LP #3 "Apat na Kanto"

April 16, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Bago ang lahat, nais po ng Litratong Pinoy na salubungin ng mainit na pagbati ang mga kababayan po nating nagsisali sa kauna-unahang pagkakataon sa nakaraang temang “Tatlo Ang Sulok Ko.” Isang tema na lang at alam nyo na ibig sabihin nuon! Kaya huwag po ninyong kakalimutang ipadala sa aming email ang mga impormasyon na hinihingi upang kayo ay ma-aprubahan at ganap na maging miembro ng L.P.

———————————————————————–

Kumusta na kayo lahat?! Huwebes na naman at oras na ulit ng kasiyahan dito sa Litratong Pinoy! Sana naman ay hindi kayo nahirapan humanap ng larawan para sa Huwebes na ito :-)

apatnasulok.png

Ito ang aking kontribusyon sa araw na ito. Ang Rubiks Cube. Inimbento ni ErnÅ‘ Rubik (Budapest, Hungary) nuong 1974. Pero una ko syang nasilayan nuong taon 1983, kasalukuyan akong nasa ikalawang pamantasan. Isang araw ay nakita kong tahimik sa isang tabi ang isa kong kaklase na todo ang konsentrasyon at pinaiikot-ikot ang isang parisukat na maraming kulay. Sabog-sabog ang mga kulay at madaling makikita na sinusubukan ninyang ayusin ito at pagsama-samahin ang parehong kulay sa tig-isang bahagi ng parisukat. Unti-unti ay dumadami ang mga uzisera at uzisero sa kanyang ‘paglalaro’ ng parisukat pero saglit ay natapos niya ito agad! Namalikmata lahat kami kaya nag-request kami ng encore, muli nyang ginulo ang mga kulay at ipinakita sa amin ang husay nya at bilis sa pagbuo muli nito.

Ako? hanggang palamuti lang ito sa aking keychain. Ikaw, nasubukan mo bang laruin ito?

———————————————————————-

Mga kaibigan may nagtanong po sa amin kung kinakailangan bang ang akda ay isalin sa inglis. Nasa inyo po iyan kung isasalin ninyo sa Inglis dahil alam po namin na kailangan ito sa mga blogs na nagsusulat ng sponsored posts. Kung wala naman po kayong sponsored posts, sa tagalog lamang po ay sapat na. Importante ay mayroon po kayong tagalog na akda.. Salamat!

Comments

84 Responses to “LP #3 "Apat na Kanto"”
  1. mabuhay! miss admin, iyo ba itong binili para sa linggong ito? hee hee! ang ganda ng mga kulay at parang bagong-bago pa talaga! ;)

    magandang araw sa lahat! :D

    Mapped Memories’s last blog post..LP #3: Apat na Sulok (Four Corners)

    LP: LMAO! hindi po, 3 taon ko na syang keychain, lamang ay hindi ko lagi ginagamit, sayang kasi baka masira kaya mukhang bago talaga :)

  2. star says:

    paboritong libangan ko yan, at walang halong pagmamayabang, marunong ako magbuo nyan :) hindi lang isang side ha? ngayon naman ang pinag-aaralan ko ay iyung 4X4 na bersyon nyan. masakit sa ulo.. kaya hayaan na muna nating 3×3 lang ang kaya ko.

    maligayang huwebes mga kaibigan! tara, daan kayo sa blog ko para sa aking 4 na kanto. kitakits doon :)

  3. iska says:

    ako ay baguhan pa lang pero ang saya! salamat kay ces :-)
    hanggang sa susunod uli!

  4. teys says:

    naku, ang dami na, ang saya-saya! kahit di pa ako aprub, sasali pa rin akong talaga. :) narito ang aking lahok

    http://littlekitestudios.blogspot.com/2008/04/lp4-apat-na-kanto.html
    :)

    teys’s last blog post..LP#4 – Apat na kanto

  5. abby says:

    hanggang isang side lang din ang kaya kong i-solve dyan, pagkatapos nun tigil na. :)

    my post is up na din. happy thursday!

  6. korky says:

    gusto ko din yan nung bata ako pero di talaga ako nakakabuo. :)

  7. MARU says:

    naka! pang mahigit 50 na ako. ang bibilis talaga ng mga kapatid ko sa LP. :D rubiks – ok yan pampalipas oras. yan ang kinakalikot ko noon lalo na pag nasa airport ako.

    MARU’s last blog post..LP #3: Apat Na Kanto

  8. Dragon Lady says:

    nakakatuwa naman ang lahok mo, ang daming apat na kanto bukod sa makulay pa ito! nakapaglalaro rin ako nang rubik’s cube noong aking kabataan. :) narito na rin po ang aking lahok sa linggong ito. :D

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #3: Apat na kanto

  9. mousey says:

    huli na pala ako!

    kaya eto hinabol ko ang aking kanto.

    isa yan sa mga kinabaliwan ko noong araw heheh…

    ganda ng pagkakuha mo.

    maligayang huwebes sa lahat!

    mousey’s last blog post..LP- Apat na Kanto

  10. Meeya says:

    uy maraming apat na kanto ito, hehe. ang ganda, makulay. :) may love-hate relationship kami ng rubiks cube eh. hindi ako marunong, pero gusto kong matuto :) magandang huwebes mga frends! :)

    MyMemes: LP Parisukat
    MyMemes: LP Parisukat

    Meeya’s last blog post..LP03: Parisukat

  11. Jeanny says:

    Gandang gabi sa lahat. Ang gandang larawan ng rubiks cube yan.

    Ang aking 4 na sulok ay na ipost ko na po

    Jeanny’s last blog post..LP#3 Apat na Kanto

  12. Jacq says:

    Ako po ay huli at ito po ang aking entry: http://purplecolourz.com/?p=1196 sana po ay mabisita ninyo…

  13. colby says:

    sana po makahabol pa ang entry ko. magandang gabi! =)

    http://strangebyday.blogspot.com/2008/04/lp-3-apat-na-kanto.html

    colby’s last blog post..LP #3 Apat na Kanto

  14. alpha says:

    ang galing ng pagkaptyur mo sa rubik’s kyub. eto piktyur ko http://alphadf.com/2008/04/17/lp-apat-na-kanto/

    alpha’s last blog post..World Wide Links.

  15. incoherent says:

    Sige, di na ako magrereak sa litratong kuha ng mayuming Bb. LP. Parati namang maganda eh. Hmp. :-P

    Di nga, maganda nanaman siya, as useless. Hehehe! Maligayang Huwebes sa inyong tanan!

  16. Joy says:

    Naku, never akong natuwa sa laro na yan. Wala akong tyaga eh.
    Ganda ng kuha mo. Eto litrato ko.
    http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoyapat-ng-kanto.html

    Joy’s last blog post..Litratong Pinoy:Apat ng Kanto

  17. LifeIsJunk says:

    Nakow, mukhang late ako maka-post ngayon. At saktong patapos ang Huwebes, ay Biernes na nga pala dito. Tsk tsk tsk…kaka-post ko lang po at muntik ko nang nakalimutan ko yung akda ngayong linggo. http://lifeisjunk.eyefetch.com

    Last year ko pang ninais makakuha ng Rubik’s cube pero ang hirap maghanap ng orihinal na gawa. Tsaka medyo di rin ako makabili dahil parang di ako kampante na mabubuo ko sya. Hahaha! galing ng kuha LP! Yung DOF at ang sharp ng kuha.

    Magandang Huwebes! Bukas na ako bibisita sa mga kasamang kalahok, antok na ko :(

  18. fotorista says:

    Pahabol ako. (inaatake na naman kasi ako ng katamaran kumuha ng larawan).
    Pero eto na ang aking parisukat: http://fotorista.eyefetch.com/blog.aspx?post=53693

  19. as always, you have shared with us some wonderful photos. ang galing-galing mo sobra! ay tungkol naman sa rubik cube na yan, for some reason eh never ko syang nabuo. malamang dahil wala akong pasensya, hahaha :blah: thank you for sharing this lovely photos :happylol:

    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #3: Apat Na Kanto

  20. Grey says:

    Ku-LATE-lat na naman ako :(

    Ang galing ng kuha sa Rubiks Cube!!! Lalong tumingkad ang kulay dahil sa background. Sabi nila mga henyo daw ang mga mahilig sa Rubiks Cube kasi ginagamitan din ito ng stratehiya at pag-iisip. Naalala ko tuloy un pelikula na Pursuit of Happiness. Meron tagpo doon na kinukumbinse ng bida un boss para i-hire siya sa trabaho at sinabi nya (noong nasa loob ng taxi) na kaya daw nya mabuo ang Rubiks cube sa loob ng 10 minuto or less ata, basta un.. hehe.. namangha un boss. :)

    Na-post ko na din ang aking kontribusyon sa linngong ito. Sana ay mabisita nyo din! :) Multiply nga lang ang site ko kaya pasensya na po sa hindi makapag komento :(

    http://grey24.multiply.com/journal/item/119/L.P._3_Apat_na_Kanto

    Maligayang Huwebes!!!

  21. G_mirage says:

    Opo, nilalaro ko ito hanggang ngayon sa bersyon ng 3×3 at 2×2…at ngeenjoy din ang mga kuting sa pagsubok na buuin ang magkaibang bersyon… =) Makulay at maayos ang bokeh ng iyong litrato! Magandang madaling araw— :happylol:

  22. yvelle says:

    magaling! sana naman ay hindi pa ako late..eto naman po ang aking larawan. salamat at maligayang araw sa lahat!
    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/

    yvelle’s last blog post..LP #3 Apat na Kanto

  23. haze says:

    gusto ko lang ipahiwatig ang aking pasasalamat sa inyong pag tanggap sa akin.

    maligayang biyernes sa inyo! =)

    haze’s last blog post..bad drivers should be hanged

  24. farah says:

    hehee.. di kaya ng powers ko bumuo ng rubiks cube pero naaaliw ako sa kulay nya :blah:

    ito pala yung entry ko this week :beh:

    http://wifeynibangis.blogspot.com/2008/04/lp-2-four-corners.html

  25. eli says:

    napakaganda naman ng site na ito. pers time ko po mapasok dito..hehe. sana isang araw makapagcontribute din ako. salamat! mabuhay ang litratong pinoy!

    eli’s last blog post..Nasaan ang Kanin?

  26. waltz says:

    nakabuo na ako niyan minsan… habang binabasa iyung manual… hahaha…
    ito ang lahok ko sa linggong ito: http://waltzco.multiply.com/journal/item/5/Litratong_Pinoy_3_Apat_na_kanto

  27. kaye says:

    magandang araw!
    sana abot pa ako sa tema ngayong linggo.

    nakagiliwan ko din ang rubiks cube. left-left-down-right-right. nasaulo ko dati kung paano ang steps para makabuo. pero nakalimutan ko na din. at wala na akong balak na araling muli. :P pero parang nakaka-aliw din ang mga bagong rubiks ngayon na di na lamang 3×3. pero dudugo na utak ko sa mga yon. iba na lang na libangan. :D

    kaye’s last blog post..Tanawin mula sa “Passenger Seat”

  28. G_mirage says:

    Salamat po sa mabilis na pagtanggap! Nagulat ako ng sinilip ko ang listahan ng mga Litratista! Mabuhay po anf mga Litratistang Pinoy!

    http://mirageasusual.blogspot.com/2008/04/lp-3-apat-na-kanto.html

  29. Buge says:

    Nasubukan ko na ding laruin iyan. Pero hindi ko pa siya nabuo lahat… siguro hanggang kalahati lang ng bawat kulay.

    Sorry po at nahuli ako ngayong linggo… pero ika nga nila ay huli man at magaling din ay maihahabol din. Eto po ang aking larawan

    http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-apat-na-kanto.html

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Apat Na Kanto

  30. caryl says:

    Ang ganda ng kuha. LItaw na litaw ang kulay ng rubiks cube.

    Ngapla, ito ang unang beses ng aking paglahok sa Litratong Pinoy. Nahuli man ako sana ay habol pa din, hehe… eto po ang aking larawan sa linggong ito:

    LP: apat na kanto

    Maraming Salamat at mabuhay ang Litratong Pinoy. :)

  31. sunshine says:

    sorry am sooo late. but better late than never –
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-3-apat-na-kanto-4.html

    thanks for visitng my humble 4 cornered-entry.

    talking about that rubrics cube game — wala akong patience nyan and never ever ako naka perfect nyan. i guess not just my forte. hehehe

    sunshine’s last blog post..Litratong Pinoy # 3 – Apat na Kanto (4 Corners)

  32. kiwipino says:

    danda naman ng pik!

    salamat sa internet, dahil kung wala ito ay di ko maso-solve ang rubiks cube. baka abutin nako ng pagtanda at mamuti na lahat ng buhok ko ng kakaisip.

  33. Tere says:

    Kamusta po! Eto po ang unang beses kong sumali sa Litratong Pinoy at sana kahit huli man ay makakasali pa rin para sa tema sa linggong ito.

    Mahilig kaming magkakapatid maglaro ng rubiks cube noong kami’y mga bata pa. Namiss ko na nga yung laro pero di ako kasing bihasa sa paglalaro nyan kumpara sa mga kapatid ko. :)

    Tere’s last blog post..WW: Black and White

  34. kiwipino says:

    14….14 na apatan ang sulok ang nakikita ko, hahahaha (tawa ni “the count” ng sesame street)

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled