palagi mong maalala ang nawala mong mahal na binibisita mo. masaya lang sa sementeryo pagpyesta ng mga patay.

    magandang hwebes, or dapat malungkot ba? :)

  5. yvelle says:

    nakakalungkot na larawan. mqligayang araw sa lahat! simulan na ang pagbisita…

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html

    yvelle’s last blog post..LP # 5 Malungkot

  6. nina says:

    noong nakaraang araw napanaginipan ko ang mga taong malapit sa aking puso na pumanaw na. masaya akong makasama sila kahit sa panginip lang. Maligayang Huwebes :)

    Mayroon na rin akong LP
    http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/05/lp-malungkot.html

    nina’s last blog post..Tierra Maria Estates Hospital Scam is HOAX

  7. Meeya says:

    totoo yan LP, mahirap talaga pag may pumanaw na mahal sa buhay tapos wala tayo dun. :(

    Meeya’s last blog post..LP05: Malungkot

  8. Meeya says:

    ang tanong ko lang bakit kapag araw ng mga patay, ang mga pinoy tila nagp-piyesta sa mga sementeryo?

    MyMemes: LP Malungkot
    MyFinds: LP Malungkot

    Meeya’s last blog post..LP05: Malungkot

  9. matt says:

    Malungkot na araw po nang Huwebes sa lahat… Pagbungad palang sa akin ng litratong inilakip ay kalungkutan na agad ang bumungad at nagbigay paalala sa aking mga mahal na pumanaw… Haaayyy… Gayumpaman ito po ang aking ibabahagi sa ngayon…

    http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/05/lp-5-malungkot.html

  10. alpha says:

    nakakalungkot naman yan..

    eto entri ko. http://alphadf.com/2008/05/01/lp-malungkot/

    alpha’s last blog post..Mommy Tasks.

  11. colby says:

    Masakit sa simula, pero habang nagtatagal, iisipin mo na lang na nasa mas maligaya at mas mapayapang lugar na ang iyong minamahal sa buhay na yumao na.

    Maligayang huwebes sa lahat!

    colby’s last blog post..LP #5 Malungkot

  12. LifeIsJunk says:

    Siguro ito na yung pinaka-ayaw ko na lingguhang akda. Ayaw ko nang litratong malungkot. Pero ang buhay nga talaga ay may takdang kalungkutan. Magandang Huwebes po sa lahat.

    Eto po yung lahok ko http://lifeisjunk.eyefetch.com/blog.aspx?post=54289

  13. ces says:

    haaay! nahirapan ako dito sa temang ito! Kanya naman po nahuli tuloy ako ng pag-po-post! hindi bale…masaya pa rin maski na malungkot ang ating tema ngayong linggo:)

  14. leah says:

    Magandang gabi!

    Maganda ang inyong nakuhang litrato. Talaga nga namang malungkot ang sementeryo.

    Ito po ang aking unang lahok.

    http://asecretplace.wordpress.com/2008/05/01/malungkot-sa-laot/

    leah’s last blog post..LP: Malungkot sa Laot

  15. abby says:

    despite the somber mood of this week’s topic, i hope everyone’s having/had a good thursday. naihabol ko na din po ang entry ko for this week.

    abby’s last blog post..Litratong Pinoy#5: Malungkot

  16. Dragon Lady says:

    ipagpaumanhin po at nahuli na naman ako nang ilang oras!

    tunay na nakakalungkot ang mawalan nang mga mahal sa buhay… at ang sementeryong iyan sa iyong larawan ay nagbibigay-alala sa mga panahong kasama natin sila. gayunpaman, ito rin ay nagpapa-alaala sa atin na sila ay tahimik nang namamahinga at kasa-kasama ang ating Poong Lumikha. :)

    isang magandang araw sa iyo, Bb. LP at sa lahat nang atin mga katoto! maaari na pong bisitahin ang aking mga lahok. salamat po!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #5: Malungkot

  17. Joy says:

    Nahuli po ako ngayong linggo ngunit nakahabol pa rin.

    Malungkot nga po sa lugar na ganyan.

    Joy’s last blog post..LP#5: Malungkot (Sad)

  18. Grey says:

    Nung huling uwi ko sa Pilipinas ay dumalaw din ako sa mga mahal ko sa buhay na namayapa na. Malungkot lagi ang pakiramdam sa lugar ng himlayan pero iniisip ko na lang ang mga magagandang alaala na iniwan nila para naman kahit papano gumagaan na din sa kalooban ko. Meron na din po akong entry. Kung may oras kau ay dalawin nyo na rin at kung sisipagin din naman kau ay pede din naman magkumento. :) Sisimulan ko ang pagbisita sa bawat litratista bukas paggising ko. :) Madaling araw na din kasi ngaun dito.. hehe.. Mabuhay LP!

    http://grey24.multiply.com/journal/item/126/L.P._5_Malungkot

  19. dang says:

    Malungkot ang litratong ito lalo pa at ako’y ulila ng lubos.
    Ito ang aking unang lahok. Binalak ko ng sumali noon pang isang linggo subalit datapwat ngunit! Nawa, hindi pa ako huli!
    Maligayang Huwebes!
    http://dangcharlie.blogspot.com/2008/05/lp-entry-1-malungkot.html

    dang’s last blog post..LP entry #1 – Malungkot

  20. nakakalungkot nga. kinilabutan ako.

    eto na po ang aking pangalawang akda. sana ay maging ganap na ako na miyembro ng grupo.

    http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp5-malungkot.html

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP#5 Malungkot

  21. Tere says:

    Malungkot nga sa sementeryo pero maganda din dito kasi tahimik kung gusto mong magmunimuni. :) Salamat po pala sa pagtanggap sa akin bilang miyembro dito sa LP. Masaya ako sa aking pagsali at sana ay mapahusay ko pa ang aking mga lahok.

    http://www.chartherct.com/2008/05/01/lp5-malungkot/

    Tere’s last blog post..Sky Watch

  22. haze says:

    nakakalungkot nga. lalo na ang mga taong mahal mo ang siyang binibisita mo para maalala ang mga masasayang araw ninyo.

    paumanhin po at hindi ko pa po nagagawa ang tema itong linggo. nagtugma ang tema sa kasalukuyang nagaganap sa akin. wag po mag alala, sa sabado po ako makakalahok.

    magandang araw! bibisita na lang ako sa inyong mga likha.

    haze’s last blog post..first tag of the week! tagged # 11

  23. star says:

    wala na talagang lulungkot pa sa pagkawala ng mahal sa buhay.
    maligayang huwebes sa inyo! sana makabisita kayo sa blog ko.

  24. waltz says:

    nakakalungkot ang mawalan ng mahal sa buhay.
    isang masayang huwebes sa inyong lahat, kahit na nakakalungkot ang tema ngayon. marami pa ring dahilan upang magsaya.

    http://waltzco.multiply.com/journal/item/7/Litratong_Pinoy_5_Malungkot

  25. Nakakalungkot tlga pagmasdan ang himlayan ng ating mga mahal sa buhay. Eto naman ang entry ko – http://silentprincess.philanime.com/?p=68

  26. Neil says:

    Eto ang sa akin, bago lamang ako sasali sa LP, pagpasensyahan po…
    http://www.neilmaranan.com/2008/05/02/lp-5-malungkot/

    Neil’s last blog post..LP #5: MALUNGKOT

  27. haze says:

    ayun! nakahabol din! akala ko bukas ko pa mailalahok ang entry ko. ito ang pinakamadamdaming lahok ko kaya pasensya na kung lubos ng lungkot. angkop naman sa tema ngayong linggo.

    maligayang LP!

    haze’s last blog post..LP# 5: Malungkot

  28. maver says:

    ako’y lubos na nalungkot nang aking maalala ang aking pinakamamahal na tiyuhin. Kakababang luksa lamang nya ngayong abril at ako’y nangungulila…

    maligayang huwebes sa inyong lahat.

    maver
    http://maver.wifespeaks.com/2008/05/lp-5-malungkot.html

  29. MommyBa says:

    Nakangiti sila pero malungkot ang nakaraan…yan ang paksa ng aking lahok ngayong linggo.

    http://yayaba.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-malungkot.html

  30. Vera says:

    http://tanawko.blogspot.com/2008/04/lp-malungkot.html

    magandang gabi! pasali ako. :D (baguhan hehe)

    Vera’s last blog post..LP: Mahal Kong Ina

  31. jules says:

    Gandang Hapon po! Masaya po ako at ako ay litratista na ng LP. Nakalimutan ko palang sabihin ang lugar na aking konaroroonan, Ako po ay nasa Pilipinas. Salamat po!

    jules’s last blog post..Courage

  32. sunshine says:

    mine is just up:
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2008/05/lp-malungkot.html

    i was away last thursday thus i just made my entry now. :)

    Happy Monday!

    sunshine’s last blog post..LP – Malungkot

  33. sunshine says:

    my entry is up:
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2008/05/lp-malungkot.html

    hpe this comment gets thru. i jst made a comment but i can’t see it on now. :(

    sunshine’s last blog post..LP – Malungkot

  34. Kotsengkuba says:

    ang malungkot po ay maaaring sa buwang ito ay liliban muna ang inyong lingkod sa lingguhang litratong pinoy. Ang kabuuan po ng aking blog ay bahagyang may kalungkutan din sa kadahilanang ang inyong lingkod ay abala sa mga bagay-bagay kung kaya’t wala rin akong gaanong ‘update.’ ipagpaumanhin po ang aking pagliban at maging ang aking kakulangan sa pagbisita sa mga ibang kalahok.

    maraming salamat po!

    Kotsengkuba’s last blog post..No Astroboy, Yes Shaolin Masters Fight!

  35. eloise says:

    malungkot man ang pamagat…natutuwa naman ako at napakadami na nang miyembro ng litratong pinoy. nawa makahanap din ako ng oras para makasali dito…sa ngayon kailangan kong makuntento sa pagiging bisita. :D sa aking mga kakilala at kaibigan…isang pagpupugay!!!

    Maglayag!!!

  36. maver says:

    Paluwas galing probinsya
    Paghanap ay pinagtiyagaan;
    Karugtong na lahok para sa LP
    Ang mga sumusunod na larawan…

    http://maver.wifespeaks.com/2008/05/malungkot-pa-din.html

    maver

  37. Willa says:

    naalala ko lang na isang buwan na pala ang ating LitratongPinoy :)

    Willa’s last blog post..I’m thingking….

    OO NGA BINIBINING WILLA…MALAPIT NA MAGING DALAWA! :)

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled