Mahalagang Anunsiyo.

April 9, 2008 by  
Filed under General, News & Updates

Ilang oras na lang at atin nang sisimulan ang pangalawang tema, handa na ba kayo?!

Subalit bago ito, nais ko hingin ang inyong maigsing oras upang basahin ang sumusunod. BASAHIN NYO PO SANA.

Maraming salamat po sa inyong lahat na nagsisali sa masayang pagbubukas ng L.P. nuong nakaraang Huwebes! ‘ Overwhelming, nakakatuwa, at napakasaya’ ayon po sa iba sa inyo. Nadalaw po kayong lahat ng inyong lingkod at nakita rin po natin ang iba’t-ibang positibong reaksyon. Maraming salamat po. May ilang punto lamang po ang L.P. na nais banggitin:

  • Nais ko po tawagin ang atensyon ng mga nagsumiti (submitted) ng kanilang mga blogs na hindi naisali nuong nakaraang Huwebes, hinihikayat po na isali nyo ang mga blogs sa Huwebes na ito. 2 miembro po ay nagpadala ng kanilang paumanhin kaya hindi sila nakasali. 3 po ay hindi.
  • Sa hindi po nagsulat ng Tagalog na akda, nakasaad po ito sa ating alituntunin. Mahirap man po ay ating subukan. Ang inyong lingkod ay hirap din pero kaya natin ito!
  • Tungkol naman po sa suhestyon na maglagay ang L.P. ng Mr. Linky’s magical widget (paki research na lang po sa hindi nakaka-alam dito) ipagpaumanhin ninyo subalit iiwasan po natin na magmadali ang iba sa atin na iiwanan lamang ang kanilang entry link subalit hindi na mag iiwan ng komento. Ganito po ang nagyayari sa ibang photomemes, alam po ng inyong lingkod dahil miembro ito ng ilan. Lahat po tayo ay busy at nagmamadali subalit ang L.P. po ay samahan at hindi iwanan ng link lamang. Sapat na po ang plugin na inilagay sa gawing komento upang iwan ang inyong entry link.
  • Kay G. bluep na nagsuggest na i-aggregate o igawa ng lingguhang buod kada tema, ipagpaumanhin mo Ginoong guapo este bluep, subalit wala na pong ekstrang panahon ang inyong lingkod para dito. Kung sino man po sa ating mga miembro ang may oras at handang bisitahin kada Huwebes ang lahat ng akda, at i-aggregate ito sa inyong blog (hindi po dito) kayo po ay malugod na inaanyayahan, lumiham lamang po sa L.P.
  • Atin pong binago ang paraan ng pagsali sa L.P. nuong ika-5 ng Abril. Ngayon ay kailangang 2 beses muna sumali, nakapag lagay ng link button sa mga blogs at walang malalaswang laman ang mga blogs bago ma-aprubahan. Ang dahilan ay upang maiwasan ang mga nagpapalink lang ng kanilang blogs. Hangad po ng L.P. ay kalidad (quality) at hindi bilang (quantity) ng miembro.

Maraming salamat po sa inyong oras. – admin.

« Previous Page