LP #3 "Apat na Kanto"
April 16, 2008 by admin
Filed under LP entries
Bago ang lahat, nais po ng Litratong Pinoy na salubungin ng mainit na pagbati ang mga kababayan po nating nagsisali sa kauna-unahang pagkakataon sa nakaraang temang “Tatlo Ang Sulok Ko.” Isang tema na lang at alam nyo na ibig sabihin nuon! Kaya huwag po ninyong kakalimutang ipadala sa aming email ang mga impormasyon na hinihingi upang kayo ay ma-aprubahan at ganap na maging miembro ng L.P.
———————————————————————–
Kumusta na kayo lahat?! Huwebes na naman at oras na ulit ng kasiyahan dito sa Litratong Pinoy! Sana naman ay hindi kayo nahirapan humanap ng larawan para sa Huwebes na ito

Ito ang aking kontribusyon sa araw na ito. Ang Rubiks Cube. Inimbento ni ErnÅ‘ Rubik (Budapest, Hungary) nuong 1974. Pero una ko syang nasilayan nuong taon 1983, kasalukuyan akong nasa ikalawang pamantasan. Isang araw ay nakita kong tahimik sa isang tabi ang isa kong kaklase na todo ang konsentrasyon at pinaiikot-ikot ang isang parisukat na maraming kulay. Sabog-sabog ang mga kulay at madaling makikita na sinusubukan ninyang ayusin ito at pagsama-samahin ang parehong kulay sa tig-isang bahagi ng parisukat. Unti-unti ay dumadami ang mga uzisera at uzisero sa kanyang ‘paglalaro’ ng parisukat pero saglit ay natapos niya ito agad! Namalikmata lahat kami kaya nag-request kami ng encore, muli nyang ginulo ang mga kulay at ipinakita sa amin ang husay nya at bilis sa pagbuo muli nito.
Ako? hanggang palamuti lang ito sa aking keychain. Ikaw, nasubukan mo bang laruin ito?
———————————————————————-
Mga kaibigan may nagtanong po sa amin kung kinakailangan bang ang akda ay isalin sa inglis. Nasa inyo po iyan kung isasalin ninyo sa Inglis dahil alam po namin na kailangan ito sa mga blogs na nagsusulat ng sponsored posts. Kung wala naman po kayong sponsored posts, sa tagalog lamang po ay sapat na. Importante ay mayroon po kayong tagalog na akda.. Salamat!

