L.P. #1: Ako Ay BILOG

April 2, 2008 by admin  
Filed under LP entries

MAINIT AT PUNO NG PAGMAMAHAL NA PAGSALUBONG PO MULA SA LITRATONG PINOY PARA SA INYONG LAHAT! MABUHAY AT WELCOME! ALAS DOSE NA NG UMAGA SA PILIPINAS, HUWEBES NA KAYA ETO NA!!
Sa totoo lang po ay hindi ko akalain na aabot ng 50+ ang ating miembro sa araw na ito pero malugod ko pong ibinabalita sa inyo na mayroon na po tayong 51 litratista na nagsisali…ang saya! Maraming salamat sa inyong pagsali, pag-iimbita ng inyong mga kaibigan, paglalagay ng L.P. link button sa inyong blogs at higit sa lahat, sa mga nakakatuwang emails na ipinadala po sa akin, talagang wow!
Hindi ko na pahahabain pa, simulan na natin!

” 4 na taon ang nakakaraan ng makita ko ang mga bilog na ito samantalang namamasyal kaming mag-asawa sa Austria. Natuwa ako sa magandang pintura nila na pula at dilaw kaya bumili ako ng limang piraso.

bilog
marbles5.png

Ang limang ito ay naka-display sa aming maliit na fish pond sa likod bahay. Paborito ko silang kunan ng larawan lalo na kapag sumisikat ang araw. Gustong gusto ko rin silang titigan dahil litaw na litaw ang kulay nila kapag nakapatong sa mga bato na ito. Nuong una akala ng aso ko ay pwede nyang paglaruan, mabuti na lang at matitigas ang mga ito at agad nyang iniwan ng hindi nya makagat. Kaya matapos ang 4 na taon, 5 pa rin sila.

4 years ago my husband and I were on vacation in Austria. While walking around I saw these marbles which I immediately bought, I really liked the nice paint of red and yellow. These five are on display on our small fish pond at the back of our house. I like using them as subjects too especially when the sun shines, I love photographing them. In the beginning our dog thought that they were meant for him but quickly lost his interest because they’re tough and couldn’t play with them.

After 4 year, I still have them all 5.