Archive for April, 2008

Apr-30-2008

LP #5 : MALUNGKOT

SA MGA NAG-AABANG PO NG LP#5…..MAAGA PONG NATAPOS ANG MAINTENANCE NG ATING WEBHOST AT MAAYOS NAMAN ANG LAHAT KAYA NAPAGPASYAHAN PO NG L.P. NA UMPISAHAN NA ANG KATUWAAN SA HUWEBES NA ITO. SA DAHILANG NAG-IWAN ANG IBANG MIEMBRO NG LINKS SA NAKARAANG AKDA AY BAKA HINDI NINYO MAKITA . AT UPANG MAIWASAN NA MAKALIGTAAN ANG MGA ITO -SIMULAN NA NATIN!

SA MGA NAG-IWAN NA NG KANILANG MGA ‘ENTRY LINKS’ , IWAN SANA NINYONG MULI ITO SA TAMANG COMMENT BOX PARA MADALAW KAYO NG IBANG MIEMBRO.

Pasensya na po sa mga hindi nakabalik ulit matapos ang unang anunsiyo ukol sa maintenance, ipagpaumanhim po ninyo.

- admin

—————————————————————————-

malungkot.jpg

Ikaw ay pirmihang nakatira sa labas ng Pilipinas, hindi maiiwasan na sa iyong muling pag-uwi sa bansang sinilangan ay ganitong lugar ang iyong pupuntahan.

Ina, ama, kapatid, lolo, lola, anak o sino mang mahal sa buhay na kinuha ng Poong May Kapal habang ikaw ay nasa malayong lugar, tanging bato na kung saan nakasulat ang kanilang pangalan ang iyo na lamang matutunghayan.

Masakit sa kalooban? Payapa ba o ligalig ang nararamdaman?

Kalungkutan…ah, malungkot na katotohanan.

Posted under L.P.
Apr-30-2008

LP# 5 AY IUURONG NG ILANG ORAS

IPINAGBIBIGAY ALAM PO SA MGA MAGSISISALI SA TEMANG ‘MALUNGKOT’ NA ITO AY IUURONG NG ILANG ORAS SA KADAHILANANG ANG WEBHOST AY MAGSASAGAWA NG ‘MAINTENANCE’ SA HUWEBES, ALAS DOSE NG MADALING ARAW. TUMAPAT ITO SA ATING ORAS NG PAGBUBUKAS SA L.P.

KUNG WALANG ABERYANG MAGAGANAP, ANG LP#5: ‘MALUNGKOT’ AY MAGSISIMULA NG ALAS OTSO NG UMAGA, ORAS SA PILIPINAS (8 AM, THURSDAY PHILIPPINE TIME.)

‘Nakakalungkot naman, itinapat pa sa oras at tema ng LP. How ironic is that

-admin

Posted under balita at impormasyon
Apr-29-2008

Maligayang Pagbati

 

Maligayang Pagbati sa iyong Kaarawan FICKLEMINDED!

Nawa’y makamtam mo ngayong araw na ito at sa mga susunod pa na araw ang lubos na ligaya.

 

balloonmix.gif

 

 

 

 

 

Posted under Kalahatan