Archive for March, 2008

Mar-31-2008

Pagbati atbp.

Nais po bumati ng L.P. sa ating mga miembro na nagdiriwang ng kaarawan sa araw na ito:
Sreisaat at Incoherent , Maligayang Kaarawan sa inyo! Nawa’y maging masaya ang araw na ito at syempre sana marami rin kayong matanggap na regalo. :wink:

 

 

**************************************************************************

Sa mga nagtatanong po na baguhan sa ganitong uri ng lingguhang palaro, naririto po ang dapat gawin:

  • Gumawa ng akda (entry) sa inyong blog , na naaayon sa ating tema para sa Huwebes na ito.
  • Dumalaw dito, mag-iwan ng komento at iwan ang link ng inyong entry.
  • Dumalaw at mag-iwan ng komento sa mga entry ng mga miembro.
  • Maaari pong maglagay ng L.P. link button sa simula o ilalim ng inyong lingguhang entry. Ito po ay isa pang paraan upang makapag imbita tayo ng iba pang nahihilig sa pagkuha ng litrato.
Posted under Kalahatan
Mar-28-2008

Ilang araw na lang!

Ilang tulog na lang, malapit na tayong magsimula!

Gusto lang po magpasalamat ng L.P sa mga nagparehistro nitong nakaraang mga araw, welcome po muli sa inyong lahat! Nais din pong magpasalamat ng L.P. sa mga kaibigan na patuloy na nagiimbita ng mga kaibigan upang lumahok sa L.P.

Maraming salamat din po sa mga sumusunod:

  • Bb. Jing na gumawa ng ating logo.
  • MunchkinMommy sa iyong pagtulong sa L.P. at pag submit ng tema para sa buwan ng Hunyo.
  • Meeya sa iyong akda tungkol sa L.P.
  • Kotsengkuba, para sa tema sa buwan ng Hunyo.
  • Atinna (hindi po miembro ng LP), salamat sa iyong tulong.

Karagdagang kaalaman din po, na atin nang inalis ang limit ng litrato na maaari ninyong isama sa inyong lingguhang akda. Dati ay isa ngayon ay wala na pong limit ito.

Maging maganda sana ang pagtatapos ng inyong linggo!

Posted under Kalahatan
Mar-22-2008

Mabuhay!

 

Sa mga lumiham at sumali sa Litratong Pinoy, Maraming Salamat po!

Sa mga nagnanais na sumali, huwag po lamang ninyong kalimutan banggitin sa inyong email ang sumusunod:

  • Username (pangalan na nais gamitin na link sa L.P.)
  • Lugar na kinaroroonan
  • Araw ng kapanganakan (kahit wala ang taon, hangad lamang ng L.P na kayo ay malugod na mabati sa araw na ito)

Huwag po ninyong kalilimutan na maglagay ng L.P. button link sa inyong sidebar upang maanyayahan ang iba pang Pinoy litratista. Hindi kinakailangan na malalim ang inyong tagalog sa inyong liham. Ang inyong abang lingkod ay nauubusan na rin ng tagalog. *lol!*

SA MGA KABABAYAN NA LITRATISTA, SALI NA KAYO! MAGSISIMULA PO TAYO SA UNANG HUWEBES- IKATATLO NG ABRIL.

Posted under balita at impormasyon