Ilang araw na lang!
Ilang tulog na lang, malapit na tayong magsimula!
Gusto lang po magpasalamat ng L.P sa mga nagparehistro nitong nakaraang mga araw, welcome po muli sa inyong lahat! Nais din pong magpasalamat ng L.P. sa mga kaibigan na patuloy na nagiimbita ng mga kaibigan upang lumahok sa L.P.
Maraming salamat din po sa mga sumusunod:
- Bb. Jing na gumawa ng ating logo.
- MunchkinMommy sa iyong pagtulong sa L.P. at pag submit ng tema para sa buwan ng Hunyo.
- Meeya sa iyong akda tungkol sa L.P.
- Kotsengkuba, para sa tema sa buwan ng Hunyo.
- Atinna (hindi po miembro ng LP), salamat sa iyong tulong.
Karagdagang kaalaman din po, na atin nang inalis ang limit ng litrato na maaari ninyong isama sa inyong lingguhang akda. Dati ay isa ngayon ay wala na pong limit ito.
Maging maganda sana ang pagtatapos ng inyong linggo!


