Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko

April 9, 2008 by admin  
Filed under LP entries

Bago ang lahat, SA MGA HINDI PO NAKABASA NG MAHALAGANG ANUNSIYO, PAKI KLIK LAMANG PO ITO.

————————————————————-

Kumusta ulit kayong lahat? Huwebes na naman, oras na naman ng kasiyahan sa Litratong Pinoy! Alam kong iba sa atin ay excited na talaga (to borrow your own word) kaya simulan na natin!

Unang larawan, ito ang tatsulok ng aking tripod. Fresh na fresh pa kasi kani- kanina ko lang kinunan ng larawan. [First photo is the 3 corners of my tripod, just photographed it a while back.]

tatsulok1.png

Ito naman po ang silya namin sa kusina na hindi naman nagagamit ng husto dahil mataas sya (hanggang bewang ko) bar stool kasi sya. Kanina ko lang din ito kinunan ng larawan at medyo nahirapan dahil mataas nga at kinailangan ko pa tumuntong sa aming hagdan. Sayang at hindi ko maitago yuong itim na mga paa sa anggulo. [While this is our bar stool in the kitchen which isn't often used because it's quite high just about waisthigh. Shame that I wasn't able to hide the black legs. I used the stairs to capture it.]

silya1.jpg

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!

Next Page »