L.P. #1: Ako Ay BILOG

April 2, 2008 by admin  
Filed under LP entries

MAINIT AT PUNO NG PAGMAMAHAL NA PAGSALUBONG PO MULA SA LITRATONG PINOY PARA SA INYONG LAHAT! MABUHAY AT WELCOME! ALAS DOSE NA NG UMAGA SA PILIPINAS, HUWEBES NA KAYA ETO NA!!
Sa totoo lang po ay hindi ko akalain na aabot ng 50+ ang ating miembro sa araw na ito pero malugod ko pong ibinabalita sa inyo na mayroon na po tayong 51 litratista na nagsisali…ang saya! Maraming salamat sa inyong pagsali, pag-iimbita ng inyong mga kaibigan, paglalagay ng L.P. link button sa inyong blogs at higit sa lahat, sa mga nakakatuwang emails na ipinadala po sa akin, talagang wow!
Hindi ko na pahahabain pa, simulan na natin!

” 4 na taon ang nakakaraan ng makita ko ang mga bilog na ito samantalang namamasyal kaming mag-asawa sa Austria. Natuwa ako sa magandang pintura nila na pula at dilaw kaya bumili ako ng limang piraso.

bilog
marbles5.png

Ang limang ito ay naka-display sa aming maliit na fish pond sa likod bahay. Paborito ko silang kunan ng larawan lalo na kapag sumisikat ang araw. Gustong gusto ko rin silang titigan dahil litaw na litaw ang kulay nila kapag nakapatong sa mga bato na ito. Nuong una akala ng aso ko ay pwede nyang paglaruan, mabuti na lang at matitigas ang mga ito at agad nyang iniwan ng hindi nya makagat. Kaya matapos ang 4 na taon, 5 pa rin sila.

4 years ago my husband and I were on vacation in Austria. While walking around I saw these marbles which I immediately bought, I really liked the nice paint of red and yellow. These five are on display on our small fish pond at the back of our house. I like using them as subjects too especially when the sun shines, I love photographing them. In the beginning our dog thought that they were meant for him but quickly lost his interest because they’re tough and couldn’t play with them.

After 4 year, I still have them all 5.

Comments

70 Responses to “L.P. #1: Ako Ay BILOG”
  1. Snagglepuss says:

    Eto ang aking unang sabak sa litratong pinoy .

    Sana tama. =)

    Snagglepuss’s last blog post..Litratong Pinoy – NaBILOG ang ulo ko sayo.

  2. abby says:

    huli na din ang entry ko, pero dahil huwebes pa din dito sa amin, pasok pa! happy huwebes LP! :)

    abby’s last blog post..Litratong Pinoy #1: Bilog

  3. eto po ang ikalawa kong lahok sa LP. salamat! :D

  4. Grey says:

    Ang galing! Bilog nga! :D Kakasali ko lang po. Maglalagay na din ako ng litrato ko, yey! Kagabi ko pa sinusubukan mag-komento dito pero ayaw malagay e.. :( ano kaya problema?

  5. Grey says:

    Yehey!!! Nakapag-post na din ako ng una kong litrato: AKO AY BILOG! :) :) Masarap. Malamig. Masaya. Sa Araw ng Tag-init. SORBETESSSSSSS! :D –> http://grey24.multiply.com/journal/item/116/Ako_ay_BILOG

  6. hello LP. alam mo bang muntik ko ng makalimutan, akala ko kasi eh bukas pa eto. palibhasa eh delayed ang utak ko ng isang araw. hahaha! at ang ganda ng kuha mo hah, akala ko nong una eh bola ng jackstone. naaalala mo pa bang laruin yon? hehehe :blah:

    at eto naman po ang aking larawan para sa litratong pinoy:

    http://sardonicnell.wordpress.com/2008/04/03/litratong-pinoy-1-ako-ay-bilog/

    maraming salamat, mwaaah :beh:

    sardonic nell’s last blog post..Reply

  • christine says:

    Nakakahiya pero ako ang pinakahuli. :( Pilitin kong maging maaga sa susunod na pagkakataon! :)

    Sana ay mapadalaw kayo: :)

    http://strawberrygurl.com/2008/04/04/lp-1-ako-ay-bilog/

    christine’s last blog post..LP 1: Ako Ay Bilog

  • bluep says:

    Gandang araw po sensya na po at delayed ang entry ko. ipopost ko po sya mamaya gabi tapos maglilibot din ako sa lahat ng LP members. kagagaling ko lang po kagabi sa bakasyon eh medyo sobra po ako napagod sa byahe kaya di ko naihabol kagabi. mamaya po gabi ipopost ko na yung sa akin

    bluep’s last blog post..A new way in looking for an online date

  • MARU says:

    bagong salta lang po ako sa grupo. maraming salamat sa pagtanggap sa akin. biyernes pa lang naman ngayon kaya siguro…eksyus ang mahuli ng isang araw. :D

    eto po ang entry ko: http://www.maruism.com/2008/04/04/litratong-pinoy-1-bilog/

    MARU’s last blog post..Litratong-Pinoy #1 – Ako Ay Bilog

  • jennyL says:

    Kakasali ko lang kanina pero nag post na rin ako ng entry ko kahit sobrang huli na, d bale diba…Pakitingin na lang ng kuha ko sana magustuhan nyo. Nga pala maganda ang pagkahuha mo sa huling litrato…salamat

  • geisha says:

    ang cute! makasali nga :D

    geisha’s last blog post..tribute to my baby angel

  • bluep says:

    gandang gabi. at last, my entry is up for LP

    bluep’s last blog post..Bilog ang Mundo

  • Lynn says:

    Kaba-blog hop ko nakita ko ang site na ito. Mahilig talaga akong kumuha ng litrato kaya sasali ako rito sa isangg linggo. Mahilig akong sumali sa photo hunts. Mukang masaya rin ‘to. Pinoy Power! Grab ko na yung buttons para dito.

    Lynn’s last blog post..Glass

  • jeprocks says:

    Perlas na bilog wag tutulog tulog, LP me bilog na ako… sabi mo kasi bilog e http://jeprocksdworld.com/lp-entry-bilog/

  • manilenya says:

    sa wakas nakapagpost din ng asaynment lol!

    manilenya’s last blog post..Bilog

  • ces says:

    ako rin ako rin! kakasali ko lang! ang saya!

    Ces’ BILOG

  • master says:

    Maari po bang sumali, mayroon na akong isang lahok para sa kategoryang bilog at nailagay ko na rin ang link sa aking blog.

    master’s last blog post..Bilog

    L.P.: MAARI PONG SUMALI AT MA-APRUBAHAN BASTA LAMANG PO SUNDIN NINYO ANG NASASAAD SA PAHINANG: IMPORMASYON ATBP. Salamat.

  • manilenya says:

    lol! nag paalam pa si MB sige sali lang ng sali wala namang taya e lol!

    manilenya’s last blog post..Bilog

  • Aggie says:

    Late ako, pero meron na ako litrato, sinama ko sa Week 2 :)
    http://www.aggietha.com/2008/04/09/litratong-pinoy-2/

  • Speak Your Mind

    Tell us what you're thinking...
    and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

    CommentLuv Enabled