Pagbati atbp.

Nais po bumati ng L.P. sa ating mga miembro na nagdiriwang ng kaarawan sa araw na ito:
Sreisaat at Incoherent , Maligayang Kaarawan sa inyo! Nawa’y maging masaya ang araw na ito at syempre sana marami rin kayong matanggap na regalo.
**************************************************************************
Sa mga nagtatanong po na baguhan sa ganitong uri ng lingguhang palaro, naririto po ang dapat gawin:
- Gumawa ng akda (entry) sa inyong blog , na naaayon sa ating tema para sa Huwebes na ito.
- Dumalaw dito, mag-iwan ng komento at iwan ang link ng inyong entry.
- Dumalaw at mag-iwan ng komento sa mga entry ng mga miembro.
- Maaari pong maglagay ng L.P. link button sa simula o ilalim ng inyong lingguhang entry. Ito po ay isa pang paraan upang makapag imbita tayo ng iba pang nahihilig sa pagkuha ng litrato.



Maraming salamat sa pagbati, Binibini!
Ay hi hi hi, kinilig tuloy ako at natawag na ‘binibini’ *wink*
Next year, kailangan magpa-party ka for L.P. ha? ha ha!
Oo ba! Basta ba nasa iisang kontinente tayo eh! (teka, masyado atang malawak pag kontinente ang ginamit ko… o sinadya ko talagang sabihin yan?)
ikaw pala ay binibini, admin.
maligayang bati kay sreisaat at incoherent!
sana thursday na, para makapag-post na ng larawan! hehe.
ris’s last blog post..Ms Popular
naisip ko din pala, na isang maganda sanang paksa para sa Mayo Uno ay tungkol sa ‘labor’ o pagtatrabaho. parang akmang akma kasi sa araw na iyon.
naisip ko lang naman.
ris’s last blog post..Ms Popular
Hi RIS: ha ha, maya-maya lang Huwebes na
maganda panukala mo! ireserba natin para sa susunod, hindi lang maari pang baguhin ang mga tema na nakatala na. pangako gagawin natin yan.
maligayang kaarawan sreisaat at incoherent
nawa’y mabiyayaan pa kayo ng sandamakmak na kaligayahan at pagpapala
ingat lagi!
Meeya’s last blog post..WS05: Mess Stress
Maligayang kaarawan sa inyong dalawa!
she’s last blog post..The High School Meme
Maligayang kaarawan sa may mga kaarawan hehe, Sreisaat at Incoherent nawa’y sumainyo ang lahat ng magagandang biyaya..teka hindi pala lahat…baka maubusan kami. Ingat po sa lahat!
Maraming salamat sa lahat ng bumati! Ako’y lubos na nagagalak sa inyong malugod na pagbati.
Nawa’y pagpalain kayo at ang inyong mga pamilya.
OT: Sa totoo lang, ako’y kinakabahan sa nalalapit na LP sa Huwebes. Hindi ako maalam mag-kokodak. *aaaaah, nasisiraan na ako ng ulo kakaisip*
incoherent, wag kang mag-alala. hindi naman tayo lahat professional na photographer.
Isipin mo kasiyahan mo ito at walang magsasabing hindi ka dapat kumuha ng litrato. diba?
ris’s last blog post..Add to my cart!
maligayang kaarawan sa inyo
Maligayang kaarawan po sa inyo, Sreisaat at Incoherent! Kahit na nahuli ako ng isang araw sa pagbati. hehehe (–,)
ako ay lubhang nalulugod sa limpak-limpak na bilang ng mga nagsidalo na sa lingguhang palahok na ito. talaga namang siksik, liglig at umaapaw
sa sobrang kagalakan at nakumpleto ko na ata pati ang mga paksa para sa susunod na buwan. peteks na ko sa mga darating na araw
Kotsengkuba’s last blog post..Cha Bu Dou Le!
maraming salamat ulit sa mga bagong bumati! (patungkol kay ris, start, at studio juan)
@ris – wala rin naman talaga akong hilig sa potograpiya. sumali ako dito para tumesting atsaka para makilala din ang ibang pinoy bloggers. tama ka, wala namang nagsasabihing di ako pwedeng kumuha ng litrato… kaya pwes!! ha ha ha!
@kotsengkuba – huwaw. ang sipag mo naman. ha ha ha!
Maraming, maraming salamat, LP at sa lahat ng bumati. Humihingi po ako ng dispensa dahil ngayon lang ako nakabisita dito. Meron lang akong importanteng inasikaso.
mga kapatid,
ako rin po ay isa sa mga baguhang nais sumali sa inyo subalit nang aking kopyahin ang inyong link button, akin pong napansin at nais ko rin pong ipagbigay-alam na rin para maiwasto ang pagkakamali po sa pagtatalastas ng salitang “litrato” sapagkat ang nakalagay po sa inyong larawan ay “Liltratong Pinoy”. Gayunpaman, hindi po ito magiging hadlang sa kagustuhan ko ding matuto ng tamang paglilitrato at pagpapraktis ng wikang Pilipino. Yun lamang po at nababaluktot na ang dila ko. Maraming salamat.
teys
teys’s last blog post..Some Rights Reserved
TEYS: Itinama na po ang disensyo ng button links, salamat.