L.P. #1: Ako Ay BILOG
April 2, 2008 by admin
Filed under LP entries
MAINIT AT PUNO NG PAGMAMAHAL NA PAGSALUBONG PO MULA SA LITRATONG PINOY PARA SA INYONG LAHAT! MABUHAY AT WELCOME! ALAS DOSE NA NG UMAGA SA PILIPINAS, HUWEBES NA KAYA ETO NA!!
Sa totoo lang po ay hindi ko akalain na aabot ng 50+ ang ating miembro sa araw na ito pero malugod ko pong ibinabalita sa inyo na mayroon na po tayong 51 litratista na nagsisali…ang saya! Maraming salamat sa inyong pagsali, pag-iimbita ng inyong mga kaibigan, paglalagay ng L.P. link button sa inyong blogs at higit sa lahat, sa mga nakakatuwang emails na ipinadala po sa akin, talagang wow!
Hindi ko na pahahabain pa, simulan na natin!
” 4 na taon ang nakakaraan ng makita ko ang mga bilog na ito samantalang namamasyal kaming mag-asawa sa Austria. Natuwa ako sa magandang pintura nila na pula at dilaw kaya bumili ako ng limang piraso.
Ang limang ito ay naka-display sa aming maliit na fish pond sa likod bahay. Paborito ko silang kunan ng larawan lalo na kapag sumisikat ang araw. Gustong gusto ko rin silang titigan dahil litaw na litaw ang kulay nila kapag nakapatong sa mga bato na ito. Nuong una akala ng aso ko ay pwede nyang paglaruan, mabuti na lang at matitigas ang mga ito at agad nyang iniwan ng hindi nya makagat. Kaya matapos ang 4 na taon, 5 pa rin sila.
4 years ago my husband and I were on vacation in Austria. While walking around I saw these marbles which I immediately bought, I really liked the nice paint of red and yellow. These five are on display on our small fish pond at the back of our house. I like using them as subjects too especially when the sun shines, I love photographing them. In the beginning our dog thought that they were meant for him but quickly lost his interest because they’re tough and couldn’t play with them.
After 4 year, I still have them all 5.






Eto ang aking unang sabak sa litratong pinoy .
Sana tama. =)
Snagglepuss’s last blog post..Litratong Pinoy – NaBILOG ang ulo ko sayo.
huli na din ang entry ko, pero dahil huwebes pa din dito sa amin, pasok pa! happy huwebes LP!
abby’s last blog post..Litratong Pinoy #1: Bilog
eto po ang ikalawa kong lahok sa LP. salamat!
Ang galing! Bilog nga!
Kakasali ko lang po. Maglalagay na din ako ng litrato ko, yey! Kagabi ko pa sinusubukan mag-komento dito pero ayaw malagay e..
ano kaya problema?
Yehey!!! Nakapag-post na din ako ng una kong litrato: AKO AY BILOG!
Masarap. Malamig. Masaya. Sa Araw ng Tag-init. SORBETESSSSSSS!
–> http://grey24.multiply.com/journal/item/116/Ako_ay_BILOG
hello LP. alam mo bang muntik ko ng makalimutan, akala ko kasi eh bukas pa eto. palibhasa eh delayed ang utak ko ng isang araw. hahaha! at ang ganda ng kuha mo hah, akala ko nong una eh bola ng jackstone. naaalala mo pa bang laruin yon? hehehe :blah:
at eto naman po ang aking larawan para sa litratong pinoy:
http://sardonicnell.wordpress.com/2008/04/03/litratong-pinoy-1-ako-ay-bilog/
maraming salamat, mwaaah :beh:
sardonic nell’s last blog post..